Patrick Garcia, matagal nang alam ang tungkol kina Jennylyn Mercado at VJ Andrei!

NATAWA SI JENNYLYN Mercado nang nakarating sa kanya ang interview ni Patrick Garcia sa Showbiz Central nu’ng kamakalawa lang.

Sinabi kasi ng aktor na matagal na raw niyang alam ang tungkol kina Jennylyn at ang veejay na si Andrei Felix. Alam din daw nitong ang pangalan ng anak nilang si Alex Jazz ay sinunod kay Andrei.

Natawa si Jennylyn diyan dahil wala naman daw katotohanan ‘yun. Ang pangalang Alex ay bigay raw ‘yun ng Mommy Lydia niya at ang Jazz naman ay galing mismo kay Jennylyn. Hindi naman daw alam ‘yun ni Patrick, kaya sana huwag na raw sumagot ng mali-mali.

Halatang ayaw na talagang pag-usapan ni Jennylyn si Patrick dahil obvious namang in love ito sa ngayon. Pero ayaw na niyang palakihin pa dahil mas mabuting tahimik na lang daw.

Ilang beses namin siyang kinukulit kung ano ang balak nila ni Dennis sa kanilang kaarawan dahil magkasunod nilang ise-celebrate ito. May 12 si Dennis, May 15 naman si Jennylyn kaya maaaring joint celebration ito. Pero hindi na kami sinagot ni Jennylyn.

SUCCESSFUL ANG PREMIERE night ng pelikulang You To Me Are Everything nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na ginanap sa SM Megamall nu’ng kamakalawa ng gabi.

Inaasahan na siyempre ang suporta ng Dongyan fanatics kaya napuno ito at hindi na kayo nagkarinigan sa loob ng sinehan dahil sa malalakas na tili ng mga fans.

Si Mother Lily ay proud na proud sa pelikulang ito dahil very light lang daw at naramdaman niyang maghi-hit ito dahil nakaka-in love at kaagad na magugustuhan ng mga manonood.

Pagkatapos nito ay magsisimula na ang magkasintahan ng pagbabalik nila sa GMA Telebabad via Endless Love, pero nakatakda rin silang umalis patungong Amerika at Canada para sa series of concert nila kasama sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

Itong pag-alis nila ay napag-usapang baka may balak silang magpakasal doon dahil nasa itinerary raw nila ang pumunta ng Las Vegas gayong wala naman silang show roon.

Ang duda tuloy, baka magpakasal na sila roon na kaagad namang sinagot ng dalawa na wala sa plano nila ‘yun.

Sey ni Dingdong, kung sakaling aabot na sila sa ganu’ng desisyon, mas gusto naman daw nilang dito sa Pilipinas sila magpakasal. Pero hindi pa raw nila pinag-uusapan iyan sa ngayon.

Ang nakadududa lang, nag-uusap pala sina Dingdong at ang Daddy ni Marian na nasa Espanya dahil may balak daw itong dumalaw rito sa Pilipinas.

Sa pagdating dito ng ama ni Marian, mukhang meron silang inihahandang sorpresa para kay Marian at kakuntsaba rito si Dingdong.

Ayaw munang sabihin ng aktor kung ano ito dahil surprise nga pero lalo namang kinikilig si Marian.

Sa May 5 pala ang showing nitong pelikula nilang You To Me are Everything.

By Gorgy’s Park

loading...

3 thoughts on “Patrick Garcia, matagal nang alam ang tungkol kina Jennylyn Mercado at VJ Andrei!

  1. asa naman! hindi nman siya iiwan ni patrick ng walang reason! i bet malandi lang talaga siya .. kiber kung laos at hindi na sikat si patrick? kaya pala dami pa din humahabol sa kanya para tanungin lang yung real story kung bakit nga ba sila naghiwalay ni jen. si patrick mismo ang ayaw magsalita at ikalat pa yan! masyado lang artista si jen, pinapublicize ang hindi naman na dapat!

  2. asa naman! si jennelyn nga ‘tong makate kaya iniwan ni patrick! imposibleng iwan siya ni patrick ng walang reason noh! malandi talaga siya!

  3. LAOS NA SI PATRICK!!! Istambay, palamunin ng magulang, Mama’s Boy, sugalero, walang trabaho….naghahanap ng isyu para mapag usapan at mabigyan ng trabaho. Kawawang nilalang!!!!

    Magtago ka na alng sa palda ng nanay mo at ng kapatid mo!!! Suportahan ka nila!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.