Pauleen Luna, pinagbabawalan ni Bossing Vic sa sexy scenes?!

BONGGA SI Imelda Papin, ha! Nagulat ako nang nalaman ko na bigatin ang kinuha niyang abogado para sa kaso niya sa Comelec kaugnay sa pagka-disqualify ng kanyang kandidatura.

Kahapon kasi nag-submit siya ng Motion for Ocular Inspection sa Comelec bilang suporta sa Motion for Reconsideration na isinumite nila kamakailan lang.

Ang kasama niya du’n, si Attty. Romulo Makalintal na bigating Comelec lawyer na siya ring abogado ni Aga Muhlach na na-kuwestiyon din ang residency sa Bicol. Pero nanalo rito si Aga, ha!

Ngayon, si Imelda naman ang nakuwestiyon ang residency sa San Jose Del Monte, Bulacan at nagulat siya nang biglang na-disqualify ito.

Kaya kaagad na nag-file sila ng Motion For Reconsideration at kahapon ay humingi sila ng Ocular Inspection para mapatunayan lang daw na bahay niya talaga ang na-check nila sa Bulacan at ‘yun ang tinitirhan ngayon ni Imelda.

Sabi nga ni Atty. Makalintal, pareho lang naman daw ‘yan ng kay dating Pres. Joseph Estrada na nu’ng May lang siya lumipat ng bahay niya sa Maynila at nag-file na nga ito ng candidacy niya sa Maynila, kahit alam naman ng lahat na taga-San Juan siya.

Sabi naman ni Imelda, very positive daw siyang tatanggapin ito ng Comelec para matuloy ang pagtakbo niya.

Wala raw silang iniisip na negative dahil tiyak na tiyak daw siyang makakatakbo siya.

Tingnan na lang natin, dahil nailusot nga ni Atty. Makalintal si Aga, baka rito kay Imelda, wagi rin siya.

 

NALOLOKA ANG mga reporter sa alaga kong si Pauleen Luna nang humarap ito sa presscon ng bagong drama series niyang Unforgettable kasama sina Mark Herras, Kylie Padilla at Benjamin Alvez.

Kasi kahit anong kulit sa kanya tungkol sa kanila ni Vic Sotto, ayaw na niya talagang magsalita.

Ang sabi lang niya, mas gusto raw niyang tahimik na lang, pero hindi naman daw niya dini-deny ang kung anong namamagitan sa kanilang dalawa.

Tinanong ito kung ano ang ginawa nila nu’ng nakaraang Valentine’s Day, ayaw niyang magkuwento. “Basta!” lang ang sagot niya at kung anu-ano na lang ang sinasabi niya.

May sinasabi pang may mga limitations na raw siya sa mga eksenang gagawin niya sa Unforgettable at itinatanggi niya ito.

Ang unang nagri-react kapag may mga sexy o daring scenes ito, ang Daddy niya. Pero ngayon ay tahimik na lang  siya at ayaw na lang daw itong panoorin.

Pero ang sabi kasi, pati raw si Bossing Vic, nagbabawal na rin? Deny naman diyan si Pauleen dahil wala naman daw nagbabawal sa kanya. Gagawin naman daw niya kung tingin niya kaya niyang gawin at kumportable siya.

Sa Lunes na nga pala pagkatapos ng Eat Bulaga magsisimula itong Unforgettable.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

6 thoughts on “Pauleen Luna, pinagbabawalan ni Bossing Vic sa sexy scenes?!

    • Motmot to answer your question about Shalani, sa palagay ko virgin pa maski yong katawan nya ay parang may limang anak na kung tingnan mo, parang laylay na kasi tingnan yong katawan nya.  Did I answer your question well Motmot? heheheehe  

      • SO HINDI PALA TALAGA SYA NAGALAW NI PNOY AT I AM SURE NA WALA SYANG ANAK SA PAGKADALAGA.I AGREE WITH YOU ABOUT HER KATAWAN.SWERTE NAMAN NI ROMULO NA VIRGIN SI SHALANI SYA ANG NAKA UNA.HE HE HE.

Leave a Reply

Your email address will not be published.