Patrick Garcia, going straight na para sa future ng anak kay Jennylyn Mercado

THE BEST OF friends na ngayon ang turingan ng dating mag-lovers na sina Patrick Garcia at Jennylyn Mercado. Natapos na rin ang gusot sa kanilang dalawa alang-alang sa ikabubuti ng kanilang anak na si Alex Jazz. Ayon sa binatang ama, anumang oras daw na gustuhin niyang bisitahin ang anak, bukas ang pintuan ng dating karelasyon. Every other day, nasa bahay ni Jenny si Patrick para makipaglaro sa anak.

Anytime raw na gustuhin niyang ipagpaalam si AJ ay pinapayagan silang mag-amang mamasyal. Dati raw palipat-lipat ng bahay si Alex Jazz. Ilang araw na kay Patrick ang anak, four days na kay Jennylyn naman ang bata. Naguguluhan ang kanilang anak, hindi pa nito nauunawaan ang nangyayari sa kanyang mga magulang. Mas okey na raw ang samahan ngayon nina Patrick at Jennylyn, nakapag-uusap sila nang maayos at nailalabas na nila ang hinanakit sa isa’t isa. May kanya-kanyang buhay na silang tinatahak kaya’t focus muna sa trabaho ang aktor. Inamin rin ni Patrick na wala siyang special someone pero lumalabas din siya kasama ang mga kaibigan.

Focus muna sa trabaho si Patrick para mabigyan ng magandang kinabukasan si AJ. Kailangan daw niyang kumayod nang husto para makapag-ipon para sa pag-aaral ng anak nila ni Jennylyn. Magkatuwang nilang pagsisikapan ng mapag-aral sa magandang eskuwelahan ang anak.

Ang labis pang ikinatuwa ni Patrick, pumayag na si Jennylyn gamitin ng anak ang apelyido niya. Nag-mature na nga ang dalawa, ibang-iba na ang pananaw nila sa buhay. Pareho na silang naka-move-on. Kung minsan nga, nagkakasabay pang dumalaw sina Patrick at Luis Manzano sa bahay ni Jennylyn.

Pagdating sa personal na buhay ni Jennylyn, hindi nakikialam o nagtatanong si Patrick. Wala raw siyang karapatan para mag-urirat. Ang importante daw ay kung saan maligaya ang dating niyang ka-live-in, maligaya na rin siya.

Sa tingin kaya niya si Luis na ang lalaking magpapaligaya kay Jennylyn? “Sa tingin ko naman seryoso si Luis kay Jenny at magkasundo sila ng anak ko. Kahit sinong lalaki ang magustuhan niya, walang problema sa akin basta’t mamahalin din niya ang anak namin ni Jenny. She deserve to be happy,” say ni Patrick Garcia.

Nagka-casino pa rin ba hanggang ngayon ang actor? “Wala na akong time para gawin ang bagay na ‘yun. Hindi ko naman dini-deny na minsan naging laman ako ng casino pero matagal na ‘yun. Binura ko na sa sistema ang tungkol du’n. Going straight na ako ngayon dahil priority ko ngayon ang future ng anak ko so, kayod muna tayo.

“Gusto kong balang-araw maging proud ang anak ko sa akin kahit nagkahiwalay kami ng kanyang mommy. Someday mauunawaan naman niya kung bakit nangyari ito sa  amin.

“Nagtatanong na nga kung minsan sa relationship namin ni Jenny. Kailangan nga lang unti-unti ang pagpapaliwanag para kahit papaano alam niya kung ano ‘yung relationship naming dalawa,” pahayag ni Patrick Garcia.

 

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

3 thoughts on “Patrick Garcia, going straight na para sa future ng anak kay Jennylyn Mercado

  1. they are juicy !d fact that you are wasting your time commenting on issues bout them proves it somehow..haha!you analyze things pa nga…whats to admit if its still not formal anyway??mas sinungaling ata aamin d pa pala ganon…haha!

  2. oh yes they are a juicy item my dear! otherwise di sila pag uusapan ng media di ba? there were times na nagtatampo na ang press sa guy dahil wala silang makuha. she never ignored him, where did you get that? kung gusto man nilang maging private choice nila yun.

  3. she keep denying things. From the start she ignored him when the speculations circulated. And even he uttered to the media that he will zipped his mouth this 2011 pero wala ding nangyari. There are black reason why he spit things on tv. They are not just friends or what they call them ” on dating stage”, They are not complicated. As what d pictures thrown away on man’s camp- it shows they are now a couple. They should Stop Denying things and fool people. We don’t want to think that they just playing around coz they want to proved to their ex’s that they’re happy, in love and moving on . Do dey think dey are juicy to the public? Well, They’re not.