Patung-patong na kaso sa Milf, ihahain ng AFP

TINIYAK NI WESTERN Min-danao Command spokesman Lt. Col. Randolph Cabangbang na itutuloy nila ang paghahain ng patung-patong na kaso laban sa unit ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na naka-engkwentro ng militar sa Sitio Baquisong, Brgy. Cambug, Albarka, Basilan.

Liban sa paghahain nila ng reklamo sa International Monitoring Team (IMT) dahil sa paglabag sa ceasefire ng MILF, magsasampa rin sila ng kaso sa korte, ayon kay Cabangbang.

Kasong Murder, Frustrated Murder at Multiple Murder ang kanilang isasampa sa grupo ng MILF, dagdag pa ni Cabangbang.

Buwelta naman ni MILF vice chairman for political affairs Ghadzali Jaafar, idudulog din nila ang kanilang sariling reklamo sa IMT dahil ang AFP ang lumabag sa ceasefire lalo na at sakop pa nila ang lugar sa pag-atake ng special forces ng Philippine Army.

Nanindigan ang AFP na nasa apat na kilometro pa ang layo ng kampo ng MILF. Sa kabila nito, nagpaabot naman ng pakikiramay si Jaafar sa pamilya ng mga namatay na sundalo.

Hindi umano nila ginusto ang pangyayari dahil sila man sa MILF ay seryoso na makipagnegosasyon sa gobyerno

upang masolusyunan ang kaguluhan sa Mindanao.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.