Pauleen Luna, pinagtutulungan ng mga hitad na bitter-biterran?!

AYAW NG ALAGA kong si Pauleen Luna na sagutin ang isyung pinagtutulungan siyang awayin ng mga hitad na Ampalaya Anonymous. Dahil nu’ng in-interview ang ilang miyembro ng grupong ito na sina Maxene Magalona, Glaiza de Castro at Bianca King, itinatanggi naman nilang may inaaway sila sa kanilang mga pinu-post sa Twitter account nila.

Wala naman daw silang pinaparinggan o binu-bully sa Twitter nila. Pero siyempre, may nakarating sa akin na kuwento. Since idini-deny naman nila, o ‘di wa na lang!

Basta si Pauleen, ayaw nang magsalita hangga’t wala siyang naririnig mula sa grupong iyan. Kahit may mga nagkukuwento sa kanya na may mga sinasabi ang ilan sa mga Ampalaya Anonymous, ayaw na niyang mag-react o patulan ito dahil ang cheap daw.

Pero ewan ko lang, kasi lumalaki na ang usap-usapang ito, kaya marami pang makakalkal sa kanila.

Ang dinig ko, isa sa inaaway ng isang miyembro ng grupong ito ay si Heart Evangelista. Pero mas palaban itong huli kaya natameme ang kumalaban sa kanya. Ano ang dahilan? Siyempre lalaki na naman! Hay, naku!

USAP-USAPAN NA PALA itong pag-boo kay Korina Sanchez sa concert ng Tears for Fears nu’ng nakaraang Linggo.

Kung napanood n’yo ang Tweetbiz nu’ng nakaraang Lunes, ikinuwento ni Tim Yap na nagulat siya nang nakarinig ito ng pag-boo ng mga tao nang ipinakita sa widescreen si Mama Koring na naka-Laban sign. Dalawang beses daw siyang ipinakita sa wide screen, dalawang beses din siyang na-boo! Nakakaloka, huh!

Ang paliwanag naman ni Tim, tingin daw niya, ang gusto lang ng mga taong nandu’n ay manood ng concert ng sikat na bandang ito hindi para mamulitika. Kaya parang off siguro sa kanila ang ginawa ni Korina du’n.

Ang lakas daw nang pag-boo sa kanya pero dedma lang daw siya na parang walang narinig.

Sobrang successful nga raw itong nakaraang concert ng Tears for Fears at balak sana nila ay magkaroon ng repeat sa May 10. Pero dahil sa eleksiyon, hindi na lang nila itinuloy at umuwi na yata ang bandang ito.

NAPAG-UUSAPAN NA RIN lang ang pulitika, naloka ako nu’ng Lunes ng hapon nang tumawag sa akin si Ruffa Gutierrez dahil nag-iiyakan daw ang mga anak niyang sina Lorin at Venice dahil gusto nilang magkaroon ng T-shirt ni Sen. Manny Villar.

Kasi naman, kabisadung-kabisado pala nila ang jingle ni Sen. Villar at ewan ko, basta type na type nila ito.

May dumating daw sa kanila na mga T-shirts nina Gibo at Gordon, pero dedma raw ang mga bata dahil ang type nila ang kay Villar.
Kaya tinawagan ako ni Ruffa kung puwedeng ihingi ko raw sa staff ni Sen. Villar ng T-shirts nito.

Tinawagan ko agad siyempre ang staff ni Sen. Villa para padalhan na sila ng T-shirts at siyempre, pinadalhan ko rin ng kay Sec. Mike Defensor, ‘no?! Bongga, ‘di ba?

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

19 thoughts on “Pauleen Luna, pinagtutulungan ng mga hitad na bitter-biterran?!

  1. c pauleen di man ganun ka ideal ang beauty.. may talent,, saka exotic beauty nia, may charm din. im a fan grabe.. kaya sa aa beuties na papansin mnahimik mga di na virgin yng mga yan.. lol

  2. sina maxene at bianca di hamak na mas maganda kaysa kay pauleen. pag pinagtabi mo silang tatlo, si pauleen ay mukhang bakla katulad ng manager niya hahahahahaha

  3. si pauleen mukhang bakla. ang laki ng ilong, ang laki gn biyas, ang laki ng nguso. mukha siyang baboy koral hahahahaha.

  4. naku magtataka ka pa dyan kay lolit eh mukha naman siyang pera no. ang alam lang niya ay datug, datung at datung. walanghiya ang babaeng yan. di ba filmfest scam queen yan

  5. cheap ka jan , e yang mga maka abnoy , kung anu2 na lang pinag sasasabi .

    malalandi pa ,

    kakapal ng muka mu nyo .

  6. PAULEEN LUNA, tumahimik ka nalang pag inaway ka ng AA kasi ala kang masasabi, ikaw pangit ka,pungok, maiiksi mga biyas mo at hunks ang dating ng katawan mo. ang mga AA, like angel,xtine,maxene, more ay mga diyosa,perfecto at may narating na! magsama kayo ni heart na looser! feeling talaga k u noh!panginis ng araw mukha niyong dalawa! ang AA lalo na si angel,xs yung tipong pang tagal pagod pag nakikita mo sa print at tv at movie!

  7. hay nku andito n nman ang RESIDENT GHOST BLOGGER NI VILLAR na ng-iiba iba ng pangalan ..mtindi kc ang pangangailangan..

