Paulo Avelino, aabangang next leading man ng Siyete!

ABANGAN N’YO BUKAS sa Startalk ang exclusive interview ni Ricky Lo kay Ruffa Gutierrez tungkol sa isyu nila ni Kris Aquino.

Tinanggap naman ni Ruffa ang apology ni Kris, pero hanggang ngayon yata ay hindi pa rin naman siya tinatawagan para personal na mag-sorry.

Bale public apology ‘yun ni Kris. Pero siyempre, iba ‘yung magkausap sila ni Ruffa dahil magkaibigan naman sila.

Pero mukhang wala na ‘yun kay Ruffa at naging biruan na nga nila ito.

Kuwento ng Startalk reporter namin, nag-pictorial si Ruffa sa GMA-7 nu’ng kamakalawa ng hapon para sa pelikulang Working Girls ng Viva at GMA Films.

Bukod kay Ruffa, nandu’n din si Cristine Reyes dahil kasali rin ito sa pelikula.

Kausap ni Ruffa si Ricky habang nagpi-pictorial ito. Medyo nagugulo ito dahil nagpa-pictorial sa kanya ang ibang staff ng GMA Films na nandu’n sa studio. Sabi ba naman kay Ricky, “Naku Tito Ricky, iba ang level ng saya rito!” Kaya nagkatawanan na sila roon sa studio.

Dapat may isang linggo pa si Ruffa sa The Buzz pero mukhang hindi na ito babalik. Pero malay natin, baka mabago naman ang desisyon at magkausap naman sila ni Kris, biglang lilitaw na lang ito sa The Buzz.

Pero mabuting abangan n’yo ang kabuuan ng mga pahayag niya sa Startalk bukas.

Napansin din ng staff namin si Cristine na parang nakawala nang nandu’n na siya sa Studio 5 ng GMA.

Parang nagmamadali itong matapos ang pictorial dahil gustung-gusto na nitong umakyat sa GMA Artists Center office para kumustahin ang mga kasamahan niya roon at ang dating handler niya.

Nami-miss na nga raw niya ang mga dating katrabaho niya sa GMA. Pero siyempre, obvious namang mas type niyang magtrabaho sa ABS-CBN.

Nakorner nga ito ng mga reporter at siyempre muling tinanong sa kanya ang tungkol sa kanila ni Dennis Trillo.

Ganu’n pa rin naman ang sagot niya dahil wala naman daw nabago sa kanila, kundi talagang magkaibigan sila ni Dennis at natutuwa pa nga itong magkuwentong okay na rin sila ni Carlene Aguilar. Happy na raw siya sa trabaho niya ngayon at saka na lang muna ang lovelife.

ISA SA AABANGANG next leading man ng GMA-7 ay itong si Paulo Avelino na lalong gumuguwapo.

Bukod sa Ina, Kasusuklaman Ba Kita, kung saan ka-partner niya roon si Jennica Garcia, malaking break kay Paulo ang pagpalit kay JC de Vera sa Panday Kids. Kaya todo raw siya ngayon sa pag-eensayo sa gym dahil kailangang maganda ang katawan niya roon.

Sabi nga niya sa amin, parang mamatay na raw siya sa kadyi-gym dahil talagang isinisingit niya sa schedule para ma-achieve ang maganda niyang katawan.

Hanggang ngayon,hindi pa rin umaamin si Paulo na sila na ni LJ Reyes dahil mas mabuting tahimik na lang daw muna. Kung ano man daw ang relasyong meron sila ni LJ, kung puwede sa kanila na lang daw muna ‘yun.

Aminado naman siyang meron na silang mutual understanding at si LJ nga ang babaeng pinakamalapit sa kanya. Ang isa raw sa nagustuhan niya kay LJ ay ang pagiging matalino nito. Ang dami raw niyang natututunan sa young actress kapag kausap niya ito, kaya lalo silang nagkakalapit.

Sa totoo lang, kahit hindi naman sila kulitin, obvious namang sila na, eh!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

12 thoughts on “Paulo Avelino, aabangang next leading man ng Siyete!

  1. NAKU MGA BULAG MGA GMA EXECUTIVES,ANG DAMING NILANG BAGONG HUNKS GAYA NI RYE BURGOS NA MAY ACTING PROWESS AT PERSONALITY PWEDENG PUMALIT KAY JC DE VERA OR ROBIN PADILLA DAHIL KOMIKERO DIN AT MAY HEIGHT DAPAT BIGYAN NILA AGAD NG SHOW BAKA MASULOT NG 5 YAN AT SI PIERO NA GWAPONG GWAPO AT TALENTED,STRIKE WHILE THE IRON IS HOT HINDI YUNG INUUNA NILA MGA BUBWIT O UNANO NILANG TALENTS,KAYA TALO SILA NG DOS EH HINDI SILA MARUNONG TUMINGIN NG MAY POTENTIAL.

  2. Gwapo nga, pero magiging next Dennis Trillo at JC De Vera lang ito dahil sa over-exposure.

  3. hay naku. kung gusto nila sumikat, sa Star Circle muna sila. io-over expose lang sila ng GMA kahit hindi pa marunong umarte basta may itsura… tapos ung mga projects napakababa ng quality… ayun pag nagsawa na ang tao, babay na… typical GMA.

  4. Mas aabangan namin ang Paparazzi sa TV5. Wag ka nang bumalik sa The Buzz Ruffa. Hayaan mo na sila, tama si If I Were…, tataas lang lalo ang rating ng The Buzz… I can’t wait to see Tita Cristy, Mo and of course Ruffa on TV! Kelan ba ang first airing nito?

    • ikaw naman, panalong panalo ang ratings nang THE BUZZ kahit mawala si ruffa, with gretchen baretto in addition mas lalong the best! halos single-digit na lang nga ang ratings nang showbiz central kaya nga nakikisawsaw sa issue ang mga hosts! bwahahahahaha! pati na rin ikaw lolit nakikisawsaw rin kasi natatalo na kayo nang ENTERTAINMENT LIVE! bwahahahahahaha!

      goodluck na lang with paparazzi but with cristy in it, i don’t think mananalo yan sa ratings, eh BWISET yang babaeng yan, MAPANIRANG ESTAFADORA! bwahahahaha! kung local paparazzi lang naman, manonood na lang ako nang TMZ sa cable mas may KWENTA pa! bwahahahaha!

  5. Basta Manay Lolit, sana huwag na umapir si Ruffa sa The BUZZ, baka tumaas pa ang rating niyon. Siyempre aabangan ang pagkikita nila at kung paano sila sa kamera, maraming magmamasid. So Ayun huwag na kamo. Hayaan na lang na si Tito Boy ang barahin ni tetay. Paghandaan na lang niya ang talk show sa TV5 at papanoorin namin sila ni DJ Mo at Tita Cristy. Feeling close ano? hahaha.

    • dnmn obvious….hahaha

      pero wag ka day….kung nakaalis sya sa anino ni kristeta…maghanda sya kay dj mo…male counter part ni kris un…hehehe

      dating magka2galit(cristy,(nanay ni ruffa)ruffa, at dj mo)
      magsa2ma sa 1 talk show???wehhhhhhhhhhhhh
      ganda to!!!

    • naku hindi na kailangan si ruffa sa THE BUZZ para tumaas ang ratings kasi matagal nang NILALAMPASO nang THE BUZZ ang showbiz central! bwahahahahahaha!

Leave a Reply

Your email address will not be published.