Paulo Avelino & Nadine Lustre: We Ship Paudine!

Paulo-Avelino-Nadine-LustrePAULO AVELINO
Real Name: Michael Paulo Lingbangan Avelino
Birth Date: May 13, 1988
Zodiac Sign: Taurus
Symbol: The Bull
Ruling Planet: Venus
Quality: Fixed
Element: Earth
Basic Trait: I Have
Closest Metal: Copper
Lucky Day: Friday

NADINE LUSTRE
Real Name: Nadine Alexis Paguia Lustre
Birth Date: October 31, 1993
Zodiac Sign: Scorpio
Symbol: The Scorpion
Ruling Planet: Pluto
Quality: Fixed
Element: Water
Basic Trait: I Desire
Closest Metal: Plutonium
Lucky Day: Tuesday

GABI-GABI, NAGLALAWAY ang mga bebot at feeling bebot sa mga guwapo at napaka-machong cast members ng top-rating rom-com sa ABS-CBN Primetime Bida na “On The Wings of Love”. Lately ay ipinasok ang isa pang super cutie hunk named Paulo Avelino. Gee, ang haba ng hair ni Nadine Lustre, huh! Nasa iyo na lahat ng hot papa!
“Boss Yummy” na may pagka-Hitler ang peg ni Simon (Paulo Avelino) sa istorya, na unti-unti na ring naiinlab sa kanyang staff na si Leah (Nadine Lustre). S’yempre, hindi papayag ang ideal hubby ng primetime na si Clark (James Reid).
Paulo Avelino is single and so does Nadine Lustre (sa pagkakaalam namin). P’wede kaya na in real-life ay magkadebelopan ang dalawang ito? Tsek natin!

Malakas ang attraction sa pagitan ng Taurus at Scorpio. Sa katunayan nga, ito ang isa sa pinaka-intelihenteng pagsasama sa zodiac. Parehong may pagka-possessive ang dalawa, pero mas madaling magselos ang Scorpio. Mas demanding pagdating sa emotional attachment at intimacy ang Scorpio, na maaari nilang pag-awayan ng Taurus.

Isa rin sa negative traits na similar sa kanila ay ang pagiging mainitin ang ulo. Hirap ang dalawa na i-express ang kanilang nararamdaman kaya ang kadalasan na ending ay pagsabog. Boom! Kailangan nilang matutunang mag-open up sa isa’t isa. Open communication and understanding ang kailangan ng dalawa para maiwasan ang mga problema. Ayaw rin nila na sinasakal sila kaya nararapat lang na may ‘space’ sila kahit paano.

Para tumalab at tumagal ang pagsasamang ito, kailangang magsanib-puwersa ang dalawa para gumana ang kanilang tambalan. Dahil karamihan sa kanilang common traits ay ang ‘negative’, hindi pa rin maa-assure ng mga bituin na happily ever after ang ending nito. Minsan nga, kahit ang simpleng paglalandi sa iba ay puwede na nilang pag-awayan. Ma-overcome lang nila ito, puwedeng-puwede na!

May chance ang PauDine! OMG! Mukhang dapat nang gumawa ng paraan itong si James Reid para hindi masulot ni Paulo si Nadine sa kanya. Hala, dumarami pa man din ang shippers nila ngayon. Watchasay, OTWOListas?

Pares-Pares

By Madam Damin

Related Post

loading...

One thought on “Paulo Avelino & Nadine Lustre: We Ship Paudine!

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.