  8. ANG LAKAS TALAGA NG DATING NG HANGIN NITONG MGA MAKA NOYNOY ABNOY DITO. DAIG PA SI ONDOY. HINDI PA NGA NAG EELEKSYON, PRESIDENTE NA. OO NGA NAMAN NAGHAHANDA NA ANG MENTAL HOSPITAL PARA I WELCOME YUNG SPECIAL PATIENTS NILA.

    UNA SI ABNOY DAHIL KUNG ANU-ANONG SINABI NA NAMAN. BUMALIKTAD NA NAMAN SA PINANGAKO NYA KAY EL RAMBOTITO DE MAKATI NOGNOG BINAY. DAHIL NAPINTASAN SYA, BUMALIGTAD NA AGAD.TULAD DIN NG NANAY NYA, TAKSIL. HINDI PA MAN NAGTATAKSIL NA SA KASAMA. KUNDI BA NAMAN BALIW NAGLALAGAY NA NG TAUHAN SA PWESTO HINDI PA NGA NAGEELEKSYON. FEELING PRESIDENT NA. BALIW TALAGA

    IKALAWANG IPAPASOK S MENTAL AY YONG SISTER NIYA DAHIL PAGSASAKSAKIN DAW NYA ANG LAHAT NA PUMUPUNA SA KAPATID NIYANG BALIW. ARAY… TALAGANG MGA BALIW, BALIW, BALIW.

    ITO BA ANG KLASE NG MGA TAONG MAMUMUNO SA PILIPINAS? MGA SAKIM, MGA TAKSIL, AT MGA BALIW?

  9. Kilala naman lahat ang pagkatao nitong si Lolit Solis.

    Bakit kaya nakakapagtaka na dati rati parating may comment kay Willie, pero lately yata eh walang naririnig sa kanya. Sigurado nasupalpalan ng malaking halaga ni Villar para tumahimik at iba na lang ang siraan.

    Ang nagagawa nga naman ng PERA sa katulad ni LOLIT.

  10. Ruffa is supporting for Gibo. May Gibo pa under her pic sa twitter. Ini endorse nya ata c gibo.

    GO Gordon tayo for President!!! If you love our country!!Then, Vote for Him!!

  11. LOLIT SOLIS, GUTIERREZ, WILLIE REVILLAME. MASKI NA ANG KANILANG MANOK AY MAGNANAKAW, KAKAMPI NANG KURAKOT NA SI GLORIA MAKAPAL ARROYO AT MAMAMATAY TAO NA MGA AMPATUANS, SIGE PA RIN DAHIL MAY PERANG ITINATAPAL SA KANILANG PAGMUMUKHA. MASKI SI MIKE DEFENSOR, KAKAMPI NANG MGA ITO. HUWAG KALIMUTAN NA ANAK ANAKAN ITO NI GLORIA KURAKOT. LOLIT SOLIS, WALA KANG PAKI KUNG ANO ANG MANGYARI SA BAYAN MO. PRINSIPYO MO IPINAGPALIT MO SA PERA. GUTOM KA NA BA? OO NGA PALA, PATAYGUTOM ANG LABAS MO SA INAASAL MO.

  12. kapal ng mukha mo para siraan si kris palagi kulilat na ang amo mo takot ka ba sa laki ng na dugas baka singilin ka pag natalo magtago kana mukha ka kasing pera wala namang maniniwala sayo kasi hindi ka ipinanganak ngayon matanda kana at kilala ng lahat ang pagkatao mo basta may pera makukuha ka kahit makasakit ka ng kapwa sa mga pinagsasabi wala kng paki kaya pag mukha mo ang nasa tv sira na araw ko katulad karin ng tao na hinangaan ko ng dahil sa pera ng iba na mukha kang pera

  13. Thumbs up for those people supporting the candidates without being paid! Dingdong Dantes is really a GOOD EXAMPLE to the future generations – coz when people see our work and the lives we live, at somepoint they will be enlightened or acknowledge the goodness and greatness that is seen in us! This is now our greatest challenge to eradicate dirty politics in the Philippines. I only hope and pray that those MUKHANG PERA will be first eradicated -They must remember that what are only inare all temporary in this world – who knows that one day SUNDUIN ka na ni God and you are unprepared to face him! I think this is now the time that we have to change our lifestyle for god’s glory!

  14. desperado ang lolit. eh sadsad na nga sa ratings yang villar mo. wawa u. baka walang kang bonus kay villar. hala cge mag campaign ka pa. wais na mga tao ngayon oi bruha.

  15. Talaga itong si Lolit hayop kung makapangampanya. Hindi ba ito pinagsasabihan ng publishers nya? Ang masasabi ko lang, ang mga supporters ni Villar eh MASIBA:
    MAndaraya-gaya ni Lolit Solis
    SInungaling-gaya ni Guido Delgado at misis nya
    BAbaero- gaya ni Revillame,Dolphy at Pacquiao.
    At si Villar, ano pa nga ba kundi MASIBA sa kwarta!

    • syempre naambunan na yang si lolita. mukhang pera yan. kaya kung eendorso si villarakot kala mo nanay siya. magsamama sila nina revillame puro mga mukhang pera..

Leave a Reply

Your email address will not be published.