Pauleen Luna at Dennis Trillo, magdyowa na!

It’s confirmed. Magdyowa na nga sina Pauleen Luna at Dennis Trillo.

Tiyak na marami sa inyo ang na-shock, no? True ang tsismis, mga kafatid at bago-bago pa lang naman ang kanilang relasyones, as in barely a month pa lang.

Say ng chikadora naming friend, Irog daw ang tawagan ngayon nina Papa Dennis at Pauleen.

Bakit Irog? ‘Yun daw kasi ang tawagan ng dalawa sa kanilang show sa Siyete, ang Adik Sa ‘Yo. Minsan nga raw, nagkamali si Allan K at tinawag niyang Irog si Pauleen habang nagte-text sa Eat Bulaga. Siyempre, laking gulat ng dalaga. Ayun, buking na buking na daw ngayon sa Eat Bulaga family na magdyowa na nga sina Pauleen at Dennis.

I’m sure, shocking Asia ito para kay Cristine Reyes, the ex of Papa Dennis. O baka naman alam na niya or may hint na siya bago siya hiniwalayan ng actor.

We’re saying this dahil sa not-so-friendly gesture ni Cristine kay Pauleen when they saw each other sa FHM event recently. Parang wala raw na-sight ang younger sister ni Ara Mina kahit na they’re just an arm away lang. Inisnab daw talaga ng FHM Sexiest Pinay ang pobreng aktres.

Anyway, maging kami man ay nagulat nang may magtsika sa aming magdyowa na ang dalawa. But later, when we realize na inamin nga sa amin ni Pauleen na may crush siya kay Dennis sa Adik Sa ‘Yo presscon, naisip namin, baka iyon na pala ang hint sa private life ngayon ni Pauleen.

I remember, when I asked her kung hindi sagabal ang pagiging binatang ama ni Dennis, very positive ang kanyang sagot ng dalaga, hindi. Tanggap niya ang pagiging father ng kanyang co-star.

Nag-split na sina Cristine at Dennis noong May. For good na ang kanilang separation, say ng actor.

Well, talagang for good na dahil may Pauleen na si Dennis. As for Cristine, hindi pa rin yata ito nakakakita ng kapalit ng actor.

WALANG KIYEME, HINDI na ma-reach ngayon ang beauty ni Eugene Domingo.

Aba, may launching movie na siya courtesy of Papa P, Piolo Pascual, gagah! Bidang-bida na siya sa Kimmy-Dora, isang comedy na malapit nang ipalabas.

With that, all over ang beauty ni Eugene at maging sa TV interviews ay nagpapakuwel siya, parang her way of saying na magaling siyang comedienne.

Well, okay lang ‘yan, Eugene.

Ang hindi okay ay ang narinig naming nagpapabayad ka na raw ngayon sa mga interviews mo. True ba itetch?

Say ng ever reliable naming source, ten kiyaw (P10,000) daw ang asking price ng hitad kapag may gustong mag-interview nang live sa kanya sa telebisyon. At hindi rin daw siya free for any VTR interview.  Five thou daw ang fee niya for any VTR interview kahit pa ito para sa kaibigan niya.

Eugene, ‘wag mo kaming kyemehin, sumagot ka kung trulili bang-bang ang tsikang ito about you! Now na!

Type palang gayahin ni Rochelle Pangilinan ang hindi pagkibo ni Maricar Reyes tungkol sa kinasangkutang sex video with Dr. Hayden Kho.

When asked kung ano ang gagawin niya kung siya ang nasa posisyon ni  Maricar, sinabi ni Rochelle na hindi na lang siya kikibo (eh, sino naman ang hihipo? Joke!)

Siguro po, kung ako ‘yon, hindi lang din po ako kikibo, mananahimik na lamang po ako. Gano’n po kasi ako,” say ng dalaga na bidang-bida na naman sa Daisy Siete Season 23 entitled Chacha Muchacha.

Nang tanungin rin ang dalaga kung carry na niyang layasan ang Sex Bomb Dancers, in-admit naman ng dancer-singer na hindi pa niya kaya. Aminado naman siyang nahirapan siya nang pansamantala siyang bigyan ng solo career ng kanyang manager na si Joy Cancio.

“Hindi ko pa kaya,” pag-amin ni Rochelle. « At saka, masa masaya po pag marami. Hinahanap-hanap ko po ‘yong ingay at gulo kapag nasa dressing room. Iba po talaga kapag marami kayo,” dagdag ng frontliner ng Sex Bomb.

Medyo natawa kami nang sabihin ni Rochelle na minsan ay siya ang nagbabayad ng chit nila ng kanyang ka-date. Nasa-shy kasi siya kung palaging ang ka-date ang taya sa kinain nila.

ni Alex Brosas
Lex Chika!

loading...

28 thoughts on “Pauleen Luna at Dennis Trillo, magdyowa na!

  1. sana lang don sa mga taon walng magandang masabi sa kapwa nila better shut up your mouth!!!! wag kayong mang husga ng panlabas na kaanyuan ok….. walang taon perpekto!!!!! at please kung sina pauline at dennis na wala na kayong pakialam don!!!! mind you own business…

  2. Magingat ka sa akin. Akin pa rin si Dennis maski may dyowa na akong iba. Akin siya. Akin Akin Akin. Kung kayo na ni Dennis, hindi na niya makikita si Calix.

