Pauleen Luna, inis sa issue ng kasalan nila ni Vic Sotto

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! Maloloka ka talaga sa Earth to the maximum authority of chikka!

May mga chikka nga ang mga kaparazzi natin na para hindi ma-stress sa isyu nina Sen. Chiz at Heart Evangelista, ang mga magulang ni Heart ay nagpasya muna raw na magpakalayu-layo. Dahil kahit ano’ng gawin nila ay wala naman talaga silang magagawa. It’s Heart’s choice. Naloka naman talaga ako sa mga eksena nila, hindi kinakaya ng powers ko.

At ang isa pang nakakalokang isyu ay ayaw magpaawat ng lola mo dahil sa mga eksena nila na magpapakasal na nga raw sila after the election. Kaya ang chikka ko nga ay nasa tamang edad na naman si Heart. Kaya nga ang chikka ay at least sinunod niya ang gusto niya at ang puso niya.

Pero may mga chikka naman at comment ang karamihan na parang siyempre iyan ang pinamasayang araw ni Heart ‘pag nagkataon. Dapat ‘di ba, all support ang parents?

Sabi nga ni Heart, ibang-iba raw talaga ang magulang ni Sen. Chiz or relatives dahil iba ang welcome sa kanya. Ilang beses na rin siyang pinakialaman ng magulang niya kaya hindi rin natin masisi si Heart.

Akala ng karamihan, nakaapekto pa rin ito kay Sen Chiz sa kandidatura nito, dahil akala nila bumama ito. Pero take note, balik na naman daw sa rank 1. True ba o chikka lang?

Hindi talaga kinakaya ng powers ko kapag iniisip ko ang kasalan blues na ‘yan… bonggacious kaya ang peg? Abangan na lang natin mga, ‘te…

 

AT ANOTHER isyu naman ito na talagang nakakaloka ang mga eksena at hindi kinakaya ng powers ko. Take note, kasalan issue rin. At may mga chikka na ikinasal na raw itong sina Vic Sotto at Pauleen Luna sa ibang bansa.

Take note, hindi nagpaplano ha? Tapos, kinasal na! Kaloka, inis si Pauleen nang lumabas ang isyung nagpakasal na raw sila ni Vic sa Hong Kong.

Kasama sa grupo na umalis si Joey de Leon, at sinabi niya sa aming nasa Hong Kong lang sila at hindi sila nag-Macau. Kasama raw nila sina Vic at Pauleen at hindi sila nakapuslit ng Macau.

Kung nu’ng nakaraang Holy Week ang tinutukoy na bakasyon nila, ‘yun ang hindi raw niya alam dahil hindi raw siya nakasama sa Macau.

At ang naging reaksyon naman ni Vic ay, “‘Yung kasal, nandiyan naman ‘yan, eh. Hindi naman natin alam kung ano ang plano sa atin ng Diyos.”

Nakakaloka! Siyempre ang magiging reaksyon ko lang d’yan ay bongga ka ‘te! ‘Di kaya ma-award siya ng mga jowa ni Vic dahil sa dami ng mga naging x niya, siya ang nagwaging pakasalan, maliban kay Dina Bonnevie.

Ibang klase rin talaga ang tandem sa showbiz ngayon, lalo na kapag nagmamahalan kayo nang bonggang bongga, ‘di ba?

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

One thought on “Pauleen Luna, inis sa issue ng kasalan nila ni Vic Sotto

Leave a Reply

Your email address will not be published.