Paulo Avelino, ayaw mapag-usapan ang kanyang mag-ina

UNANG NAKATAWAG-PANSIN SI Paulo Avelino sa mga sexy pictorial niya kaugnay ng ini-endorse na underwear brand.  Nasundan ito ng sexy rin na pagpu-pose niya for Cosmo Magazine at pagrampa sa katatapos na Cosmopolitan Bachelors Bash 2011. Kaya marami ang nagtatanong kung tuluy-tuloy na nga ba ang pagsi-shift niya into sexy image.

Game na nga ba siya sa pagtanggap ng mga sexy roles?

“Ako, I’m not limiting myself to any roles right now,” ani Paulo. “Pero… if the script requires it at maganda ‘yong istorya ng pelikula, siguro okey lang.”

Kumusta naman siya sa bakuran ng ABS-CBN na bago niyang home network?

“Hindi pa totally ako nag-i-start kasi may tinatapos lang akong shoot for Aswang sa Regal Films. After no’n, saka pa lang ako makakapag-start para sa project na ibibigay sa akin ng ABS-CBN.”

So, hindi pa rin pala niya ramdam ang pagiging Kapamilya na niya?

“Hindi. Pero… ayon, nakapag-Star Magic Ball na ako.  And masaya naman.  Hindi ko ini-expect na gano’n pala ‘yong ball.

“Kasi I thought… it was very formal, it was very proper. Nakakatuwa talaga ‘yong ball.”

Sinong Kapamilya star ang kanyang laging nakakausap at medyo nagiging ka-close o kaibigan na?

“Si Ejay Falcon. Kasi kasama ko siya sa gym. At saka may iba pa akong kilala na rin kahit papa’no. Hindi naman ako pinababayaan ng staff ng ABS. Ini-introduce naman nila ako sa mga stars nila na nakakahalubilo ko.”

Naitanong din namin kay Paulo kung paano nagri-react ang karelasyon niyang si LJ Reyes sa paghsi-shift niya ngayon sa image na medyo sexy. Pero ayaw sumagot ng aktor.

Todo ang pakiusap niya na huwag na lang daw magtanong ng anything about LJ. Bilin daw kasi sa kanya iyon ng kanyang manager.

Gano’n?

Public knowledge naman na sila ni LJ at may anak na nga sila. Ano’ng masama kung mapag-usapan o maging topic iyon ng interview sa kanya?

Feeling kaya ng manager ni Paulo, magiging

kasiraan o sagabal sa career ni Paulo kung magiging open ang aktor na mapag-usapan ang kanyang mag-ina?

Ang dami namang aktor na a-minado namang may anak na pero okey pa rin ang career. Si Dennis Trillo na lang halimbawa. O si Piolo Pascual kaya.

Hindi na si LJ kundi ‘yong anak nila, ano kaya ang magiging feeling ng bata kapag nagkaisip na parang hindi siya kayang ipagmalaki ng kanyang ama?

‘Yun na!

 

KASADO NA RAW talaga ang planong pagpapakasal nina Jolina Magdangal at Mark Escueta. Dapat daw nga sana ay end of this year.

“Pero December, fully-booked lahat, e,” ani Jolina na ang tinutukoy ay ang napipili nilang venue ng kanilang wedding at pati para sa reception. “Kung meron talaga, why not this year, ‘di ba?

“Basta ini-enjoy n’yo naman ang preparation, walang problema. Pero kung wala talagang bakante, bakit mo ipipilit?”

Enjoy nga raw sila ni Mark sa kanilang wedding preparation. Mula sa pagkuha ng CENOMAR (certificate of no marriage), ng magiging

event stylist, at kung anu-ano pa. Ayaw pa lang magdetalye ni Jolina hinggil sa pinaplano nilang kasal hangga’t hindi pa final lahat.

Pagdating sa kanyang susuoting gown, siya ba ang magdi-design nito?

“Hindi. Gusto ko si Larry Espinosa. Pero may mga pegs ako.

“Motif ko? Wala pa. Depende kasi sa weather, e. Pagdating sa venue naman, kung saan presko, do’n ang gusto namin.

“Puwedeng sa Tagaytay. Puwedeng sa Baguio. Puwede ring sa Quezon City lang. Baka ‘yong mapili naming month, okey.  Malamig, ‘di ba?

“Basta presko. Huwag lang sobrang init. Huwag lang summer.”

After ng kasal, ready na siyang magka-baby?

“I guess. Kasi hindi na rin ako bata, e.”

Oo nga naman!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

4 thoughts on “Paulo Avelino, ayaw mapag-usapan ang kanyang mag-ina

  1. KAWAWANG JOLINA MAGDANGAL TYAK NA UUBUSIN LNG NI MARK ESCUETA ANG NAIPON NYANG PERA KAPAG HINDI CYA NATUTO. DAPAT MAY PRE-NUP CLA KC WALA NMAN PERMANENT NA RAKET YAN C MARK PERA NA LNG KUNG MABUBUSOG NA AGAD C JOLENS SA DRUMS BWAHAHAHAHAHHAHA

  2. sana maging proud sya sa mag-ina nya, its not a secret anyway. gone are the days na taboo yung tinatago pa ang family. baka ma-karma to think bago pa lang sya sa dos. his talent and his attitude towards his work and co-workers will speak for him. just be proud may family ka na. 

  3. kulang pa ang akting ni paulo sa 100 days. malamya ang kanyang pagsasalita. kailangan pa niya ang workshop. matatalbugan siya ng mga makakasama niya sa teleserye. kailangan niyang paghusayan mabuti dahil mapapatunayan na naman na di marunong umarte ang mga galing sa gma..

Leave a Reply

Your email address will not be published.