Paulo Avelino & Julia Montes: I’m Addicted To You!

By Madame Damin

 

PAULO AVELINO

Real Name: Michael Paulo Lingbangan Avelino

Birth Date: May 13, 1988

Zodiac Sign: Taurus

Symbol: The Bull

Ruling Planet: Venus

Quality: Fixed

Element: Earth

Basic Trait: I Have

Closest Metal: Copper

Lucky Day: Friday

Lucky Colors: Pastel Shades

Lucky Gems: Lapis Lazuli and Sapphires

Lucky Flowers: Daffodils and Daisies

 

JULIA MONTES

Real Name: Mara Hautea Schnittka

Birthdate: March 19, 1995

Zodiac Sign: Pisces

Symbol: The Fish
Ruling Planet: Neptune
Quality: Mutable
Element: Water
Basic Trait: I Believe
Closest Metal: Germanium and Strontium
Lucky Day: Thursday
Lucky Colors: Silver, Sea Greens, Mauve, Purple and Violet
Lucky Gems: Amethyst
Lucky Flowers: Iris, Orchids, Violets and Water Lilies

 

ADIK NA adik si Nathan kay Katarina sa Walang Hanggan. Ang kanyang pagka-adik ay umabot sa puntong obsession na tipong wala na itong pakundangan pagdating sa pananakit dahil sa pagmamahal. Ang saklap, ‘di ba? Halos gabi-gabi nanggigigil ang mga manonood sa patuloy na pananakit ni Nathan kay Katarina at pagseselos nito dahil kay Daniel. Madalas pa ngang magsumamo ang mga Twitter addict dahil sa mga tagpong ito!

Aminin man natin o hindi, bagay naman talaga onscreen sina Paulo Avelino at Julia Montes, ‘di ba? Kung sa teleserye ay nagawa nilang magpakasal pero nakakasakal, ano kaya ang posibilidad na maging sila sa totoong buhay? Trip lang naman ito sana walang magalit! Hihihi!

Ang Taurus at Pisces ay parehong malawak ang pag-uunawa, laid-back ang personality at may disposisyon sa buhay. Gusto nila na swabe lang ang daloy ng mga relasyon nila mapa-pamilya man, kaibigan o kasintahan. Ang Toro ay maiinlab sa pagiging malambing,

mabait at pakikiramay sa iba’t ibang tunguhin ng Isda. Sa kabilang banda, ang Isda naman ay mabibilib sa katapangan, lakas at kahusayan ng Toro.

Dumako naman tayo sa kanilang pagkakaiba: Mas tipo ng Taurus ang simpleng pamumuhay, samantalang magara naman ang peg ng Pisces. Masyadong maraming gustong gawin ang Pisces na umaabot sa puntong nawawala ito sa focus, samantalang naniniwala naman sa ‘one step at a time’ na kasabihan ang Taurus. Kahit pa ganito ang kanilang pagkakasalungat, masasabi naman na compatible pa rin ang dalawa dahil ang pagiging praktikal ng Taurus ang puwedeng dumisiplina sa paiba-ibang timpla ng Pisces.

Sa totoo lang, bongga ang tambalang ito! Isa ito sa magkapares na malaki ang potensiyal na mauwi sa kasalan (at hindi sakalan tulad sa TV, huh?!). Mutual ang kanilang passion at susuportahan nila ang isa’t isa no matter what. Pareho rin silang romantic kaya walang magiging problema kung labing-labing time ang pag-uusapan. Ipararamdam ni lalaki na siya ang tunay na ‘knight in shining armor’ at parang prinsesa lang sa isang happily ever after ending na fairy tale ang peg ni ateh.

There you go! So if given a chance pala, ‘Walang Hanggan’ ang posibilidad na tententenen ang ending ng Paulo-Julia love story! P’wede!

 

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

5 thoughts on “Paulo Avelino & Julia Montes: I’m Addicted To You!

Leave a Reply

Your email address will not be published.