Patrick Garcia, spends nights with ex-girlfriend Jennylyn Mercado?!

ANG REAKSYON DAW na ibinigay ni Ai-Ai delas Alas sa tanong sa kanya tungkol sa isyu’ng sumama raw ang loob nito sa pagka-talo sa pagiging Best Comedy Actress sa katatapos na 8th Golden Screen Awards ng ENPRESS (Entertainment Press Society), Inc. eh, “Sanay na ako sa ENPRESS. Hindi naman talaga ako nananalo sa kanila, eh. Eversince.” At sabi rin daw nito, hindi sumama ang loob niya.

Eh, kung hindi naman pala nag-expect si Ai-Ai eversince to have an award from Golden Screen, bakit may taong sumubok na gumawa ng paraan para manalo siya? Ibig bang sabihin nito, may gusto ring maglagay kay Ai-Ai sa peligro? Kung walang alam si Ai-Ai sa nasabing isyu, unfair ‘yun sa kanya dahil may gumagamit sa kanya.

SA AMERIKA PALA magbabakasyon ang Megastar na si Sharon Cuneta, kasama rin ang kanyang mga mahal sa buhay.

Sa ngayon daw, pinapanay-panay nila ang taping para sa primer ng kanyang Biggest Loser: Pinoy Edition. Dahil nga aalis siya, kaya kailangan niyang tapusin ang mga dapat na makunan para sa pagsisimula nito.

Hindi pa naman maidetalye ni Shawie ang mga kaganapan sa mga sinasalangan niyang taping sa Biggest Loser Camp sa Trece Martires, Cavite. Pero sigurado na raw na marami na silang gugulatin sa nasabing palabas.

“Medyo ngarag lang, Ate Pi. Kasi nga, sinisiksikan nila ang lahat ng araw ko ng p’wede nilang ma-schedule. Dahil malapit na nga kaming umalis.”

Sa Japan huling nagbakasyon ang mag-anak noong Pebrero. At hinarap muli ni Shawie ang kanyang mga commitments. Kaya ngayon, muli na naman silang babawi para sa kanilang bonding ng kanyang pamilya.

ANG SWEET NAMAN ng mensaheng ibinigay ng butihing ina ni Patrick Garcia nang hingan ito ng pahayag tungkol sa nagaganap ngayon sa ikot ng buhay ni Jennylyn Mercado. Kung saan, nadadawit ang pangalan ni Patrick dahil sa balitang nagka-balikan na raw ang dalawa.

Pinabulaanan lang ni Mommy Bing na walang katotohanan ang mga balitang natutulog na uli si Patrick sa bahay ni Jen kapag sinusundo nito ang kanilang anak na si Alex Jazz.

“Mga twice or thrice a week lang ‘yun. Sinusundo niya si Jazz tapos inihahatid din. At kapag hinahatid niya kina Jen ang bata, dumadaan din siya rito sa bahay after niya ihatid si Jazz. Hindi naman kami nakikialam sa mga nangyayari na ngayon sa buhay ni Jen. Nakarating lang sa akin ang balita. Wala naman kaming planong manghimasok. Pero dahil si Jen eh, part na ng family, right or wrong, nakapanig pa rin kami sa kanya. Nakita ko nga na ang laki na ng naging pagma-mature ni Jen. Basta ang masasabi ko lang sa kanya, Jen, keep yourself busy and be happy. Life goes on.”

Sa May 7, sa pamamagitan ng isang concert entitled “Coming From The Rain”, ise-celebrate ni Jen sa Zirkoh-Morato ang kanyang kaarawan. Si Jen kaya ang maghahatid ng sorpresa sa gabi ng kanyang kaarawan?

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

6 thoughts on “Patrick Garcia, spends nights with ex-girlfriend Jennylyn Mercado?!

  1. Dakila kasi si Papa Patrick compare ko Dennies kaya feel pa rin ng makating single mom si Papa P. Divah Becky?

  2. SANA SI PATRICK & JENNYLYN NA LANG MAGKATULUYAN SA ENDING BAGAY NAMAN SILA EH. PARA RIN MASAYA YUNG ANAK NILA ANG CUTE PA NAMAN!

  3. over naman pagka insecure mo k jennylyn…sobrang inggit b yan…ikaw ang lukaret kc kung manlait k ng kapwa ay parang ang linis -linis ng pagkatao mo…baka k makarma sa pinagsasabi mo..appraise yourself baka mas grabe k pa…

Leave a Reply

Your email address will not be published.