Paulo Avelino and Ritz Azul: The Promise of a Hot, European Romance!

Ritz Azul and Paulo Avelino (PauRitz)

PAULO AVELINO

Real Name: Michael Paulo Lingbangan Avelino

Birth Date: May 13, 1988

Zodiac Sign: Taurus

 

RITZ AZUL

Real Name: Ritz Ann Riggie Alzul Bisenio

Birthdate: January 11, 1994

Zodiac Sign: Capricorn

 

MATAGAL-TAGAL din ang hinintay ng mga loyal fans ni Paulo Avelino ang teleseryeng “The Promise of Forever”, na kinunan pa ang ilan sa mga eksena sa Eastern Europe. More than a year na nang umpisahan nila ang pagte-taping, pero last month lang ito pinalabas.

Ito bale ang first big project ng ex-TV5 leading lady na si Ritz Azul sa Kapamilya network. Marami ang curious kung may ibubuga ba sa aktingan ang sexy actress at kung may chemistry ba sila ni Paulo. In fairness, ang sagot dyan ay OO!

Hindi naman secret sa lahat na may girlfriend na si Paulo ngayon, pero kung saka-sakali or in the future, may ‘promise of forever’ kaya ang PauRitz?

Praktikal sa buhay ang Capricorn at Taurus. Para sa kanila, sila ay nabubuhay sa ‘real-world’ at hindi sa isang fairytale tulad nang madalas na isipin ng iba. Magka-jive ang personality ng dalawa pagdating sa physiological at spiritual na bagay. Dahil parehong seryoso, may mga pagkakataon na nakakalimutan nilang mag-enjoy. Focused sila sa mga bagay na importante sa kanila. Ang pagsasama ng dalawa ay dedepende sa kanilang personal na pagkakaintindihan, tiwala at pagiging consistent. Pagdating sa pera, wala silang masyadong magiging problema dahil pareho nilang gagawin ang lahat para umangat sa buhay.

Ang pagiging ambisyosa ng Goat ang magpapaibig sa Toro. Maaakit naman ng Taurus ang Goat sa kanyang strong family ties at pagiging determinado sa buhay. Suportado nila ang karera at desisyon ng bawat isa at bihirang magkakaselosan. Kailangan nga lang nilang matutong mag-enjoy rin paminsan-minsan para hindi magkasawaan.

Ang pagsasama ng lala-king Taurus at babaeng Capricorn ay madalas na nagiging matagumpay. Hindi na nila kailangan pang ipagsigawan sa madlang pipol na mahal nila ang isa’t isa para lang mapatunayan ang tunay nilang nararamdaman. Bestfriend nila ang isa’t isa at sa match na ito, bihira ang mga pangarap na hindi matutupad.

Mukhang very credible itong finding natin, huh?! Ngayon na proven na ang love match nina Paulo at Ritz, ibig sabihin nito ay pwede pa tayong umasa sa pangakong kilig ng fresh tandem na ito. Abang-abang na lang tayo, huh!

 

 

Pares-Pares

By Madam Damin

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.