Paulo Avelino & Eugene Domingo: Status: It’s Not That Complicated!

Eugene-Domingo-Paulo-AvelinoPAULO AVELINO

Real Name: Michael Paulo Lingbangan Avelino

Birth Date: May 13, 1988

Zodiac Sign: Taurus

Symbol: The Bull

Ruling Planet: Venus

Quality: Fixed

Element: Earth

Basic Trait: I Have

Closest Metal: Copper

Lucky Day: Friday
EUGENE DOMINGO

Real Name: Eugene Domingo

Birthdate: July 23, 1971

Zodiac Sign: Leo

Symbol: The Lion

Ruling Planet: Sun

Quality: Fixed

Element: Fire

Basic Trait: I Will

Closest Metal: Gold

Lucky Day: Sunday

ISANG RIOT na pelikula ang bubulaga sa mga sinehan ngayong Nobyembre. Ito ang Status: It’s Complicated, ang remake ng 80’s hit na ‘Salawahan’. Inaasahan namin na punung-puno ng katatawanan ang paseksihan sa pagitan ng mga artistang bida.
Inaabangan namin ang pagsasama for the first time ng Kapamilya hunk actor Paulo Avelino at Kapuso comedy queen na si Eugene Domingo. Nakaaaliw ang mga eksena nila sa inilabas na trailer at hindi tuloy namin napigilang mag-isip ng possibilities na magka-developan sila in real-life! The only way to discover the answer is to search for it via the love stars!
Ang pagiging matigas ang ulo ang isa sa common traits ng Toro at Leon. Kung ano ang gusto nila, ‘yun ang masusunod at determinado silang makuha ang minimithing pangarap. Full of dreams ang pagsasamang ito. May ilan lang na personal differences na maaaring pag-ugatan ng pagtatalo.
People’s person ang Leo. Gustung-gusto nitong makisalamuha sa madla. Sa kabilang banda, may pagka-reserved ang Taurus at mas trip nito na konti lang ang taong nakapaligid sa kanya. Ang pagiging magastos ng Leo ay maaari ring ikabahala ng Taurus.
Kahit na may paminsan-minsang pagtatalo sa pagitan ng dalawa, madalas ay ‘petty fight’s’ lamang ito at hindi naman mauuwi sa hiwalayan o dyombagan. Kailangan lang nilang matutunan na mag-adjust sa topak ng isa’t isa at ‘wag nang palalain ang sitwasyon kung ang isa ay naghihimutok na sa galit. Dapat ay lawakan ang pang-uunawa. Lahat naman ay nadadaan sa mabuting usapan, eh! Ie-enjoy nang bonggang-bongga ng Leon ang atensyon na ibibigay sa kanya ng Toro. Sa kabilang banda, masa-satisfy naman sa romance skills ng Leon ang Toro. Quits lang!
Parehong passionate pagdating sa pag-ibig ang Taurus at Leo kaya maganda ang relasyong ito lalo na kung long-term ang pag-uusapan. Pera ang maaaring maging problema ng dalawa dahil may pagkamaluho ang Leo at praktikal naman sa spending spree ang Taurus. Kailangang masanay ang babae sa bossy attitude ng lalaki. On the other hand, kailangan ding unawain ng lalaki ang social needs ni babae. Loyal naman ang dalawang zodiacs kaya bihira ang infidelity problems.
Well, the Paulo-Eugene love match is not really that complicated naman pala! Age is just a number, so i-push na ang loveteam na ‘yan sa real-life! Gow!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

One thought on “Paulo Avelino & Eugene Domingo: Status: It’s Not That Complicated!

  1. Pingback: Paulo Avelino & Eugene Domingo: Status: It’s Not That Complicated! - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.