Paulo Avelino, basted kay KC Concepcion

KC-Concepcion-Paulo-AvelinoKUNG PABOR nga ang magulang ni KC Concepcion na si Paulo Avelino ang maging boyfriend ng actress, ‘di naman pabor ang dalaga nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na magka-boyfriend ngayon.

Ayon kasi kay KC nang makausap ng ilang press sa katatapos na 27th PMPC Star Awards for TV, wala pa raw sa isip niya ang magka-boyfriend, matapos ang break-up nito kay Piolo Pascual.

Wala naman daw masasabing hindi maganda si KC kay Paulo. Mabait naman daw ang actor, pero hindi pa raw siya handang makipagrelasyon sa ngayon.

So, tigilan na ang pagpupumilit ng ilan diyan na nagkakamabutihan ang dalawa dahil mismong si KC na ang nagsabi na mabait si Paulo, pero wala pa sa isip ang magka-boyfriend.

Samantalang sobrang saya ang nadama ni KC nang tanggapin ang karangalan bilang Best Supporting Actress sa katatapos na Star Award na ginanap sa AFP Theater last Sunday.

Pinasalamatan niya ang kanyang mga magulang at ang ABS CBN na nagbigay sa kanya ng role na kung saan nailabas niya ang kanyang husay sa pag-arte.

 

Paulo-Avelino-KC-ConcepcionHINDI DIRETSAHANG sinagot ni Luis Manzano ang pagtatanong sa kanya ng ilang press nang ma-corner siya sa PMPC Star Award for TV sa backstage ng AFP Theater tungkol sa balitang pag-iiwasan nila ni Jennylyn Mercado pagkatapos nilang maghiwalay.

Mas gugustuhin na lang daw niyang manahimik kaysa magbigay pa ng pahayag sa nasabing balitang nag-iiwasan. Mabibigyan lang daw ng ibang kahulugan ang anumang sasabihin niya.

“Anything I would say, even sa industry na ito, you may say the nicest thing about someone, mahahanapan ka pa rin ng mali ng mga makitid ang utak,” say ni Luis.

Pero malaki pa rin ang paniwala ni Luis na magiging magkaibigan sila ni Jen pagdating ng tamang panahon.

Right now, masaya raw siya sa kanyang career at personal life at magandang reward nga raw sa kanyang pinagdaanang problema ang pagkakapanalo niya bilang Best Game Show Host para sa Deal or No Deal sa katatapos na PMPC Star Award for TV.

Ito na lang daw ang karangalan na wala pa siya bilang host kaya fulfilling sa kanya ang natanggap na award.

Hindi naman ipinagdamot ni Luis sa ilang press na kausap na ibulgar na plano na niyang magpakasal next year.

Ang problema lang, mukhang hindi raw siya nakatakdang magkaroon ng sariling pamilya.

“I’m 32 years old. Sana, sana. I don’t wanna say… sana lang talaga. In fact, a friend told me just today (last Sunday), nag-message sa akin na parang, hindi ka ba nalulungkot na hindi ka pa kasal? And I even said, my next one would be the last one,” say na lang ni Luis.

 

HINDI MAKAPANIWALA si Arjo Atayde sa suwerteng dumarating sa kanya magmula nang pasukin niya ang pag-aartista.

Noon una raw, tutol ang ama na mag-artitista siya at magsumikap na lang maging isang matagumpay na negosyante.

Pero sadyang nasa dugo na ni Arjo ang showbiz dahil isang magaling na actress ang kanyang ina na si Sylvia Sanchez na all-out sa pagsuporta sa anak na binata.

Kaya nang mapagtanto raw ng ama ni Arjo na talagang hilig nito ang pag-aartista, pinayagan na rin siya at hindi naman siya nagkamali dahil kahit baguhan pa lang ay nagkasunud-sunod na ang karangalang nakamit.

Binigyan kaagad siya ng project ng ABS-CBN at lalong naipamalas ang acting nang mapasama sa Dugong Buhay, kung saan siya lalong napansin at nagkamit ng karangalan bilang Best Supporting Actor sa 27th PMPC Star Award for TV.

Ngayon daw, proud na proud ang daddy niya sa kanyang tagumpay at super support na rin ito, not like before na tutol na tutol sa pag-aartista niya.

Ask namin si Arjo na mas naungusan pa niya ngayon ang ina sa kasikatang tinatamasa.

