Pauleen Luna, binabanatan ng friends ni Cristine Reyes

PATI AKO, KINUKULIT na rin tungkol kina Dennis Trillo at Pauleen Luna kung talagang sila na raw ba.

Aba! Malay ko ba! Hindi ko naman pinapakialaman ang lovelife ng mga alaga ko. Ang huling narinig ko, mukhang nagpaparamdam pero ayaw naman lagyan ng ibang kahulugan iyon ni Pauleen dahil nu’n pa man ay close na sila.

Pero kung sakaling maging sila man, wala naman sigurong problema dahil matagal na palang break sina Dennis at Cristine Reyes at si Pauleen naman ay gusto na rin yatang magka-boyfriend uli.

Ayaw na lang kasi ni Pauleen magsalita dahil may Adik sa ‘Yo sila at si Jennica Garcia ang ka-loveteam du’n ni Dennis.

Nag-e-enjoy ang alaga ko sa Adik dahil magkasundo silang lahat at type na type niya ang role niya du’n. Kaya lang, ang dami nang nagsasabing mas bagay na ngayon sina Dennis at Pauleen. Minsan nga raw, nahahalatang si Pauleen pa rin ang type ni Dennis at hindi si Jennica na dapat ay du’n na siya ma-in love.

Sinasabihan ko na lang si Pauleen na huwag nang mag-comment sa isyu nila ni Dennis. Di ba dapat ang aktor ang magsalita? Kung may balak nga siyang ligawan si Pauleen, siya na ang magsalita. Pero kung gusto naman niyang sarilinin na lang at hindi na kailangang pag-usapan pa sa publiko, okay na rin iyun. Ang gusto ko lang namang linawin diyan, hindi nakikigulo si Pauleen, Nagtatrabaho lang siya nang maayos at nakikipagkaibigan sa mga katrabaho niya.

Itong ilang mga kaibigan daw ni Cristine ay kung anu-anong ikinakalat  laban kay Pauleen. Si Cristine naman daw, mukhang hindi pa nakapag-move on sa break-up nila ni Dennis kaya kung anu-ano ang mga pinagsasabi. Pero mag-ingat siya dahil malinaw na hindi nakigulo si Pauleen sa relasyon nila noon. Problema nila ni Dennis iyun at walang kinalaman diyan si Pauleen.

Naku, ‘day! Malaman ko lang na may mga sinasabi iyang Cristine o mga alipores niya laban kay Pauleen,  humanda siya!

KARARATING LANG NAMIN galing Singapore at habang nasa eroplano kami, kung anik-anik na tsismis ang naikukuwento sa akin ng mga katsikahan kong flight attendant.

Ang naloka ako ay tungkol kay Baron Geisler! Talagang kahit saan pala ito ay naglalasing. Walang raw itong ginawa sa eroplano kundi humingi nang humingi ng wine. Nalasing na raw ito sa kaiinom, gusto pa ring tumungga ng alak, pinagsabihan na ito ng flight attendant na hindi na puwede dahil lasing na ito.

Nakilala na kasi nila na masama ito pag nalasing at baka manggulo pa ito sa eroplano kaya hindi na ito binigyan ng alak.

Naku ha! Dapat may gagawin na dito si direk Maryo J. delos Reyes dahil hindi na maganda itong pinaggagawa niya.

Mabuti nga pinagtakpan na lang iyung huling gulong ginawa niya sa shooting sa Bohol. Si Aljur Abrenica pa ang nagmukhang masama du’n kaya dapat nang magsalita na si Aljur.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

9 thoughts on “Pauleen Luna, binabanatan ng friends ni Cristine Reyes

  1. di nga sulutera cheap naman prang gutom c pauleen na nakakita ng pagkain sunggab kgad at bka mkain p ng iba susme

  2. wow! hindi na nga denial king si dennis kasi in startalk kanina nagparamdam ng pag-aminin si dennis na meron silang realsyon ni pauleen. he said that pauleen is special to me and inamin that they are dating. he said mabait and masaya daw kasama si pauleen.

    maybe, he is prouder of pauleen than his exes. hehe. maybe, he has learned his lessons na. lahat ng tao nagkakamali at dapat lang huwag nating husgahan kasi lahat ng tao ay dapat bigyan ng pagkakataon na maituwid ang pagkakamali.

    i still like dennis kasi he is such a talented versatile actor. i believe, he is still learning his lessons in life and that he is a good humble man deep inside his heart.

  3. cristine reyes is so much better than pauleen luna. i never liked dennis kasi hindi nagpapakalalaki. denial king forever. so i think pauleen should stay away coz i think she deserves better naman.

  4. Umamin na ba si dennis na sila na? Naku bAgo ky dEnnis yan ha, ang umamin.

    Lolit sna naligaw k nlng s singapore at wag ng bumalik ng pinas. Hawig kau ng merlion.

  5. i like pauleen for dennis. she is a much much much better choice than his ex….. peace!! pauleen is smarter, wittier and more mature. i think naman that both pauleen ad cristine are good and kind-hearted ladies kaya lang si cristine is very immature, batang isip and magulo ang utak. sobrang insecure and selosa pa. no wonder nag-give up na lang si dennis. pero, good luck na lang to cristine and i hope she will learn her lessons and be more mature.

    for me, even if sila dennis and pauleen are real lovers hindi ma-aapektuhan ang comedy rapport ni dennis and jennica in Adik Sa ‘Yo. nasa galing mag-portray ng roles yun kaya nagiging effective ang acting and nadadala ang viewers sa emotions of the characters they play.

    wishing dennis and pauleen lots of love and happiness!!

  6. Dennis has the right to be private about his lovelife. Well whatever the status of the dennis-pauleen relationship is, i think happy sila. they look good together.

  7. Cristy, imbento na naman ang issues mo. Wala ka na bang masabing tutoo? Christine and Pauleen. Huwag ninyong patulan ito. Also, refrain from making any comments about Dennis Trillo. Baka i-deny lang niya. Denial king ito.

    • Right i agree i-deny lang yan ni dennis good for cristine at hiwalay na sila dennis he doesnt deserves cristine loyalty at ikaw lolit magka muhka nga kayo ni cristiy na mga at pareho kayong sinungaling pwede ba huwag nyo na paki alaman si cristine at wala naman yan sinasasbing masama about pauleen or dennis bahala sila kung sila na who cares?

Leave a Reply

Your email address will not be published.