Patrick Garcia, iba ang hatak

Patrick-Garcia-Jessica-Nicole-Martinez-ChelseaIBA ANG hatak ni Patrick Garcia sa masa lalo na with his exposure in the  soon to end na Annaliza ng Kapamilya Network.

Kaya nga malaki ang tulong ang mga teleserye para sa mass based mo dahil kadalasan, kung may regular shows ka sa telebisyon, palagi kang nakikita at naaalala.

Wit Annaliza (kahit ang karakter ni  Patrick ay patay na) ang recall sa young actor ay malakas pa rin.

Last Saturday, nasa Ayala Alabang Village Country Club kami to attend to Patrick and Jessica Nicole Martinez’ (his current girlfriend and live-in partner) daughter Chelsea’s first birthday party.

After his exposure in Annaliza, ganado si Patrick na muling maging aktibo sa kanyang showbiz career. Kaya naman dahil sa tinatamong popularid, he was invited by the City of Tanauan in Batangas thru Mayor Tony Halili to be one of the judges sa 1st  Parade of Lights kasama sina Melanie Marquez and Dra. Vicki Belo.

Sa event na magaganap bukas, Saturday, 26 well lighted floats will vie for the Best Float competition. The event will start at 6 in the evening.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.