Pauleen Luna at Dennis Trillo, nagkakadebelopan na?!

MARAMI NA ANG nagtatanong kung totoong nagkadebelopan na nga ba sina Dennis Trillo at Pauleen Luna?

Marami na ang nakapansin sa closeness nila sa taping ng Adik sa ‘Yo, pero consistent pa rin ang sagot ni Pauleen na huwag naman daw siyang i-link kay Dennis. Hindi nga naman siya ang ka-loveteam ng aktor sa Adik sa ‘Yo kundi si Jennica Garcia.

Ilang beses silang nakikitang masinsinang nag-uusap, pero say naman ni Pauleen. Huwag nang lagyan ng malisya, matagal na silang close at lalo silang naging close ngayon dahil madalas nga naman silang magkasama sa taping.

Sa nakaraang FHM victory party, may nagtsikang hindi raw nagbatian sina Pauleen at Cristine Reyes. Si Dennis nga kaya ang dahilan? Pero safe naman ang sagot nilang walang chance lang daw na magkita sila dahil abala sila sa rehearsal.

May nakapansin din doon sa FHM party na nanood ang Mommy ni Dennis na si Rita Ho. Sabi naman ni Cristine, inimbita niya ito. Pero may nakakita namang ang Mommy ni Pauleen ang katsikahan doon ng Mommy ni Dennis. Ano ba talaga?

Pawang pa-safe naman ang sagot ni Pauleen at diretso ang sagot sa amin na walang namamagitan sa kanila ni Dennis. Pero malalaman din ‘yan dahil marami nang nakabantay sa kanila sa set ng Adik.

Sa totoo lang, marami ang nagsasabing mas bagay na nga raw sina Pauleen at Dennis kesa kay Jennica. Pero sa takbo ng kuwento ngayon, tinapat na raw ni Ruben (Dennis) na hindi na si Camille (Pauleen) ang mahal nito kundi si Karen (Jennica) na.

Pero nu’ng kinunan daw ang eksenang ‘yun, hirap na hirap daw si Dennis na sabihin ‘yun kay Pauleen? Naku ha!

Patuloy pa rin ngayon ang paghingi ni Francine Prieto ng dugo para sa kanyang inang si Mommy Amy Falcon na nakaratay sa sakit na ovarian cancer.

Nasa stage 3 na ito ngayon at ayon naman kay Francine, medyo okay na ang Mommy niya at wala na nga raw ito sa hospital. Pero nakatakda raw itong operahan para tanggalin na ang bukol nito sa obaryo. Pagkatapos ng ilang chemotheraphy session, medyo lumiit na raw ang bukol kaya puwede na raw itong tanggalin.

Okay naman daw ang Mommy niya ngayon at nakapagluto na nga raw ito ngayon sa bahay nila.

Medyo hirap lang si Francine dahil sa kanya iniaasa lahat, pero nandiyan naman daw ang mga kapatid niyang tumutulong din. Hindi rin naman daw nagpapakita ng kahinaan si Francine sa harap ng mga kapatid niya. Kailangan daw niyang magpakatatag para sa pamilya niya na malapit nang panghinaan ng loob.

Kahit siya nga raw, hindi pa maisip kung ano ang mangyari sa kanya kung sakaling may mangyari sa Mommy niya. Pero very positive siyang malalagpasan ito ng Mommy niya at gagaling ito dahil gumaganda naman daw ang kalagayan nito.

Ngayong malapit na itong operahan, muling humihingi ng tulong si Francine sa kung sinong puwedeng magbigay ng tulong sa pamamagitan ng pag-donate ng dugo. Kahit anong blood type naman daw puwede, dahil ipapalit lang ito sa dugong isasalin sa kanyang Mommy.

Sa mga interesadong magbigay ng dugo, magsadya na lang daw sa Cardinal Santos Hospital.

Nagpapasalamat na rin si Francine sa mga tumulong noon at patuloy na nagdarasal para sa kanyang Mommy.

Nagpapasalamat din si Francine sa GMA-7 dahil sa isinali na ito sa Darna para madagdagan naman daw ang trabaho niya. Mahirap din naman para sa kanya kung aasa lang siya sa Bubble Gang na regular show nito.

by Gorgy’s Park

loading...

One thought on “Pauleen Luna at Dennis Trillo, nagkakadebelopan na?!

  1. I think bagay na bagay si Dennis Trillo and Pauleen Luna whether onscreen or offscreen. They really have good chemistry in Adik Sayo. Jennica is also a good actress but lets face it, she looks to young for Dennis. I’m happy that Dennis and Cristine Reyes called it quits. I hope it’s for real.

Leave a Reply

Your email address will not be published.