Patutsada kay Sharon Cuneta ‘MATANDA NA NAKIKIALAM PA!’ – CRISTINE REYES

MAG-REACT KAYA SI Sharon Cuneta sa tila patutsada sa kanya ni Cristine Reyes sa March issue ng YES Magazine?

Nilinaw kasi ng writer kay Cristine na hindi kailanman nagsumbong si Sarah Geronimo sa kanya nang awayin niya ito sa Twitter. Maanghang ang naging sagot ng young actress: “O, sige. ‘Pagpalagay na nating hindi nagsumbong. E, bakit naman sila nakikialam? Ang tatanda na nila sumasali pa sila.”

May kinalaman ang reaction ni Cristine sa isyung kinausap ni Sharon si Rayver Cruz at pinakiusapang ipagtanggol si Sarah. Nabasa namin nang buong-buo ang issue sa break-up nina Sarah at Rayver at naloka lang kami kung saan napunta ang mamahaling necklace na iniregalo ng binata kay Sarah. Nawala kasi ito at hindi na nakita.

Awa ang naramdaman namin para kay Rayver nang ikuwento niya na isinuot lang ito ni Sarah sa Skype dahil bawal itong makita ng kanyang ina. At lalo ka-ming nagulat dahil isang alalay ang nagmahadera at parang frame-up ang ginawa kina Rayver at Cristine nang i-loudspeaker nito ang usapan nila, kaya nabuking ni Sarah ang relasyon ng dalawa.

WALANG VALENTINE’S GIFT sa isa’t isa sina Carla Abellana at Geoff Eigenmann.

“Wala. Ang daming nagtatanong kung ano, pero wala talaga. Kasi we have taping that day, so we couldn’t ce-lebrate. Kumain kami the day before. Sabi ko nga, hindi kailangan ang Valentine’s Day para magbigayan ng regalo. On the set lang, magkasama kaming dalawa. Binigyan lang niya ako ng white flo-wers,” kuwento ni Carla na bida sa Magic Palayok ng GMA-7.

Surprisingly, wala ring selosan ang couple. “Hindi na kailangan. Parang there’s no room for jealousy in our relationship, kasi parang if you’re jealous of somebody else, ibig sabihin hindi mo tina-trust ang partner mo o insecure ka lang. We find that very petty. Parang hindi na namin kailangan ang ibang tao para magkaroon ng spice ang relationship,” sabi pa ng aktres.

BLIND ITEM: MUKHANG naghihirap na ang isang da-ting sexy actress. Nauubos na kasi ang kanyang mga naipon mula sa showbiz. Nagulat na lang ang isang TV repor-ter na kaibigan ng hitad nang minsan niya itong pakiusapan na hanapan siya ng booking.

Ang pagkakaintindi ng TV reporter, nagpapahanap sa kanya ng male customer ang dating sexy actress. “Ano ako, bugaw? Hindi ako bugaw, ‘no?” sabi sa amin ng TV reporter.

Down na down na yata ang aktres, kaya mukhang kakapit na naman siya sa patalim at babalikan ang dati niyang pinanggalingan.


Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

11 thoughts on “Patutsada kay Sharon Cuneta ‘MATANDA NA NAKIKIALAM PA!’ – CRISTINE REYES

  1. eh siya kaya, bakit siya nangingialam, eh away lang ni sarah at rayver yun, bakit ba siya talak nang talak? nasaan ang boypren niyang walang bayag

  2. She's a big disgrace. I totally dislike her and totally boycott all her shows and projects. Sayang 'coz she really had this potential to make it big if she only knows how to become a real star.

  3. Pingback: Sarah Geronimo hurt over Rayver-Christine | Kapamilyang may Puso

    • hindi naman sigurom,,,pipol love OSANG,,kahit na anong naging life nito,,,shes so pretty in person at magaling na actress,…at milyon milyon ang nakuha ni osang sa paghuhubad nya sa movies noon,,hehe,,at till now,gusto padin syang makita ng tao sa tv at movies,,,sana nga makita pa sya sa movies at tv,,we miss her,,

  4. hala!bumira na naman si cristine ng ganyang walang values na pang katulong na pang pokpokita na salita,wahahaha,..si sharon pa pinatatamaan,,i hope wag ng patulan ni sharon itong mas bata sa kanya at walang breeding na pokpok na malaswang si cristine,,wag na nyang patulan tulad sa pagpatul nya kay hayden na sia ding nega at sira sa tao,,pashowbiz at walang sense si cristine,,kaya no cooment kanalang sharon para iwas kasiraan ,megastar ka at si cristine,negastar!!wahahahhh,,let her!

    tutal,,anu mang gawin ni cristine-rayver at sarah,,sira na sila sa tao,,,kala mo naman sinong gwapo si rayver na mala julius babao ang looks at ang relasyon po nila ni cristine hintay lang kayo,wala din yan,,break up soon,,after ilang ulit na kangkangan,,yun lang,,e diba,,gusto ni cristine,totohanan ng salita,,yun na,,

  5. Pingback: Tweets that mention Patutsada kay Sharon Cuneta ‘MATANDA NA NAKIKIALAM PA!’ - CRISTINE REYES | Pinoy Parazzi -- Topsy.com

Leave a Reply

Your email address will not be published.