Parazzi Chikka: Pauleen Luna, Palung-Palo sa TV5 Launch!

KINABOG NI PAULEEN Luna ang lahat ng stars na ipinakilala ng bagong TV5 sa Press and Trade Launch ng TV5 station bilang Kapatid Network!

Palung-palo nga sa kanyang outfit si Pauleen na pinagpiyestahan ng mga kamerang-gala. Pa’no ba naman, halos lumabas na sa magkabilang gilid ng kanyang black dress ang makikinis at mapuputing pisngi ng dibdib, huh!

Hmmm… mukhang nagle-level up na sa pagka-daring ang mestisang aktres. Well, aabangan natin ‘yan sa pagbubukas ng Loko Moko U (youth-oriented show) at ng P.O.5 (Sunday variety show). ‘Di ba, mga Kapatid?!

Ni Dani Flores
Photos by Allan F. Sancon

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

Previous articleStars Candid: Kili kili ni Paul Jake Castillo, pam-barako!
Next articleSawa sa mga tibong karelasyon: Aktres sa lalaki naman nahuhumaling!

No posts to display