PATUNAY ANG DALAW NI CLINTON

DARATING ngayon sa ating bansa ang dating pangulo ng Amerika.

Si Bill Clinton, parekoy, ang ating tinutukoy.

Opo, bago pa kayo makapagtanong, lilinawin ko na.

Siya po ‘yong dating “jowa” ni Monica Lewinsky.

Na bago pa man ma-impeach ay dumiskarte na ang “matulis na presidente.”

Ang palusot ay “inappropriate relationship” lang daw.

Sandali, parekoy, bago tayo lumayo nang husto ay may lilinawin lang tayo.

Nais ko lang ipaalala sa US Embassy na ang pagdalaw na ito ni Clinton sa bansang ‘Pinas ay may nais lamang patunayan.

Na silang mga Kano mismo ay hindi rin nagkakaunawaan.

Namputsa, parekoy, pare-parehong English naman ang kanilang mga salita pero mukhang kailangan pa yata na may interpreter.

Bakit? Aba eh, sabi ng kanilang Embahada mapanganib daw ang Pilipinas.

Kaya nga pinagsasabihan nila ang kanilang mga nasasakupan na iwasan munang pumunta ng ‘Pinas.

Dahil daw may matinding banta pa ang terorismo.

Ang ipinagtataka ko lang, parekoy, itong pagdalaw ni Clinton sa ‘Pinas.

Kasi naman, ginawa niya ang pagbisita sa gitna ng kanilang “travel advisory.”

Ang ibig kong sabihin, parekoy, na nais patunayan sa pagdalaw na ito ni Clinton na mayroong nagsisinungaling o kaya ay may matigas ang ulo.

Gets n’yo?

Kapag si Clinton ay pinaslang ng mga terorista habang nasa ‘Pinas, isa lang ang sasabihin maging ng kanilang embahada.

Matigas kasi ang ulo!

Pinapayuhan nang huwag munang dumalaw sa ‘Pinas ang sinumang Amerikano, nagpumilit pa rin.

Ayan tuloy, natigok!

Pero kapag naman nakarating sa bansa nang ligtas.

Nanatili ritong hindi nagagalaw ng mga terorista.

At nakaalis pabalik ng Amerika nang wala kahit galos itong “jowa” ni Monica Lewinsky ay maliwanag pa, parekoy, sa sikat ng araw.

Na sinungaling ang kanilang embahada!

Dahil sinabi ng mga ito na huwag munang pumunta sa ‘Pinas ang kanilang mamamayan dahil diumano ay delikado.

Aktibo raw kasi sa bansang ito ang terorismo.

Pero sa totoo lang, parekoy, wala naman tayong kaalam-alam sa pangyayari.

Ang tinutukoy ko, parekoy, ay ang pinag-ugatan ng mga pangyayaring ito.

Hindi ba’t nag-ugat ito sa mga bombang ipinadala sa bansang Amerika at ilan pang karatig-bansa?

Ang nasabing bomba ay nanggaling sa bansang Yemen at hindi sa ‘Pinas.

Pero sa dagliang pagpapalabas nila ng “travel advisory” ay ang ‘Pinas ang kanilang pinaiiwasan.

Dahil mapanganib nga raw.

Kaya nga sa pagdalaw na ito ni Bill Clinton ay talagang magkakaalaman na.

Kung mamatay nga rito si Clinton, totoo nga ang banta ng US Embassy na mapanganib.

At talagang matigas lang ang ulo ni Clinton.

Pero ‘pag nagkataon, muling patutunayan ng Amerika.

Na kayang kaya nilang waratin ang ating dangal kahit sa kanilang kasinungalingan!

May magagawa ba tayo? P’we!!!

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.