Pauleen Luna, atat nang maging asawa ni Vic Sotto

Pauleen Luna, atat nang maging asawa ni Vic Sotto

Image courtesy of Facebook: Eat Bulaga

Atat na atat na si Pauleen Luna para maging Mrs. Vic Sotto.

Sa idinaos na pre-wedding celebration para kina Pauleen Luna at Vic sa “Eat Bulaga!” kahapon, Sabado, January 23, sinabi ni Pauleen kay Vic na hindi na siya makapaghihintay pa para maging asawa ni Bosing.

Sabi niya kay Vic Sotto, “I just wanna thank you for taking this journey with me. I can’t wait to be your wife. And I love you very much.”

Bilang tugon ni Vic, sinabi nito na marami siyang gustong sabihin, pero tatlong salita na lang daw ang bubuo sa lahat ng mga iyon, ang “I love you.”
Tila pinabulaan naman ng mensahe ng ina ni Pauleen ang naunang iniulat dito sa Pinoy Parazzi na hindi umano ito masaya sa pagpapakasal ng anak. Via recorder phonepatch, nagbigay ng mensahe ang ina ni Pauleen na si Momm Chat para sa dalawa.
“Now, the only thing that I can say is galing lahat ng blessings na ito kay Lord. I prayed so hard… na ilagay ka niya kung saan ka masaya, Pauleen. So, what can I say? Best wishes on your journey as a wife to a great man, Vic. My daughter Pauleen, sobrang love ka namin and you know that. And nabuhay ang pamilya natin sa pagmamahal. So, sa next chapter ng buhay n’yo, sana ganun din. Mabuhay ang pagmamahalan n’yo ni Vic at sa magiging anak n’yo.”

Nang matapos ang show, kaagad na nag-post si Pauleen ng kanyang pasasalamat sa “Eat Bulaga!” Dabarkads para sa espesyal na araw na iyon.

Ani Pauleen sa post, “Our hearts are overflowing with joy! Thank you to all the well wishers! We are so excited to take our relationship a notch higher! Salamat sa lahat ng Dabarkads, sa suporta. And thank you Eat Bulaga for making this day so special for us! We will never forget! Thank you! 1 week to go!”

Nakatakdang ikasal sina Pauleen at Vic sa darating na Sabado, January 30.

By Parazzi Boy

Related Post

loading...

2 thoughts on “Pauleen Luna, atat nang maging asawa ni Vic Sotto

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.