Paulo Avelino, pinupukol ng sunud-sunod na kanegahan!

SUNUD-SUNOD ANG mga kanegahang balita tungkol kay Paulo Avelino na may kinalaman sa kanyang diumano’y kayabangan. Magmula talaga nang mapunta siya sa ABS-CBN at makasali sa nagtapos na teleseryeng Walang Hanggan, medyo nagkaroon na siya ng angas, na hindi naman niya ugali noong nasa GMA-7 pa siya at hindi pa masyadong pansinin. Hindi pa nga kasi bongga ang kanyang career, kaya hindi pa siya masyadong pinag-uusapan.

Itong huling kaangasan niya na nangyari sa EnPress ay nakatatakot sa kanyang career. Bilang mga artista, lagi namang nariyan ang press na puwede mong pakiusapan at lambingin na maisulat ka kung kailangan mo ng pabor at gagawin nila iyon sa iyo nang walang kapalit. Pero kapag nagtampo ang press, parang nagtampo sa grasya ang isang artista.  Magpasalamat na lang din si Paulo, dahil maagap ang kanyang talent manager na si Leo Duminguez para ayusin ang problemang ito.

Dapat gayahin ni Paulo si Jake Cuenca na dati ring nanggaling sa GMA-7 na hindi napapansin sa showbiz, at nang lumipat din sa ABS-CBN ay bumongga ang career. Pero sa ugali, bonggang makisama si Jake sa press, dahil kahit dumating ang panahon na sobrang busy si Jake sa kanyang trabaho, may panahon siya sa press na nakilala na niya noon at nagdagdagan pa ng mga bago. Ang dami-daming nani-nira kay Jake, pero ang dami ring nagtatanggol sa kanya. Kasi nga nakapagtanim siya ng magandang pakikisama sa mga manunulat.

 

KAKAIBA NAMAN talaga ang image ni Heart Evangelista sa showbiz, dahil tutok lang siya lagi sa kanyang trabaho bilang artista kapag mayroon siyang trabaho. Kung sino lang din ang kanyang mga kaibigan, naroon ang kanyang panahon.  Diretso siyang kausap kapag tungkol sa business ang pag-uusapan. Dahil sa kanya, sa natutunan niya sa kanyang mga magulang, hindi uso sa kanila ang paliguy-ligoy na usapan. Hindi sila nagsasayang ng oras sa mga bagay na walang patutunguhan.

Kaya nga ngayong isa na ang kanyang mommy sa nag-aalaga ng kanyang career, marami ang nagugulat, dahil kakaiba rin ang kanyang butihing ina, na parang mahirap daw abutin. Naiilang siyempre ang ibang taga-showbiz, dahil bukod sa may kaya nga sa buhay ang pamilya nina Heart na sanay sa negosyo, hindi talaga palabiro o maeklay kausap na pang-showbiz si Mommy, kaya mayroong mga nasusupladahan sa kanya.

Nagulat din si Heart na mayroon daw ganu’ng tingin sa kanyang mommy ang mga taga-showbiz. Kaya humihingi naman siya ng paumanhin, sabay ang pagtatanggol na hindi talaga showbiz ang ugali ng kanyang mommy, kaya ganu’n. Pero kung babatiin naman daw at pormal na kakausapin ang kanyang mommy, doon mo malalaman na nakaaaliw kausap ang kanyang mother. Diretso kasi talaga siyang kausap at marami ka ring matututunan sa kanya kapag siya na ang nagsalita.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

5 thoughts on “Paulo Avelino, pinupukol ng sunud-sunod na kanegahan!

  1. When I went to Dilson cinema I saw some good looking Korean bisexuals. They are very generous because they 
    let other good looking filipino bisexuals sucking their long, hard and uncut dicks.

  2. dapat magbago itong si paulo noh! sayang siya, at napakaswerte ng kanyang benefactor kung meron man haha! siguradong gabi-gabi ay nakakatikim ng malapot na gatas ang kanyang bibig hahahahaha! sarap!

  3. YAHAHAHA SIYEMPRE NAMAN,,,ANG LAKAS NG BAKLANG BENEFACTOR NIYA DOON,,,HAHAHAH  KAYA YUMABANG YAN,,,,,,,WALA YAN,,,PAG NAPAG SAWAAN NA YAN NG KANYANG BAKLANG BENEFACTOR,,,UNTI UNTI NA YANG IDI DISPOSE  YAHAHAH DAPAT MAG IPON NA SIYA,,,,HAHAHAH

Leave a Reply

Your email address will not be published.