  3. prominent ang panga ni pauleen,pero bagay naman,magnda sya,pero nothing too special naman.si dennis naman,parang walang dating para sa akin,parang wala lang lumalabas lang yun lang.peace

  4. mukhang nagpaparamdam nang pag-amin si dennis about his relationship with pauleen kanina in startalk. he said pauleen is special to me and inamin nya that they are dating na… aba, biglang hindi na siya denial king ngayon. hehe. or baka, he learned his lessons na. maybe he is prouder of pauleen than his 2 exes.

    i still love dennis trillo and he is one of the most versatile actors in the entertainment world in his generation. also, i believe deep in his heart itutuwid na niya ang pagkakamali niya dati. hope he will find the right girl for him and hopefully si pauleen na nga ito.

  5. carina

    pano mo naman nalaman, foreigner ka ba?

    tsaka di mo ba nakita si Pauleen after the breakup nila nung politician guy? pumangit kaya siya nun, humapis ung mukha at nagpa-tan siya. Di bagay sa kanya tan ang kulay. O malamang depress siya nun.

  6. sana di na lang si dennis. Liar at mahilig ding mag deny. Wlang paninindigan yan eh, kita mo nga si Pauleen pa umamin. Parang si carlene at kristine ganyan din eh.

  7. Pauleen Luna is pretty talaga! Pwere yabang, kamukha sya ng anak kong 5 yrs old! Mini Pauleen tawag sa kanya ng neighbors namin! Actually, not very pretty pero lakas ng appeal ni Pauleen sa mga guys! Sama mo na si DIether sa listahan nya! Kaya insekyora pati ang mala Dyosang Kristine H. Aba teka mahilig ata tumalo ng Kristine si Pauleen! hehehe!

  8. Franz, ano ang gender mo? Diyosa o babaeng walang matres. Curious lang ako. Medyo kasi bilib na bilib ka sa sarili mo.

  9. pauleen is one of the prettiest in showbiz, if not the prettiest. kaya lang mukha siyang suplada kaya di siya pang-masa. iyong face niya pwedeng pang-international print ad model. her skin is perfect peaches and cream. ang maganda sa girl na ito kahit paitimin mo siya she’ll stay pretty. bihira ang artistang ganyan. sad to say Kristine Hermosa isn’t like that, although she’s attractive bec of her skin, of course sa standard ng pinoy. pero sa standard ng mga foreigners, (usually mga puti) iyong ganda ni Pauleen ang maganda, sayang sana lang maging mas approachable siya. oh well, ganyan siguro pag sobrang maganda ka, medyo may konting yabang sa sarili or shall we say mas confident.
    sayang naman kung kay dennis trillo lang. hanapin mo iyong mga gaya ng ex ni heart evangelista, francisco delgado ba iyon? mayaman na may pinag-aralan pa. sayang ang beauty mo pag si dennis lang.

    • Kristine Hermosa is clasic. Iba ang ganda nya. Magka level kami. Si pauleen ewan. May mali sa mukha nya. Bka yung ilong.

  10. ang bilis naman ang cheap naman itong si pauleen isang date lang bigay kaagad magpakasaya ka ngayon bukas iiyak ka rin kagaya ng mga ex nya at no offense ha shes not pretty at all

  11. i like pauleen for dennis. she is a much much much better choice than his ex….. peace!! pauleen is smarter, wittier and more mature. i think naman that both pauleen ad cristine are good and kind-hearted ladies kaya lang si cristine is very immature, batang isip and magulo ang utak. sobrang insecure and selosa pa. no wonder nag-give up na lang si dennis. pero, good luck na lang to cristine and i hope she will learn her lessons and be more mature.

    for me, even if sila dennis and pauleen are real lovers hindi ma-aapektuhan ang comedy rapport ni dennis and jennica in Adik Sa ‘Yo. nasa galing mag-portray ng roles yun kaya nagiging effective ang acting and nadadala ang viewers sa emotions of the characters they play.

    wishing dennis and pauleen lots of love and happiness!!

  12. Pauleen, ang bilis naman, Bakeeet sa denial king pa. Ingat ka lang at huwag kang mag volunteer nang scoop tungkol sa inyong dalawa at baka ideny ba niya.

  13. hay franz………….sumobra nmn ata bilib mo
    sa srili mo…do u c nba pauleen s mlapitan o kht s mlayo(not tv)
    sheS beutiful as in very beutiful
    super kind and sweet pa
    kya pulezzzzzzzzzzz
    inom ng kape ng kbahan ng onti s pinagsa2bi…

    • Akane nakita mu n b ako? Ung malapitan? Bka pag nkita mo ko maglatag ka pa ng red carpet, or worse baka lumuhod ka pa at dasalan ako. Haha

  14. yuckkkk,si dennis pinatulan ni pauleen??hmmm…ill give 2 yrs sa babaeng ito,pag sawa na si dennis at nakakita ng fresh ,gudbye pauleen ka gaya ng ginawa sa mga previews jowa nya…

      • Di ako mag cocomment ng ganun kung alam kong panget ako. Ikaw? Di mkpag c0ment ng ganun kc alam m0ng wala kng krapatan yan. L0oks run in the genes. Blame ur parents.

  15. i’m really happy for both of them..sana nga for good na at di na naman masira ng showbiz issues…
    with regards to carlene and her son..mahirap maki pag compete dyan..so she better know that dennis will always prioritized his son para di siya masaktan…at dahil si carlene ang ina..sama na yon sa pag care and love di ba??
    carlene is bitchy lang naman kung bitchy yong nagiging jowa ni dennis..hehehe

  16. Hindi dapat mag alala si Pauleen kay Christine. Ang dapat katakutan niya ay si Carlene Aguilar. Medyo possessive ang bebot na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.