Patutunayang Iginagalang ang Impeachment Court Corona, muling haharap Sa kabila ng banta sa kalusugan

 

KINUMPIRMA NI lead defense counsel retired Supreme Court Associate Justice Serafin Cuevas na dadalo ngayong araw si Chief Justice Renato Corona sa pagpapatuloy ng impeachment trial.

Sinabi ni Cuevas na tiniyak sa kanya ng kanilang kliyente na dadalo ito sa paglilitis dahil wala rin naman itong pagpi-pilian, at para ipakita sa Senate Impeachment Court na iginagalang niya ito. Ito ay sa kabila na pagtutol ng pamilya ng punong mahistrado at ng mga doktor.

Naglabas naman ng pag-lilinaw ang mga doktor ng chief justice na kung sila ang magdedesisyon ay hindi pa nila ito papayagan na dumalo sa impeachment hearing dahil sa “risky” pa ito sa kanyang kalusugan.

Gayunman kung magpipilit si Corona na dumalo ay dapat pumirma ito sa isang waiver na hindi na kargo ng ospital kung may mangyari man dito.

Ayon kay Dr. Eugenio Ramos, senior vice president ng Medical City, magpapadala na lamang ng team of doctors at ambulance ang ospital para alalayan ang punong mahistrado.

Una rito, kinumpirma ng mga doktor sa ipinalabas na medical bulletin na maituturing na isang “high risk patient” na si Corona.

Ayon sa mga doktor, nasa 48 hours monitoring ang kanilang gagawin sa chief justice at hindi nila papayagang makadalo ito sa pagdinig ng impeachment court.

Sakaling hindi makadalo si Corona, maghahain pa rin ng formal offer of evidence ang defense team bago sumalang sa closing argument sa Lunes. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.