Paula Bianca, ‘di kailangang manggamit ng sikat na kamag-anak para sumikat

BLIND ITEM: Knows n’yo ba kung sino itong male newscaster na hindi na napagkikita ngayon? Pati ang kanyang mga TV shows na kinabibilangan ay  hindi na siya napapanood ngayon. Bakit kaya? Ano ang matinding dahilan kumbakit  bigla siyang nawala sa sirkulasyon.

Samantalang dati-rati ay marami siyang shows at aktibong-aktibo ang bida natin sa ating blind item.

Sayang naman kung bigla na lang siyang mawala na parang bula.

Nagtataka nga lang at nagulat ang marami nang makarating sa kanila na ‘di na nila nakikita ang male newscaster.

O, knows n’yo ba kung sino ang tinutukoy natin?

Hindi kaya lilipat na siya ng network? O kaya naman ay natsugi siya? O kaya naman ay suspendido ang bida natin? O kaya ay wala ang sagot sa pinagpilian.

O hula na po.

Basta  may itsura siya at talaga namang lilingon ka kapag masasalubong mo siya.

Yes, guwapo ang lolo mo.

 

DATI AY tinataas-taasan lang ng kilay ang singer na si Paula Bianca. Kung hindi mo siya napapanood na mag-perform ay siguradong hindi ka hahanga sa kanya.

Pero oras na ma-watch mo siya ay sasabihin mo na malayo ang kanyang mararating.

Yes, super galing ng boses at may quality pa.

Sisikat siya kahit na hindi siya gumamit ng artista o singer na sikat.

Kung gamitera nga lang siya ay siguro noon pa, nu’ng nag-i-start pa lang siya.

Kamag-anak lang naman niya si Sharon Cuneta… o maging si Faith Cuneta.

Nang marinig ko siyang kumanta ay nasabi lang namin na totoong meron siyang karapatan na maging singer at mamalagi sa industriya.

Sana lang may mga dumating  na right project for her. Sabi nga nila, kahit slowly, but surely.

And with Tito Alfie Lorenzo around, siguradong malayo ang mararating niya.

At sa pagiging ma-PR nito ay siguradong kagigiliwan siya ng press people.

Lalo na si Daddy Danny na sobrang ma-PR.

Abangan siya sa kanyang mall tour para sa kanyang album sa SM malls. ‘Yun na!

 

IBANG KLASE itong si Derek Ramsay, abay, magbuhat pala ng maging endorser na siya ng Dunkin’ Donut ay naging mabili na ang tinda nilang donut.

Saksi naman kami sa aming tambayan sa Dunkin’ sa Roces Avenue na pila -pila ang bumibili ng donut.

Isa lang ang ibig sabihin niyan, malakas pa rin si Derek sa masa, kahit pa sabi-hing lumipat na siya ng network.

Gulat  din ang kasama naming si Chicha Ramos sa DWIZ 882 khz dahil nga sobrang nahilig ngayon ang mga Pinoy sa donut.

‘Yun na! At  pati ang baguhang writer na si Joey Austria ay mahilig na rin sa donut.

Nakarating na kaya kay Derek na gustung-gusto ng mga bading ang kanyang donut?

Madalas titigan ng mga bading ang butas sa donut.

Hahahahaha! ‘Yun na.

 

By Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

loading...

One thought on “Paula Bianca, ‘di kailangang manggamit ng sikat na kamag-anak para sumikat

Leave a Reply

Your email address will not be published.