Pauleen Luna, na-trauma sa panlalait ng bashers sa Twitter

NATATAWA SI Pauleen Luna kung bakit may balitang nagbabalak na raw siyang mag-asawa. Kung totoo raw ito, eh ‘di sana ay may suot na siyang engagement ring.

“Hindi, ah!” mariing sabi nga ng isa sa hosts ng Eat Bulaga nang mausisa hinggil dito.

“And… hindi ko na kailangang magpaliwanag. Iyon na ‘yon,” nangiti pa niyang dugtong. “Siguro kapag may suot na akong engagement ring, iyon na ‘yon! Wala, eh. Wala pa.”

Maraming beses na nasalang si Pauleen sa kung anu-anong intriga at kontrobersiya. Dahilan daw para i-deactivate niya ang kanyang account sa Twitter at iba pang social networking sites.

“Eh kasi, you know… hindi na ako magiging ipokrita. Pero sometimes talaga, maaapektuhan ka, eh. Especially ‘yon ngang with Vic. Suddenly parang ang dami talagang parang alam nila kung ano ang nangyayari. Suddenly parang… ito ‘yong tama. Ito ‘yong mali. So, hindi ko idi-deny na sometimes, it could really ruin my day. Wala naman akong ginagawang masama. ‘Di ba? So, tinigilan ko na lang. Hindi ko alam kung ia-active ko ulit. Parang na-trauma na ako!” natawang sabi pa ni Pauleen.

Naka-tatlong seryosong relasyon na si Pauleen Luna. At may mga naiintriga kung bakit tila mas gusto nga niya ang mga hindi niya ka-age o mas may edad sa kanya.

“Kasi ako, kahit ‘yong mga kaibigan ko… older sa akin, eh. So, ibig sabihin, ang mas nakakasundo ko talaga is ‘yong mas may edad sa akin. Whether it’s romantic relationship or friendship, ang mas ka-swak ko talaga I think is ‘yong older.”

Blooming ang beauty ni Pauleen. Lagi siyang mukhang fresh at inspired. “Masaya talaga ako ngayon, eh. With anything. With my career. With my lovelife. With my family. Masaya lahat.”

Kamakailan, na-feature sa isang magazine ang bagong bahay na tinitirhan ni Pauleen ngayon at ng kanyang pamilya. Marami ang humanga sa ganda at laki nito.

“Ang naging problema ko lang is ‘yong sinasabi ng ibang tao na bigay raw sa akin ito ni Bossing. Merong gano’ng intriga, eh. Pero sa totoo lang, hindi ko ito bahay. Bahay ito ng nanay ko. Nakikitira lang ako! Hahaha! Sila (parents niya) ang nagpatayo talaga nito. Nagbigay lang ako ng konting share. Sila talaga ang nagpatayo. Fruit of hardwork talaga.  Ang nanay ko kasi, nag-build and sell business. Mas mayaman po ang nanay ko kesa sa akin!” biro pa niya.

“Ang sarap ng feeling na may gano’n na kaming bahay. Kasi lumaki kami sa Malabon, sobrang liit na bahay na binabaha. And sa ngayon, wala na akong mahihiling pa. I’m really happy,” sabi pa ni Pauleen.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.