“Hindi naman po. Ang aking ina ang aking iniidolo at sa kanya ako humuhugot ng lakas para pagbutihan ang pinasok kong career. Sila ni daddy ang aking inspirasyon,” say ni Arjo.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

31 thoughts on “Paulo Avelino, basted kay KC Concepcion

  1. Ang dami ninyong satsat tungkol kay kc,pero ano kaya mga hitsura at pamumuhay ninyo ano?Di ba kayo nahihiya sa mga pinagsasabi ninyo?Manalamin at tanungin naman ang sarili kung may time kung karapat dapat kabang manlait at magsalita ng masama tungkol kay kc at pati na kay sharon,Kung ang klasse ng pamumuhay mo wala sa kalingkingan nila at lalong lalo na sa hitsura itikom nyo nalang mga bunganga ninyo dahil nakakahiya lalong lalo na kung isang kahig isang tuka kalang.

  2. You think slim figure have the easier life? Beyond the first glance what makes a woman interested? KC is confident and smart that’s what makes her stand fr the rest. She has a killer body, she is sexy in her own way. Slim figure nga straight naman ang katawan, wla pang laman ang utak waleyy din.

  3. I was really so disappointed to all those STUPID BASHERS why don’t you get a life and mind your own. Do you think by bashing Ms.Kc is doing you any good in your life literally? Nope instead babalik sa inyo lahat ng mga pinagsasabi ninyo …makakarma din kayo lahat kayong mga mapanlait! !! And that included

  4. Ibng nag comments dito di maganda pinag sasabi bkit kilala b kyo ni KC??? ano tingin nyo s sarili nyo??? Panlamin muna kyo!!!

  5. Get a life filipinos .. Kc have a life & you guys are poor negative – that’s all you do that’s why you guys doesn’t have life… Say what you wanna say with Kc- she’s successful, educated.. What about yo guys??? You guys are nothing… That’s all i can say- get a lifeee !!!!

  6. Sa mga bashers ni KC na mga pangit, KC is gorgeous no.
    Kahit pa sabihin nyong maskulada sya.
    Di lahat ng lalaki gusto ng payatot or walang muscle tone na mga chicks .
    KC’s face is perfect. Her hair is perfect.
    She has a nice chest and buns .
    Malakas ang appeal ni KC sa mga di insecure na lalaki.
    At hindi sya typical na air head na mga actresses .

  7. Hahahaha, hoy kayo ditto na nag bash kay KC, lagot kayo kay sharongga, hahahaha, baka kayo na naman ang aawayin ni dabyana, este drum, este Sharon pala ditto sa parazzi, walang pinalampas yan si Sharon, twitter,, o kahit saan, pag inaway ang unica hija nya, aawayin ka rin niya kaya baka gusto nyong tumakbo na, now na….. hahahahah

  8. hay naku! ang mga inggitera kay KC naglipana na naman..iba talaga ang sikat maganda at mayaman,,hahaha mamatay kayo sa inggit…wag kayong ganyan kakayod pa kayo para sa pangkain ng magulang ninyong umaasa lang sa inyo..hahaha baka karmahin kayo at wala ng isa saing sa susunod na araw..hahaha si KC kahit hindi magtrabaho mamumuhay parin ng masagana…iwan ko lang sa inyo pag dating ng araw..hahaha

  9. Ay daming bitter! Kay kc mga inggit! Wag kau inggit! Magsumikap kau sa buhay para hindi puro mga inggit nasa katawan nyo!!

  10. yah right best supporting actress nga… yet ALL of her gigs/projects are all FLOP – wa career… as in never been & never was!

  11. Asus, ano namang ibabasted eh di naman totohanan yung pangliligaw dahil KINAKAMA AT GINAGARAHE NI DEO ENDRINAL SI PAULO AVELINO. Hakhakhak!

    • nyahahahah korek,,,gimik at drama lang yang ligawan kuno ng KC at Paulo,,,,hindi totooo yan,,dahil,,,,taken….na si Paulo ni Deo…..kaya yung napagpapaniwala diyan ng Paulo-KC na yan,,,tumigil na kayo sa kahibangan ninyo hahahahah

  12. MALI ANG PAG PILI NG PMPC KAY KC LANDI AT OVER OVER ARTE,MAS MARAMING KARAPAT DAPAT MANALO, SIGURO HINDI PA NGAYON DAPAT MANALO SI KC , KUNG IKUKUMPARA MO SA MGA NA NOMINATE,ANO YAN PALAKASAN OR PERA PERA ANG LABANAN?? SA TOTOO LANG ANG DAPAT NANALO AY SI JUDAY HINDI SYA periodddddddddd

Leave a Reply

Your email address will not be published.