Pauleen Luna, itinangging napasagot siya ni Vic Sotto dahil sa mga regalo!

WALANG TIGIL na naman sa kakukulit sa akin para hingan ng reaksyon tungkol sa isyu nina Vic Sotto at ng alaga kong si Pauleen Luna.

Sa totoo lang, si Ricky Lo ang nagkumpirmang sila na, pero wala pang sagot ang dalawa tungkol diyan.

Never naman akong nakialam sa lovelife ng mga alaga ko. Pero minsan, tinawagan ako ng Mommy ni Pauleen at nagtatanong kung ano ang masasabi ko kung sakaling sila na nga ni Vic.

Siyempre wala naman akong masasabi riyan, pero medyo nailang lang ako nu’ng una dahil kasama pa nila riyan si Pia Guanio na dating girlfriend ni Vic, pagkatapos ngayon si Pauleen naman.

Pero kung talagang nagmamahalan silang dalawa, may magagawa ba ako?

Pinag-uusapan na sila ngayon, pero tahimik pa rin silang dalawa kaya hintayin na lang kung kailan sila aamin.

Gusto lang iparating ni Pauleen na hindi naman totoong “she was showered with gifts” kaya sinagot nito ang panliligaw ni Bossing. Hindi naman daw totoong idinaan siya sa mga regalo.

Ang alam ko, panay ang bigay ni Vic ng regalo kay Pauleen pero hindi niya ito tinatanggap. Ang tinanggap lang niya na regalo ay ‘yung birthday gift sa kanya, dahil birthday naman niya ‘yun.

Magkakaalaman din iyan. Hintayin na lang natin na sila na mismo ang magsasalita. Huwag na lang nating pangunahan.

Basta sa akin, kung ‘yun ang ikasisiya ng alaga ko, eh ‘di go!

WALANG TIGIL itong si DJ Mo Twister sa paninira kay Rhian Ramos, huh! Meron na naman siyang ipinadalang statement bilang sagot sa huling interview ni Rhian na lumabas sa 24 Oras kamakailan lang.

Nag-react siya sa sinabi ni Rhian na naha-harass siya, kaya kung anu-ano na naman ang mga pinagsasabi nito, at kinalaban na naman ang GMA-7.

Sinabi naman niya sa huling statement niyang ‘yun na raw ang huli niya at mananahimik na siya.

Sana nga manahimik na siya, na ewan ko kung paninindigan niya dahil alam n’yo naman si DJ Mo na hindi titigil ‘yan kapag meron siyang gustong sasabihin.

Sabi naman niya, babalik siya rito para rito siya mag-Pasko, kaya hintayin na lang natin kung matutuloy ito.

Ang dinig ko naman, darating din dito si Bunny Paras kasama ang anak nila ni DJ Mo.

Ano kaya ang masasabi niya tungkol sa bagong isyung pinasok ng ama ng anak niya?

Samantala, pinayagan naman ng GMA-7 ang hini-hinging bakasyon ni Rhian para matahimik na muna ito at makakasama niya ang kanyang pamilya.

Hindi na siya ang ka-partner ni Dingdong Dantes sa My Beloved at wala na rin siya sa Manny, Many Prizes.

Pero ang pagkakaalam ko, tuloy pa rin siya sa pelikulang Contrabida Girl niya na pang-Valentine’s daw ng GMA Films kasama niya si Aljur Abrenica.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articlePara hindi tumingin sa ibang babae si Ryan Agoncillo Judy Ann Santos, effort kung effort sa pagpapaganda!
Next articleKung bakit lapitin ng babae Vic Sotto, buking na ang sikreto!

No posts to display