Paulo Avelino & KC Concepcion: Why Can’t It Be The Two Of Us?

KC-Concepcion-Paulo-AvelinoPAULO AVELINO
Real Name: Michael Paulo Lingbangan Avelino
Birth Date: May 13, 1988
Zodiac Sign: Taurus
Symbol: The Bull
Ruling Planet: Venus
Quality: Fixed
Element: Earth
Basic Trait: I Have
Closest Metal: Copper
Lucky Day: Friday

KC CONCEPCION
Real Name: Maria Kristina Cassandra Cuneta Pangilinan
Birthdate: April 7, 1985
Zodiac Sign: Aries
Symbol: The Ram
Ruling Planet: Mars
Quality: Cardinal
Element: Fire
Basic Trait: I Am
Closest Metal: Iron
Lucky Day: Tuesday

ILANG BUWAN na rin kumakalat ang tsikang pinopormahan ni Paulo Avelino si KC Concepcion. It came a surprise to most people at may mga nag-specualte pa nga na ‘for promo purposes’ lang ang balita, pero wala naman silang proyektong pagsasamahan lalo na’t pansamantalang nilisan ng dalaga ang showbiz.

The guy became busy with ‘Honesto’ as she did her own thing in the US of A. Kamakailan lang ay nagbakasyon ang binata sa NYC para bisitahin ang mega daughter. Kilig na kilig pa nga ang followers ng dalawa sa Instagram hanggang bigla na lang a series of sad updates ang pinagpo-post ng dalawa. May pag-u-unfollow pang naganap!

Mukhang hindi naging successful ang panliligaw attempt ni Paulo kay KC. What went wrong? Do they have the right love at the wrong time, or are they not compatible enough?

Ang Aries ay palaging nagmamadali. Kung may gusto itong gawin sa buhay, he or she needs to do it as soon as possible. Meanwhile, Taurus would like to take its time getting to know someone better bago sumunggab sa isang bagay lalo na kung malaki ang risk na gagawin. Ang Aries ay madalas na ‘epic fail’ sa kamamadali, habang ‘I told you so!’ naman ang banat ng Taurean. Sa totoo lang, mas maraming problemang kakaharapin ang tambalang ito kaysa sa happy times. Magkasalungat ang viewpoint nila sa buhay kaya it takes lotsa effort to make this thing work!

Kung masuwertehan nilang ma-balance ang kanilang differences, may chance naman na maging okay ang kanilang relasyon. Puwedeng bigyan ng stability ng Taurus ang pagka-compulsive ng Aries lalo na sa mga long-term decisions. Paminsan-minsan, maiirita ang Aries sa pagiging seryoso sa buhay ng Taurus. Gusto ng Aries na mag-live at the moment, habang fuure naman ang palaging iniisip ng Taurean. Gulo much?

Ang lalaking Taurean ay very attached sa kanyang pamilya. Hangga’t maaaari, gusto nito na stable ang lahat ng aspeto ng kanyang buhay. Ang Aries naman ay madalas na pakalat-kalat at hindi napipirmi sa iisang lugar. Pagdating sa usaping pera ay magkakaproblema rin ang dalawa. Taureans are natural savers, while Aries would love to indulge in new things that they like. Kung matutunan ng Taurus na maging chill lang sa life, may chance pa silang tumagal ng Aries.

Hmmm… ang stars na mismo ang nagsasabi on what went wrong with the Paulo-KC thing. Napaka-opposite ng dalawa, huh! Tama ang kanilang ginawa na mag-let go muna para pag-isipan if its worth the risk. Mahirap nang magsisi sa huli.

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.