Pauleen Luna, ‘wag daw pangunahan ang kasal nila ni Vic Sotto

Vic-Sotto-Pauleen-LunaNAKAKATAWA DAHIL nag-react si Pauleen Luna sa usapan namin sa Startalk tungkol sa bakasyon ng Dabarkads ng Eat Bulaga sa Hong Kong.

Namamalisyahan lang ngayon dahil patuloy pa rin kasing pinag-uusapan ang balak nilang pagpapakasal ngayong taong ito.

Mismong si Joey de Leon nga ang nagsasabing matutuloy na itong taong ito. Pero walang sinasabi kung anong date.

Napagdudahan lang na baka itong biyahe nila sa Hong Kong ang binabalak nilang kasal, kasi kumpleto ang Dabarkads at pupunta rin doon ang parents ni Pauleen.

Napabalita nga sa Startalk na inimbita raw ni Vic ang parents ni Pauleen pa-Hong Kong pero itinatanggi nila ito.

Nakausap ng Startall staff namin ang Mommy ni Pauleen at sinabi niyang hindi totoong inimbita sila ni Vic na sumama sa Hong Kong.

Ang sabi lang ni Mommy Chat, gusto lang daw niyang magbakasyon sa Hong Kong kasi kagagaling lang niya ng sakit.

Pero nagbago na rin ang desisyon niya, hindi na raw siya tutuloy dahil may pumasok daw na trabaho. Kaya walang kasalang mangyayari.

Tingnan na lang natin. Kasi si Vic tahimik lang, mas gusto niya ng tahimik at hindi alam ng publiko. Saka na lang sabihin kapag nandiyan na talaga.

Kaya nga nakikiusap si Pauleen na huwag na raw silang pangunahan dahil wala pa raw talaga.

Siyempre, hindi naman sinasabi sa akin ni Pauleen ‘yan at baka nga i-broadcast ko kaagad!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articleHeart Evangelista, ayaw nang isapubliko ang pakikipag-ayos sa mga magulang
Next articleVice Ganda, umani ng suporta ang anti-bullying campaign

No posts to display