Tanda Ba News?: Pauleen Luna: bungi noon, hottie ngayon!

ANG SEKSI-SEKSI NI Pauleen Luna kapag naka-shorts siya sa Eat Bulaga. Aminin na ng mga barako nating readers, inaabangan nila sa noontime show ang pag-appear ni Pauleen. Kahit ilang minuto lang, nakakakumpleto na ng araw na masilayan ang kakinisan ng TV host. Kaya nga gigil na gigil sa kanya ngayon si Dennis Trillo, ‘di ba?

Flashback sa 1995. Pansinin kaya ng mga barakong mahihilig sa mga seksi si Pauleen kung mapanood nila ito sa Eat Bulaga sa portion na Little Miss Philippines? Yes! Bago nasilayan ng showbiz world ang kagandahan at kaseksihan ni Pauleen, sumali muna siya sa kiddie contest ng Eat Bulaga. Isang bungi pero cute na cute na bata ang bumulaga sa madla. Kamalasan, hindi siya nanalo. Hindi pa handa ang showbiz kay Pauleen.

Hindi naman naging sagabal ‘yon kay Pauleen. Pursigido siyang pasukin ang showbiz. Kaya nang tumubo nang muli ang ngipin niya, sumabak na muli sa mundong gustong-gusto niya si Baby Poleng.

Kahit na unang napanood sa GMA network si Pauleen, napasama naman siya sa Star Circle Batch 11 ng ABS-CBN nu’ng trese anyos pa lang siya. Dahil ‘in’ na siya sa showbiz, hindi rin nakaligtas sa intriga si Pauleen.

Bago siya lumipat ng GMA network, naging kontrobersyal ang aktres nang ma-link kay Diether Ocampo. That time, girlfriend naman ng aktor si Kristine Hermosa. Kung bakit naman kasi itong si Diet, ginawang wallpaper sa laptop niya si Pauleen. Nabuking tuloy ni Kristine. Pero nalusutan naman ‘yon ni Pauleen.

Biggest break sa TV ni Pauleen nang gampanan niya ang role ni ‘Odessa’ sa 2nd part ng Encantadia trilogy ng Kapuso network. Mula pa noong 2006, hindi naman siya nawawala sa listahan ng 100 Sexiest Women in the World ng FHM Philippines.

Kaya sa susunod na sipatin n’yo ang kaseksihan ni Pauleen sa Eat Bulaga, try n’yo ring imadyinin ‘yung bungi at cute na batang nagsimula ang pangarap sa showbiz sa Little Miss Philippines.

by Eric Borromeo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.