Pauleen Luna at Dennis Trillo, 2 months nang mag-on – Alex Brosas

Two months na pala ang relasyon nina Pauleen Luna at Dennis Trillo.

A source told us na noong July 6 sinagot ni Pauleen ang binatang ama. Ito raw ang dahilan kung bakit sumasama ang dalaga sa actor kapag niyayaya itong gumimik.

Ang maganda lang sa relasyon ng dalawa, alam daw ng mga magulang ni Pauleen na magdyowa na sila. Nagsabi raw muna ang dalaga sa kanyang parents na sasagutin na niya si Dennis. Hindi naman daw kumontra ang dad and mom ni Pauleen.

Pero, mukhang hindi pa handa ang dalawa na aminin sa publiko ang kanilang relasyon. Hanggang ngayon ay special friend pa rin ang turingan nila sa isa’t isa.

Last Sunday, September 6, ay two months nang magdyowa  sina Dennis at Pauleen.

“Anything is possible.”

‘Yan ang sabi ni Rhian Ramos sa tanong kung possible siyang ma-fall in love kay Dingdong Dantes na leading man niya sa Stairway to Heaven.

Pero, biglang kumambyo si Rhian.  Aware kasi siyang taken na si Dingdong, taken by Marian Rivera.

“Ayaw ko lang main-love sa taong hindi para sa akin. Anything that does not belong to me, does not belong to me. I’m not saying that it will happen. Ang sinasabi ko lang, puwede. I will stand by my morals. Ayokong kunin ang bagay na hindi sa akin,” paliwanag niya.

Klinaro rin ng dalaga na di sila nag-isnaban ni Marian sa taping ng Show Me Da Manny.

“Kasi, pareho kami ng dressing room. Nag-Hi! naman ako kasi may kausap siya. Ayoko namang mag-interrupt. Idagdag mo pa na may cut-off si Manny. Wala pa akong one minute sa dressing room. Sa tingin ko, okay ang lahat dahil nagbatian naman kami,” esplika niya.

Nagpakatotoo si Rhian sa pagsasabing “We’ve never worked together. I’m saying, we’re not close.”

May dapat bang ipagselos si Marian?

“Sa tingin ko walang dahilan para siya magselos. I’m sure naiintidihan niya ang trabaho namin. In my personal opinion, I think mahahanap mo rin ‘yong person na para sa iyo. Hindi porke’t magkatrabaho kayo, kayo na.”

Sa fans nina Dingdong at Marian, I hope di dumating sa ganoon. Lahat ng ito ay trabaho naming na kailangan naming gawin.

Akihiro Sato, shy sa pagrampa sa Cosmo Bachelor Bash

Second time na rarampa si Akihiro Sato sa Cosmo Bachelor’s Bash sa Sept. 10. Last year, siya ang most applauded sa mga modelong rumampa.

“I’m very excited. I have to be more prepared and give them my best show,” say ng half Brazilian, half-Japanese model.

Nang tanungin naming kung gaano siya kaseksi sa gaganaping Cosmo Bachelor’s Bash, ayaw magbigay ng detalye ng binata kung ano ang susuotin niya.

Last  year, payat daw si Akihiro at ngayon, nag-gain naman siya ng weight.  From 72 kilos ay naging 79 kilos ang binatang modelo kaya naman ang goal niya ay magbawas kahit na 3 kilos.

“I wore jeans last year. I was so shy. I don’t know what to do and I saw everybody shouting. Okay, let’s have fun. I took off my shirt and they were shouting,” kuwento ni Akihiro habang nag-e-exercise nang aming kapanayamin.

Nakakatuwa ang binata dahil ayaw na ayaw pala niya ng balot. Hindi raw niya talaga ito feel kainin simula nang mapanood niyang kinakain ito sa isang TV show.

Birthday ng binata sa Sept. 12, pero may trabaho siya. Okay lang naman ito sa kanya.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

7 thoughts on “Pauleen Luna at Dennis Trillo, 2 months nang mag-on – Alex Brosas

  1. Whatta great answer Rhian!!! ganyan nga ‘wag agawin ang hindi sa iyo especially if you knew that He’s already taken o may gf ng iba hindi tulad ng iba dyan na mang-aakit at mang-aagaw ng boyfriend ng iba para mapasa-kanya lang.

Leave a Reply

Your email address will not be published.