Paulo Avelino: From Starstruck Avenger to Bankable Leading Man!

FROM ‘ONE of those’, maituturing na isa na sa most promising leading man ng Kapamilya Network si Paulo Avelino. Hindi man siya ang pangunahing lalaking bida sa teleseryeng ‘Walang Hanggan’, hindi naman maikakaila na kaya niyang maki-

pagsabayan sa ibang cast members kung akti-ngan at kakisigan din lang ang pag-uusapan.

Isang magandang risk sa kanyang showbiz career ang ginawang pag-ober da bakod ng hunk actor mula sa GMA-7 to ABS-CBN. In fairness naman sa Kapuso Network, hindi rin naman nababakante noon si Paulo. Pero aminin natin, hindi masyadong meaty roles ang ibinibigay sa kanya dahil may mas favored na pasikatin ang dating home network. Hinabol din naman siya ng Siyete at inilatag ang isang proyektong panghapon para hindi siya lumipat, pero move on and gain more ang mas piniling landas ni pogi, huh!

Wala pang isang taon simula nang maging certified Kapamilya si Paulo Avelino, pero tila isa na siya sa tiniti-lian at hinahangaan noon. Last year, siya ang naging leading man ni Lovi Poe sa pelikulang Aswang at ka-love triangle nina Solenn Heussaff at Dennis Trillo sa Yesterday, Today, Tomorrow. Lumabas din siya sa indie film na ‘Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa’, kung saan siya umani ng ilang nomination mula sa iba’t ibang award-giving bodies. Isang challenging role din ang kanyang unang major project sa ABS-CBN bilang Nathan, ang obsessive husband ni Julia Montes at kalaban ni Coco Martin sa Walang Hanggan.

Ayon sa isang impormasyon na aming nakalap, nakatakdang gumawa ng bagong pelikula para sa Regal Films ang ating bida. Si Paulo diumano ang makaka-love triangle nina Jennylyn Mercado at Lovi Poe sa isang sexy-drama film. Exciting!

Mara-ming dapat ipagpasalamat si Paulo Avelino sa takbo ng kanyang karera ngayon. Mukhang kahit sa kanyang personal na buhay ay going smoothly ang lahat. Sana’y magtuluy-tuloy lang ang grasya and of course, huwag makakalimot!

 

E-mail us at pinoyfansclub@gmail.com

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

loading...

One thought on “Paulo Avelino: From Starstruck Avenger to Bankable Leading Man!

Leave a Reply

Your email address will not be published.