Patrick Garcia, nakita na ang anak kay Jennylyn?

OLA CHIKA! TAWANAN, halakhakan, at bungisngis kung bungisngis ang nangyari nu’ng Linggo sa aking programa sa radyo. Dahil sa hindi inaasahan, nakausap ko at ng aking mga kasamahan ang konsehala ng Quezon City na si Aiko Melendez.

Kung noong isang araw, naisulat ko siya rito sa Pinoy Parazzi, aba, malaking gulat niya dahil hindi niya alam na lalabas sa column ko ang chikahan namin. Hahaha!

At hindi lang kuwento o kung anong kaetsingan, pinatunayan ni Aiko na kami ay twin sister. Oh, laban kayo?! Dahil sa kanya na nanggaling ang salitang twin sister ko siya.

Marami ang nagtataka kung bakit kami naging twin sisters. Matagal na nga kasi kaming magkakakilala ni Ako. Dalaga pa lang, kilala ko na siya.

Nu’ng may programa pa kami sa telebisyon, isa sa guest namin ang magaling na konsehala. Hindi namin akalain at hindi rin naman kami nag-usap, pero ewan ko ba kung bakit nagkaganu’n. Parehas kasi ang suot namin, at pati ang mga kumikinang na palamuti, halos parehas din.

Kaya mula noon, twin sister na ang aming tawagan. Kaya pinatunayan ni Aiko sa lahat ng aking tagapakinig sa DZRH sa buong Pilipinas, at sa buong mundo, na ‘yun ang tawagan namin. ‘Di ba, bonggacious?!

Pero aminado ang magaling na konsehala na tatakbo siya bilang vice-mayor ng Lungsod Quezon, at wala nang hahadlang pa riyan.

Ngunit kung maganda naman ang takbo ng buhay pag-ibig ni Aiko, hindi naman siya ganu’n kaaktibo sa kanyang showbiz career. Pero may bagong ginagawang movie si Aiko. Kahit konsehal siya sa QC, naisisingit pa rin niya ang pagiging artista. Bongga, ‘di ba?!

Sa movie na ginagawa ni Aiko, kasama niya ang dati niyang asawang si Jomari Yllana, kung saan marami ang nag-chika sa amin na nagkabalika na ang dalawa. Muling ipinaliwanag ni Aiko na friends na lang sila ng dati niyang asawa, at hindi sila nagkabalikan sa totoong buhay. Pero sa movie, kaloka ha?! Nagkabalikan sila, sa movie nga lang. At least, klaro ‘di ba?

Ang movie na ginagawa nila ay tipong Angelina Jolie-Brad Pitt type, under GMA Films. Kasama nila ang dalawang komedyante na sina Michael V., at Ogie Alcasid. Kaya abangan ang movie ni Aiko, bongga ‘di ba?

MARAMI ANG NASASABI at kung anu-ano ang lumalabas sa mga pahayagan, at sa kanilang interview, na hindi na magbabalik-showbiz ang ama ng anak ni Jennylyn na si Patrick Garcia. At hindi nga ito, ma-take ng actress na naano lang ni Patrick. Hahaha! Etsing lang!.

Kung ano ang sinasabi ni Jennylyn sa actor at sa pamilya nito, ganu’n din ang pahayag ng kampo ni Patrick, na hindi ito magbabalik-showbiz hangga’t hindi nito nakikita ang kanyang anak, at nayayakap.

Hmm… siguro, nakita na ni Patrick ang anak nito kay Jennylyn, dahil muli silang magkasama sa iisang ‘bahay.’ Dahil muling binigyan ng proyekto ng GMA ang actor at napapanood na nga ito tuwing hapon, na nagsimula na ngang umere sa telebisyon simula pa kahapon.

Naku, ano na naman kanya ang gagawing gimik ni Jennylyn. Maliit lang showbiz at isang tahanan lang sila, kaya anytime, p’wedeng magkita nang harap-harapan ang dalawang ito. Hindi kaya siya ang unang bumati sa actor? Hahaha! ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

7 thoughts on “Patrick Garcia, nakita na ang anak kay Jennylyn?

  1. hay naku ngayon ay masaya na si patrick dahil finally nakita nya na talaga ang anak nila ni jennylyn,sana lang kay patrick be a man…………be a better man for your child

    and i think jennylyn have a strong personality,nakaya nya laht ng mga bagyong dumating sa buhay nya kahit na maraming taong naninira sa kanya,bilang isang ina maiintindihan lahat ng mga pinag daanan nya sa buhay……

    sexy at gorgeous talaga sya ngayon…..mabuti nman at masaya na sila pareho ni patrick

    more work for jennylyn i realy like her,lagi akong nanonood ng mga palabas nya.

    at sana tayong mga pilipino kahit konti lang ng paggalang sa kapwa natin bago tayo mag salita ng masasakit sa kapwa natin isipin nyo rin may balik sa inyo kahit pa sabihin nyong trabaho lang ang ginagawa nyo,basta ako kahit anong paninira nyo kay jen hanga pa rin ako sa kanya,pinipilit kong maging update lagi sa kanya kahit na busy ako as a caregiver dito sa states…

  2. mr. swarding,
    khit ano pa ang sabihin mo kaya jennylyn, we still support her..d biro ang napagdaanan nya.. ewan ko ba sa inyong mga reporter, kung makapanlait sa mga artista ganun na ganun na lng eh kayo din naman mas malala pa

    and to patrick,
    d ka deserving maging ama…

  3. hOY TITA BAKLANG SWARDING, HINAY, HINAY ANG BANAT MO KAY JENNYLYN. PALIBHASA WALA KANG MATRIS. IKAW KAYA ANG MABUNTISAN AT IWAN NG LALAKI. TINGNAN KO LANG KONG HINDI KA MAGTANIM NG GALIT. ANG SABIHIN MO WALANG BAY*G YANG SI PATRICK AT GALING SA PAMILYANG MATA POBRE. DON’T WORRY JENNYLYN, HUWAG KANG MAG PA AFFECTED SA MGA TAONG NANGHUHUSGA .GOD BLESS AND KEEP ON STRIVING.

  4. Bakit mo kasi ipapakita ang anak mo sa HINDI naman nya ama? Di ba kapanget tingnan. Alam yan ng malalapit kay chenelyn merkado.

  5. kung sa akin rin nangyari ung kay jennelyn na nilayuan o iniwasan ng boyfriend matapos siyang mabuntis ng boyfriend ay ganuon din ang gagawin ko, hinding hindi ko ipapakita ang anak ko sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.