Paulo Avelino, sobrang break ang ibinibigay ng Dos!

SINO BA ANG hindi nakakakilala kay Steve Jobs? Itinuturing siyang genius, dahil siya ang dahilan kumbakit merong Apple computer. Siya’y dinapuan ng cancer sa pancreas at namatay kamakailan lang sa edad na 56.

At kelan lang, nabalitaan na-ming meron palang sikreto itong si Steve Jobs. Siya pala nu’ng araw ay nagkaroon ng “fling” na Pinay at nagkaanak sila ng lalaki. At ngayon nga ay isa na itong ganap na binata.

Ang nakakatuwa pa raw rito, ang Pinay na ina ang nasunod sa pangalan at pumayag din daw si Steve Jobs na ibigay ang apelyido sa bata. Pinoy na Pinoy ang pangalan ng bata – Pablo.

Nu’ng una ay na-ngiti kami, dahil ang suwerte naman ng mag-ina kung totoo man ito. Imagine, ‘yung pa-ngalan pa lang, magkano na ang net worth. Eh, ‘yung mamanahin pa ng bata bilang siya ang Pinoy na anak ni Steve Jobs, ‘di ba?

Hanggang sa ‘yung ngiting ‘yon sa aming mukha ay napalitan nang malakas na tawa, bungisngis at pagsakit ng tiyan sa katatawa. ‘Tangna, joke lang pala ‘yon.

 

ISA NANG BALIK-KAPAMILYA si Richard Gomez. Nakita namin siya a couple of days ago sa dressing room nina John Estrada, Rico Puno at Randy Santiago bago magsimula ang Happy, Yipee, Yehey!

Kung babasahin namin ang mukha ni Goma, sobrang excited siya sa kanyang pagtuntong sa ABS-CBN. At ang nakakatuwa pa du’n ay ang pag-welcome sa kanya ng mga kaibigan niyang artista sa ABS-CBN.

Pumirma na nga ng kontrata si Goma at nakatakda niyang gawin ang teleserye nila ng dating girlfriend at ka-loveteam na si Dawn Zulueta. ‘Wag n’yo nang itanong kung nagseselos si Congw. Lucy Torres, dahil hindi.

Anyway, pagyakap nga namin kay Goma bilang mainit na pag-welcome back sa kanya ay isa lang ang naidayalog namin, “Welcome back, Goms! Ikaw naman talaga ang original na Kapamilya, eh!” napangiti si Goma.

Naman!

Ayan, bigla tuloy naming na-miss ang kanyang manager at mentor din namin sa telebisyon na si Tito Douglas Quijano.  Alam naming happy siya para sa kanyang mga alaga.

 

NAPANOOD NAMIN SINA KC Concepcion at Paulo Avelino sa MMK last Saturday at in fairness, hindi sila tao, hindi rin sila hayop – bagay sila, huh!

Ang gandang taga-barrio ni KC in fairness. Kahit si Paulo ay love na love siya ng kamera. Mahusay ring magpatulo ng luha itong si Paulo, in fairness, huh! Kaso, hindi pa bumabagsak ang luha ni KC, inunahan na niya. Hehehe.

Pero feeling namin, hindi pagsisisihan ni Paulo na siya’y naging Kapamilya, dahil tingnan niya naman, huh! Ang daming talents ng ABS-CBN na noon pa nangangarap na mag-shine, pero siya ‘yung masuwerteng na-bigyan ng bonggang break!

 

PUWEDE N’YO NA po kaming mapanood sa Facebook araw-araw (Lunes-Biyernes, 4-5:30pm). Mga balitang showbiz at kung anu-ano pang kagagahan na magpapagaan ng inyong araw ang ibibigay namin.

Alam naming kahit ano, puwedeng sabihin sa internet, kahit nga pagmumura o pang-iinsulto ng kapwa, puwede, eh.  Kaso, siyempre, hindi na kami gano’n. Level-up na ang drama namin ni kasamang Rommel Placente.

Fun, fun, fun at love, love, love lang ang ihahatid sa inyo ng www.facebook.com/vibestayo. Paki-like na rin po ang fanpage na ito ng mga mahihilig sa tsismis para po live n’yong mapanood ang updates sa inyong favorite artistas.

 

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

12 thoughts on “Paulo Avelino, sobrang break ang ibinibigay ng Dos!

  1. MALAPIT NG MAGLADLAD SI PAPA P. KAYA NAGKAKANDARAPA ANG ABS NA MAGHANAP NG PAPALIT KAYA PATI SI PAOLO AVELINO KINAREER! KASO NAKABUNTIS NA ITO (LJ REYES) KAYA WALA NG MATINEE IDOL APPEAL PANG SUPPORT LANG…

  2. hoy bakla….huwag masyadong nasty kay kc……alam ko na bakit galit ka sa kanya dahil sa breakup nila ni piolo,alam ko na kong bakit hindi ikaw neutral ….kasi binibigyan ka ng donations ni pj,,,,,kunwari ka pa charity     binubulsa mo man lang….

  3. hoy ogieng bakla…..bakit panay ang pag aapi mo kay kace ngayon…….kahit commercial niya may comment..ka…..nag saside ka kasi kay  piola na katropa mo.pareho kayong bakla……bakit gusto mo bang  gumaya si kc sa asawa mong tanga….  leave kc alone please…..maawa ka sa kanya.

  4. i forgot to mention, it was in Kris TV. Among all the guests that day, he was the most interesting and the most handsome heartthrob . I just missed JM De Guzman. One of my new favorites in Kapamilya network. Pagpahingahin na sila Piolo at Jericho at pati na si
    Christopher de Leon na wala nang bago sa akting na pinapakita, pilit ang matigas na mukha at pananalita.

  5. i watched Paulo Avelino and was pleasantly surprised with the way he answered the questions. I think he is an intelligent guy. I hope he will be given more meaningful projects and he will become a competent actor in the mold of Joel Torre or Tommy Abuel.

  6. ah pasensya na kayo..kasi di ko kilala yung Paulo Avelino na yun..galing pala ng GMA kaya d ko kilala…sana pagbutihan pa niya lalo ang acting..kasi di biro ang lumipat sa Dos (worldwide yan ah)…kung kasikatan ang gusto nya kayang kayang ibigay ng Dos yan, na di kaya ng GMA. In fairness napanood namin ang MMK niya dito s TFC at siya pala ang Paulo Avelino…good luck sa iyo pare, pagbutihan mo ah..kasi kapag hindi baka lamunin ka sa acting ng mga taga-Dos…

  7. kahit naman mag stay si paulo avelino sa GMA, ganun pa din naman status ng career nya e.. kaya magsisi man ang GmA o hindi e talagang ABS lang ang may ability na mapasikat sya ng todo.. e ang TV5 nga walang original na napapasikat e.. kahit yung mga pinirata nila.

  8. Si Billy Crawford, back up dancer lang sa GMA 7. Ano na ngayon. Magaling pala siyang host din. Maraming galing sa kabilang network na ngayon ay sikat na sikat na at hindi sila naburo. Si Goma, laking sisi siguro niya dahil binuro siya ng matagal. Balik kapamilya tuloy. Si Maricel at Claudine, nagkaroon ng depression. Ay naku, marami pa sa listahan pero tama na siguro ang mga ito. Wise move Paulo.

  9. Mas bagay tlaga si Paulo sa ABSCBN! I’m sure todo ang pagsisisi ng GMA7 for letting him go. Kabugin na ang Aljur na bokya sa aktingan at inglisan haha

Leave a Reply

Your email address will not be published.