Paulo Avelino, ‘di sinipot ang Cosmo Bash!

DUMAGUNDONG SA lakas ng tilian ang World Trade Center sa katatapos na 2012 Cosmopolitan Bachelors’ Bash mula sa SRO crowd na pumunta at nakisaya sa inaabangang Cosmo Men na rumampa nang gabing iyon.

Punum-puno ang nasabing venue at marami pa ang ‘di nakapasok sa dami ng taong pumunta at nais manood. Ilan sa celebrities at models na talaga namang umani ng malakas na palakpakan at tilian ay sina Daniel Matsunaga, Alden Richards, The Semerad Twins, Rocco Nacino, Mikael Daez, Joseph Marco, JM De Guzman, Mark Manicad – umagaw ng eksena nang tanggalin niya ang kanyang brief habang nakatapis ng tuwalya, na sinundan naman ni Markki Stroem na  nagtanggal naman ng kanyang suot na shorts at brief at nagtabing ng tuwalya na sinuklian ng mga manonood ng sobrang lakas na tilian.

Agaw-eksena rin si James Blanco na muntik nang mahubaran nang ipahila nito sa isang babaeng manonood ang kanyang suot na brief at ihagis ito sa mga manonood. Hindi rin magkamayaw sa katitili sa pagrampa ng mga Brazilian na patok na patok sa manonood.

‘Di man nakara-ting si Paulo Avelino na siyang cover boy ng Cosmopolitan magazine, isa ito sa inabangan at talaga namang tinitilian everytime na lalabas ang kanyang video kasama ang ilang Cosmo Men na ipinakita sa big screen bago nagsimula ang show. All in all, maganda at matagumpay na nairaos ang Cosmo Bash.

 

HAPPY RAW ang isa sa lead actress ng Luna Blanca na si Bianca King sa magandang itina-takbo ng kanyang career, kaya naman daw very thankful ito sa GMA-7 sa pagbibigay sa kanya ng magagandang proyekto.

Tsika pa ni Bianca, maayos raw ang working relationships nila ng kanyang co-stars na sila Heart Evangelista at Mark Herras. Dagdag pa nito na unti-unti na silang nagiging close at magiging close pa ni Heart sa pagsasama nila sa taping ng Luna Blanca.

Marami raw silang mga bagay na parehong gusto si Heart, kaya naman daw hindi mahirap na maging close sila sa isa’t isa. Malalim at masarap kausap ang descripton ni Bianca kay Heart. Marami raw silang napag-uusapan about their feelings, mga gusto sa buhay, at iba pa.

Pero iwas daw silang pag-usapan ang ibang tao, dahil mas gusto raw nilang i-tackle ang mga bagay tungkol sa kanilang mga sarili katulad ng mga plans in life, paniniwala at kanilang trabaho.

“TAPOS NA ako sa  paglalaro!” Ito ang namutawi sa bibig ni Mark Herras sa ipinatawag na mini-presscon ng GMA Artist Center sa kanya at kay Bianca King kahapon sa 17th floor ng GMA Compound.

Ayon kay Mark, mas naka-focus na raw siya sa trabaho ngayon more than anything else. Ayaw na nga raw nitong maulit ang mga negative thing na nangyari sa kanyang career noon. Kaya naman daw mas ganado at pursigido na siyang magtrabaho ngayon.

Magsisilbing lesson na raw sa kanya kung ano man ang pinagdaanan ng kanyang showbiz career noong bata-bata pa siya. At nagpapasalamat daw ito sa Kapuso Network sa pagbibigay sa kanya ng sunud-sunod na proyekto. Kaya naman daw in return ay mas pinagbubuti niya ang kanyang trabaho.

 

NAGING MALAKING tagumpay ang katatapos na 14th birthday concert ni Mary Joyce Palado Pascua na ginanap last Sept. 19, 2012 sa Palacio De Manila sa Roxas Blvd., kung saan sinuportahan ito ng naglalakihan at sikat na showbiz personalities.

Ilan sa dumalo at nag-perform sa birthday concert na ito ni Mary Joyce ay sina Daniel Padilla, Upgrade, Khalil Ramos, Enrique Gil, Paula Bianca, Gerald Santos, Michael Pangilinan, Richard Poon, Makisig Morales, Mark Mabasa, Kris Lawrence, Luke Mijares, Teejay Marquez, at iba pa.

Kitang-kita ang kasiyahan sa proud mom nito na si Tita Jeniffer Palado Pascua na hindi naiwasang maluha habang pinapanood na nagpe-perform ang kanyang magandang anak, habang all smile at proud na proud din ang mabait/ generous at butihin nitong lola na si Mommy Thess Palado sa magandang performance ni Mary Joyce ng gabing iyon.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

6 thoughts on “Paulo Avelino, ‘di sinipot ang Cosmo Bash!

  1. SAYANG NAMAN WALA SI PAULO, HINDI KO NAKITA ANG KANYANG MALAKING SANDATA … YUNG IBA MALALAKI RIN ANG SARAP NILA GRABEEEE! HAHAHAHA!

  2. Sayang naman! kung pumunta si Paulo dun huhubuan ko yan at jajak0lin ko ang kanyang etits at iinumin ang kanyang gatas!

  3. pano makakasipot c paulo e nasa US to ksama cast ng walang hanggan 4 a show, to nman writer nato engot din  dimanlang sinabing wala c paulo kc nasa US nga…

Leave a Reply

Your email address will not be published.