Paulo Avelino and LJ Reyes: No Words Needed

PAULO AVELINO

Real Name: Michael Paulo Lingbangan Avelino

Birth Date: May 13, 1988

Zodiac Sign: Taurus

Symbol: The Bull

Ruling Planet: Venus

Quality: Fixed

Element: Earth

Basic Trait: I Have

Closest Metal: Copper

Lucky Day: Friday

Lucky Colors: Pastel Shades

Lucky Gems: Lapis Lazuli and Sapphires

Lucky Flowers: Daffodils and Daisies

 

LJ REYES

Real Name: Lourna Jane Pujeda Reyes

Birthdate: December 25, 1987

Zodiac Sign: Capricorn

Symbol: The Sea Goat
Ruling Planet: Saturn
Quality: Cardinal
Element: Earth
Basic Trait: I Use
Closest Metal: Lead
Lucky Day: Saturday
Lucky Colors: Black, Earth Tones, Indigo and Orange
Lucky Gems: Garnet
Lucky Flowers: Ivy, Pansy and Amaranthus

 

BUONG AKALA ng marami, magiging balakid sa u-muusbong nang showbiz careers ng Starstruck graduates na sina Paulo Avelino at LJ Reyes ang pagkakaroon ng anak. Akalain mo na ang kanilang baby ang nagdala ng suwerte sa kanila dahil sunud-sunod ang kanilang projects sa TV man o pelikula! Hindi man sila pareho ng istasyong pinagsisilbihan ngayon, kitang-kita namang umaarangkada ang kani-kaniyang karera sa entertainment industry.

Hunk Daddy at Hot Momma na maituturing sina Paulo at LJ. Pareho rin silang may awards na maipagmamalaki. Halata rin namang tikom na ang bibig nila pagdating sa kanilang personal na buhay. May mga nagsasabing may pinagdaraanang problema ang dalawa, pero parang hindi rin naman ‘yan trulaloo! Naku, ang mga miron talaga sobrang mag-intriga!

Dahil walang kinukumpirma sina Paulo at LJ, ang kanilang compatibility na lang sa zodiac ang gawin nating basehan. Handa ka na ba?

Praktikal sa buhay ang Capricorn at Taurus. Para sa kanila, sila ay nabubuhay sa ‘real-world’ at hindi sa isang fairytale tulad nang madalas na isipin ng iba. Magka-jive ang personality ng dalawa pagdating sa physiological at spiritual na bagay. Dahil parehong seryoso, may mga pagkakataon na nakakalimutan nilang mag-enjoy. Focused sila sa mga bagay na importante sa kanila. Ang pagsasama ng dalawa ay dedepende sa kanilang personal na pagkakaintindihan, tiwala at pagiging consistent. Pagdating sa pera, wala silang masyadong magiging problema dahil pareho nilang gagawin ang lahat para umangat sa buhay.

Ang pagiging ambisyosa ng Goat ang magpapaibig sa Toro. Maaakit naman ng Taurus ang Goat sa kanyang strong family ties at pagiging determinado sa buhay. Suportado nila ang karera at desisyon ng bawat isa at bihirang magkakaselosan. Kailangan nga lang nilang matutong mag-enjoy rin paminsan-minsan para hindi magkasawaan.

Ang pagsasama ng lala-king Taurus at babaeng Capricorn ay madalas na nagiging matagumpay. Hindi na nila kailangan pang ipagsigawan sa madlang pipol na mahal nila ang isa’t isa para lang mapatunayan ang tunay nilang nararamdaman. Bestfriend nila ang isa’t isa at sa match na ito, bihira ang mga pangarap na hindi matutupad.

Mukhang very credible itong finding natin, huh?! Ngayon na proven na ang love match nina Paulo at LJ, ibig sabihin nito na no words are needed para lang malaman natin na sila’y very much into each other at walang hanggan ang kanilang pagmamahalan. Ayiiii ka-swit man uy!

By Madam Damin

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

One thought on “Paulo Avelino and LJ Reyes: No Words Needed

Leave a Reply

Your email address will not be published.