Patrick, no effort to see son with Jennylyn

NON-APPEARANCE SI PIOLO Pascual sa wedding reception nina Ryan and Judy Ann Agoncillo.

The ‘pa-toma at pa-chibog’ ng bagong mag-asawa last Saturday night sa Le Souffle sa Rockwell went very well. Like the secret wedding nila sa Batangas early this week, maayos ang lahat from the placing of the guests hanggang sa separate press interview prior to the reception although na-delay lang ng konti dahil humaba ang tanungan portion.

The guests came in droves din, from the GMA Films crowd to the producers, Mother Lily Monteverde and the couple’s star friends. Now, hindi namin alam kung saan nanggaling ‘yung balitang darating daw si PJ sa reception. Ang pagkakabasa namin noon, parang PJ was quoted that if he is invited, he will go. Then we heard that he was indeed, so maraming nag-abang.

He was not around that night unless very late na siyang dumating.

WALA NAMAN DAW ginagawa si Patrick Garcia para makita niya ang anak niya kay Jennylyn Mercado.

Paper thin and gorgeous ang kauna-unahang Starstruck Female Survivor when we saw her for a special Belo Medical press con in relation to her two-day birthday party this May 14 and 16 sa Music Museum. Siya ang pinakabagong endorser ng Belo sa slimming and maintenance kung kaya’t full back up ang ibinigay sa kanya ng Belo for her concert I Am Woman produced by Eagle Eye Production.
Now about to finish her reunion soap with Mark Herras na Paano Ba Ang Mangarap? sa Drama-Rama Sa Hapon, nasabihan na raw siya ng GMA what will be her next project pero siyempre secret pa. Again, naitanong na naman sa kanya si Patrick and their situation ngayon kasi nga hanggang ngayon, hindi pa nito nakikita ang anak niya. Very vocal si Jennylyn sa pagsagot na ayaw niya ngang makita nito ang anak niya.

Pero kung gugustuhin naman daw ni Patrick na makita ito, gagawa ito ng paraan which is hindi ma-feel ni Jennylyn.

TRAILER PA LANG, puro hubaran na ang Heavenly Touch.
We finally saw the approved (?) trailer of the second movie of DMV Entertainment starring Paolo Serrano, Marco Morales, Gwen Garci and introducing Joash Balejado, ang Heavenly Touch. Hindi kami nagpapaka-sweet pero a lot of scenes, hindi kami makatingin nang diretso sa dami ng hubaran ng mga boys at sex scenes with matching halikan.

Parang mas daring ito kaysa sa una nilang movie na Walang Kawala. The fact na mas marami pa itong boys dahil it’s about massage parlors nga, makes it better – or worse depending on how you look at it – para sa intended audience. Kaya pala walang katakot-takot ang Heavenly Touch na makipagsabayan nga sa Bestfriends Forever this May 13 dahil kakaiba ang panlaban nito.

May special screening ang Heavenly Touch this May 7.

Merese
by Dinno Erece

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.