Pauleen Luna, ‘di nalalayo kay Zsa Zsa Padilla

Pauleen-LunaMARAMI KASI ang nagtatanggol kay Pauleen Luna, at nagpapatunay na sa relasyon nila ni Vic Sotto ay hindi siya dapat na maakusahan na kayamanan lang ng sikat na komedyante ang habol kaya siya pumatol kesehodang napakalayo ng agwat ng kanilang edad. Na kung tutuusin nga ay mas bata pa ang magandang aktres sa mga anak ni Bossing kay Dina Bonnevie na sina Danica at Oyo Sotto. Pero ganu’n pa man ay napaghihinalaan pa rin ang alaga ni Manay Lolit Solis.

Una sa lahat, may pruweba naman kasi na may kaya rin naman sa buhay ang pamilya nina Pauleen. Hindi naman si Pauleen ka-level ng mga baguhang artistang pumasok sa showbiz na naghahanap ng mayayaman na magiging karelasyon para mahango sila sa kahirapan. Hindi rin naman kasi si Vic ang unang lalaking mas may edad sa magandang aktres na kanyang nakarelasyon. Malakas talaga ang sex appeal ni Pauleen sa mga mas may edad sa kanya.

Ang nakakalowkah nga ay baka maging katulad si Pauleen ni Zsa-Zsa Padilla, na inakusahan din na kayamanan ni yumaong Comedy King na si Mang Dolphy ang habol sa pakikipagrelasyon. Napatunayan nu’ng pumanaw si Mang Pidol, na hindi nga yaman ang habol ng Divine Diva sa komedyante. Sa kaso naman nina Pauleen at Vic, nakapag-iisip din kung ganu’n ba kayaman ang komedyante? Once a year lang naman halos siya kung gumawa ng pelikula na kumikita sa takilya, dahil kasali sa Metro Manila Film Festival. Tsaka kung may kayamanan man si Bossing, ang dami rin niyang anak sa ibang babae na magmamana ng kanyang kayamanan kung mayroon man.

Kapag nagkataon, mala-Zsa-Zsa nga si Pauleen.

ChorBA!
by Melchor Bautista

Previous articleRyzza Mae Dizon, sa public school nag-aaral ang nakababatang kapatid
Next articleJames Yap at Bimby Yap, maagang nag-celebrate ng Father’s Day

No posts to display