Paulo Avelino, tinanggihan si Angel Locsin!

PINAPATULAN NA talaga sa showbiz ang kung anu-anong mga kadramahan sa buhay ngayon ni Paulo Avelino. Nitong huli, marami ang nagulat at medyo naangasan sa guwapong aktor, dahil diumano sa tinanggihan nito ang project na sana’y pagsasamahan nila ni Angel Locsin.

Ramdam na siyempre sa bakuran ng ABS-CBN na magaling na siyang actor, dahil napatunayan niya iyon sa teleseryeng Walang Hanggan. Pero dahilan na nga ba iyon para umakyat sa ulo niya ang kayabangan?

Nakaiintriga nga naman na ang dami-daming aktor sa showbiz ang nagwi-wish na makasama nila sa project ang isang Angel Locsin, pero heto ang isang Paulo Avelino at tumangging makasama sa project na inialok sa kanya na pagsamahan nila.

Kaya ang resulta, muli na namang inuungkat ang pagiging kakaiba ngayon ni Paulo sa dating ng kanyang pakikisama sa mga taga-showbiz. Umakyat na raw talaga sa ulo ng guwapo at seksing aktor ang kasikatan sa kanyang ulo.

Kumakalat din ang tsismis na baka nga raw totoo ang tsismis na problemado ngayon si Paulo dahil sa relasyon nila ni LJ Reyes na ayaw na ayaw niyang mapag-usapan. Ito ang isa sa itinuturong dahilan, kaya baka raw walang ganang magtrabaho ang aktor.

Lumulutang ‘yung kuwentuhan na dahil American citizen daw si LJ, at kung magiging malalim ang problema nila ni Paulo ay baka dalhin ng Kapuso star ang kanilang anak sa ibang bansa. Na siyempre pa’y hindi na makikita ni Paulo. Mahal na mahal ng aktor ang kanilang anak. Kaya malaking problema nga naman niya kung mapapalayo sa kanya ang kanilang anak.

TALAGANG HINDI pinakawalan ng ABS-CBN ang dating movie queen na si Amalia Fuentes na hindi sa Kapamilya Network mangyari ang pagbabalik-showbiz.

Nu’ng maudlot ang beteranang aktres na makasali sa teleseryeng Muling Buksan Ang Puso, kung saan makakasama sana niya ang karibal niya noon sa popularity na movie queen ding si Susan Roces, hayan at isinama naman siya sa teleseryeng Huwag Ka Lang Mawawala ni Judy Ann Santos.

Napagbintangan tuloy si Amalia na kaya niya hindi itinuloy sumali sa unang teleserye na inialok sa kanya ng Dos ay dahil nag-iinarte na siya at gusto niyang siya talaga ang bida sa teleserye, dahil movie queen nga siya dati.

Maarte na rin diumano ang beteranang aktres sa dapat maging oras ng kanyang taping. Umugong din ang tsika na baka dahil pareho silang reyna ni Susan Roces, kaya kahit okey naman sila bilang magkaibigan ay umayaw na lang si Fuentes sa project.

Pero napapanahon na talaga ang pagbabalik-showbiz ni Amalia, dahil aware siya na talagang hinahanap na siya ng mga tao, at kinukulit na siya ng mga kaibigan niya sa showbiz para mag-artista ulit.

Karapatan ni Amalia na pumili ng tamang project na lalabasan niya. Hindi naman siya madamot sa mga baguhang artista para pagbintangang gusto’y siya pa rin ang bida. Dahil noong baguhan pa lang si Sharon Cuneta, sumuporta si Amalia sa isang pelikula ng Megastar sa Viva Films.

 ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

8 thoughts on “Paulo Avelino, tinanggihan si Angel Locsin!

  1. Syempre ang panget ni Anghet Poksin kaya tatanggihan talaga yan ni Paulo! Ang taba taba yuck! Parang nanganak na si anghet

  2. angel locsin yan…mas malaking artista kesa kay paulo…best actress…bumenta ang pelikula at teleseryes…lumaki na talaga ang ulo ni paulo dahil sa walang hanggan .

  3. ABA, SI ANGEL PA ANG TINANGGIHAN NI PAULO? BAKA NAMAN HINARANG LANG YAN NG ISANG GAY TV EXEC SA DOS? HAHAHAHAHAHA! AYAW SIGURO NG BADIDANG NA TV EXEC NA MAY IBANG MAKINABANG SA KANYANG BOYTOY HAHAHAHAHAHAHA! ITANONG NYO NA LANG KAY MADAM DEO HAKHAK!

Leave a Reply

Your email address will not be published.