Pauleen Luna, ‘di tinabihan ni Vic Sotto sa panonood ng FIBA Asia finals?!

MORE CHIKAHAN na naman tayo dahil after ng finals, trending na trending last week ang FIBA Asia, kung saan ibang klase talaga ang level ng Gilas Pilipinas, dahil proud pa rin tayong mga Pinoy kasi nakasama pa rin tayo sa championship.

Pero siyempre, kapag nanood ka talaga du’n, hindi mo maiiwasang umikot ang mga mata mo dahil sa mga makikita mong mga celebrity at politician at marami pa. Papasok sa isip mo na bakit ganu’n?

Bongga rin naman si Pauleen Luna dahil kada may laban ang Gilas, lagi rin siyang nandu’n para manood. Kasi nga naman, nandu’n ang asawa ni Danica Sotto na si Marc Pingris. Mukhang ok na ok naman daw si Pauleen sa family ni Vic Sotto, lalo na nga raw sa mga anak nito.

Ang tanong naman kaya ng karamihan, ok naman kaya sa family ni Pauleen si Vic? For sure, ok naman. Kasi mommy’s girl naman itong si Pauleen. Kaya lang, nu’ng nakaraan, ‘pag nanood lang ako sa TV, ‘pag nakikita ko sa screen na nadadaanan sila ng camera, lagi silang magkasama at magkatabi ni Vic. Kaya lang, nagkataon nu’ng ako naman ang nanood nang live, nagtataka ako bakit hindi sila magkatabi that time.

Naku for sure, lalo na ang daming pa naman talagang tao nu’n at ano naman kaya ang dahilan ng hindi sila magkatabi that day or nabalitaan. Or baka naman nandu’n lang ang mommy and daddy ni Pauleen. Kasi kay Mommy Chat, ok naman sila. Pero ang dinig ko naman ay mukhang kay daddy ay medyo malabo pa ang dalawa.

Nabalitaan ko nga sa side pala ni Pauleen, hindi pala boto ang lola niya sa father side at may banta ito na magpapainterbyu raw tungkol sa relasyon nilang dalawa. Kakaloka!

Lay D’ Cam
By Camille Espeña

 

loading...

One thought on “Pauleen Luna, ‘di tinabihan ni Vic Sotto sa panonood ng FIBA Asia finals?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.