Paulo Avelino, apektado sa pagkaka-link ni LJ Reyes kay JC de Vera?!

HINDI ALAM ni LJ Reyes kung ano ang sasabihing reaksiyon sa balitang naglasing daw si Paulo Avelino sa ginanap na Star Magic Ball kamakailan. Ito’y dahil na-bad trip diumano ito nang may magtanong tungkol sa pagkaka-link niya lately kay JC de Vera. Tila affected nga raw ang aktor.

“Hindi ako makapag-comment,” tila gulat na sambit ni LJ. “Kasi alam ko kung totoo nga ba ‘yan. Eh, sabi-sabi lang naman. And how would you know kung iyon talaga ang dahilan? ‘Di ba? You wouldn’t know naman what’s going on a person’s mind unless you are that person. You can only say so much kung ano ‘yong naiisip ng isang tao. You can only assume. Because you are not the person. Gano’n lang talaga ‘yon.”

May communication pa rin ba sila ni Paulo? “Meron naman.”

Hindi siya natatanong nito sa tungkol sa mga personal na bagay gaya halimbawa ng pagkaka-link niya kay JC? “Basta… meron po kaming communication. And whatever we talk about, I think it should be between the two of us na lang.”

Pinaninindigan niyang loveless pa rin siya ngayon. May possibility pa ba na maging sila ulit ni Paulo lalo at may anak nga sila o malabo na talaga? “Lagi po akong hindi nagsasara ng pintuan. Lagi ko pong sinasabi that we’ll never know. Dahil hindi po natin alam kung paano tatakbo ang mundo. Hindi natin alam kung ano ang plano ng Diyos. So, we’ll see.”

Hangga’t wala pa silang pormal na ipinapakilala o inaamin na kanya-kanyang bagong karelasyon, marahil ay bukas pa rin nga ang chance na magkabalikan sila ni Paulo. Sa palagay niya? “Sa lahat po ng bagay, naniniwala ako na lahat may chance.”

May pagmamahal pa ba siyang natitira para kay Paulo? “Sa akin na lang po ‘yon!” natawang sabi ni LJ.

Hindi naman nagkukulang si Paulo kung obligasyon nito bilang ama ng kanilang anak ang pag-uusapan? “Hindi po. He’s a good father.”

Sexy at blooming ang kanyang beauty. Ano ba ang sikreto ng pagiging Hot Mama niya? “Naku po!” nangiting reaksiyon ni LJ. “Siguro kailangan lang… healthy living po. At saka exercise. Tapos you eat healthy food. And just stay happy.”

“Happy naman ako ngayon. Dahil nandiyan ang anak ko na nagpapasaya sa akin.  Siya ang inspirasyon ko ngayon,” nangiti ulit na sabi ng aktres.

Kontrabida na naman ang role ni LJ Reyes sa bagong primetime series ng GMA-7 na Prinsesa Ng Buhay Ko na magsisimulang umere sa September 23. Gumaganap siya bilang si Kate na manggugulo sa pag-iibigan ng balik-tambalang sina Kris Bernal at Aljur Abrenica.

“Kaiinisan na naman ako ng viewers. Marami ulit ang magagalit sa akin!” natawang sabi pa niya. “Pero okey lang. Ibig sabihin… effective ka bilang kontrabida. In fairness, wala pa namang nang-aaway sa akin kapag nasa public place ako!” sabay tawa niya. “Dahil bungisngis ako, ang nangyayari kapag nakita nila ako in person, iyon ang nakikita nila. Hindi ‘yong character ko on TV.”

Kabaligtaran nga ng kanyang personalidad ang mga characters na kadalasang naipu-portray niya sa telebisyon. In real life kasi ay sweet siya, masayahin, at mabait.

Paano ba niya nagagawang makatotohanan at believable ang pagiging maldita niya bilang kontrabida nga sa harap ng camera? “’Yon nga ang maganda do’n, eh. Kasi kapag mahilig kang umarte, iyon na ‘yong chance mo na mag-portray ka ng ibang katauhan.”

Is she really making a great effort to master the art of portraying as kontrabida? “Uhm… siyempre nagkakaroon kami ng mga workshop. Kailangan pa rin siyang pag-aralan. Para mag-improve ka.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

4 thoughts on “Paulo Avelino, apektado sa pagkaka-link ni LJ Reyes kay JC de Vera?!

    • HAHAHAHA. SOSYALERA ANG HITAD. NAKAHIGA SA KANYANG WATER BED, HABANG MINAMASAHE NI C.M., J.C., E.F., P.A., SINO PA BA? NAGING TANDERS NA KASI SI D.O. KAYA WALEY NA SA BUHAY NYA. NGAYON, DUMATING PA SI J.D. HAHAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.