Paul Salas, itinangging siya ang bumubuhay sa kanilang pamilya

SA POCKET presscon ng Aryana, klinaro ni Paul Salas ang lumabas na balita na siya raw ang breadwinner ng kanilang pamilya at nakaasa lang sa kinikita niya ang buo nilang pamilya. Depensa agad sa amin ng young actor na may trabaho ang kanyang ama na si James Salas bilang isang event organizer.

Sa ngayon nga ay nakabili na ng 10-bedroom house and lot somewhere in Quezon City, buong-buo ang tiwala ni Paul sa mga magulang dahil bukod sa nakikita na sa maganda naman napupunta ang kinikita ay aminado si Paul na may pagka-impulsive buyer siya kung saan kamakailan nga ay isang sampung libong pisong rubber shoes ang gusto niyang bilhin pero napigilan lang siya ng kanyang ama.

Masayang-masaya sa magandang tinatakbo ng Aryana kung saan humahataw ito sa ratings at lalong nagpapatatag sa estado ng Primetime Bida ng Kapamilya Network, natutuwa si Paul na nagbubunga ang lahat ng mga pinaghihirapan ng buong casts, production staff and crew ng show.

Sa isyung lumabas na kaya raw pinasok si Dominic Roque sa Aryana ay dahil hindi raw ganu’n kaepektibo at kinakagat ng publiko ang tambalan nila ni Ella, binigyang-linaw sa amin ni Paul na noon pa man ay nasa istorya na papasok ang isang karakter na magigng love triangle nila ng aktres, pero medyo natagalan nga lang ito dahil sa pinili talaga nang mabuti. Nagkuwento rin ito sa amin tungkol sa pagkakaibigan nilang dalawa ni Dominic. Sa ngayon ay sobrang close pala sila ng kapwa aktor kung kaya’t ‘di sila dapat intrigahin o ikumpara sa isa’t isa.

Sa edad na 14, wala pa rin daw siyang crush sa ngayon. Sa murang edad niya ay nakapokus si Paul sa mga proyektong pinagkakatiwala sa kanya tulad ng Aryana, sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

Gusto namin ang pananaw ni Paul na huwag magmadali sa mga bagay-bagay at i-enjoy muna ang mga bagay na dapat ay i-enjoy ng kabataang tulad niya.

 

SA NAKARAANG trade launch ng ABS-CBN, kung saan isa sa nag-perform si Nina na talaga namang pinalakpakan ng tao, nagpahayag ng excitement sa amin ang Soul Siren sa gagawing niyang acting workshop sa Singapore, kung saan aalis siya ng bansa ngayong darating na June 25. Ito ay for preparation sa pagpasok niya sa mga theatrical plays na nakalinya niyang gawin. Sa workshop na ito ay tuturuan siya ng mga techniques and styles na pang-teatro talaga.

Sa tanong namin kung bukas ba siya sa mga serye, kung saan may ilang mga singers na rin ang napapanood sa mga serye tulad ni Christian Bautista, bukas daw siya sa pagho-host at kung may pagka-musikal ang tema ay maaari niyang ikonsidera. Pero ang straight drama gaya ng mga serye natin ngayon ay wala sa isip na gawin ng Soul Siren.

Hanggang sa ngayon, usap-usapan pa rin ang ginawa niyang pagpo-pose bilang cover ng Playboy Philippines. Sa kabila ng pagsasabing pakiramdam niya ay itinodo na niya ang lahat dito, bukas pa rin naman na mag-pose sa ibang men’s mag si Nina tulad ng Vogue at Cosmopolitan kung may ibang theme na ihahain sa kanya tulad ng ginawa ng Playboy kung kaya’t napapayag siya para maging cover.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

4 thoughts on “Paul Salas, itinangging siya ang bumubuhay sa kanilang pamilya

  1. HAHA, NAPAKASUWERTE TALAGA NI DEO NOH, BIRUIN NYO NATIKMAN NA YATA NIYA LAHAT NG NOTA NG MGA KAPAMILYA STARS NA LALAKI, LUCKY!

    • oo naman, kahit siguro labag sa kalooban ng mga ibang kapamilya actors ay pinagbibigyan na lang ang Mama Deo, otherwise, baka hindi sila mabigyan ng project.

  2. sarap ng nota niang c dominic roque na yan.. susko kahit 24 hours sa bunga nga ko nota nian eh isusubo ko ng bongga… pwede xa sa booking.. lalaki kita nian.. sayang lang at naunahan tayo ni deo edrinal sa nota nian c hubert ng aryana na yan.. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.