Patrick Garcia, etsa-puwera sa birthday ng anak

Alam n‘yo, hindi na dapat pagpapansinin itong mga sinasabi ni Rosanna Roces dahil wala namang naniniwala na sa kanya ngayon.

Hindi na natatapos ‘yang pangugugulo niya sa pamilya ni Sen. Bong Revilla na sa halip na magpasalamat sa pag-alaga sa apo niyang si Gab (o si Budoy), ginugulo niya at hindi man lang niya naiisip na mas nakakabuti pa ito sa bata.

Ano ba ang napala ng bata sa pangangalaga niya? Nagkasakit! Hindi nakapag-aral! Iyun ba ang magandang pag-alaga na nagagawa niya sa bata bilang lola nito?

Kahit kina Jolo ngayon ang bata, hindi pa rin naman sila nakalimot na ipahiram sa kanya ang bata kapag weekend. Hindi naman puwede na sa kanya na lang palagi dahil wala nga! Walang magandang nangyari sa bata kapag nasa kanya ito. Sino ang mas nakikinabang? Siya! May nagagamit siyang kotse, may katulong siya at yaya! Kasi lahat na iyun, gastos nina Jolo. Iyun ang concern niya! Hindi ang mabuting kalagayan ng bata.

Bukod pa diyan, desisyon ni Grace na ibigay kina Jolo ang bata para mas maalagaan ito nang mabuti. Desisyon ito ng mga magulang na sina Grace at Jolo. Hindi desisyon ng lola! Mabuti sana kung matinong lola!

Naku day! Ang dami pang nakarating na kuwento sa akin, bakit atat na atat itong kunin si Gab? Kaya sana, manahimik na lang ang babaeng ito para naman may mabuting bagay na dumating sa kanya.

Sino pa ba ang naniniwala sa mga susunod niyang sasabihin? Kung talagang malaking istorya at kapani-paniwala ang mga sinabi niya, bakit hindi na-ere sa The Buzz ang interview niya? Eh, di sana siya ang mas binigyan ng oras kesa sa ibang istorya di ba? Kawawa naman ang babaeng ito, naba-bump off na ang mga interview niya. Puwedeng isingit na lang pala kapag may ekstrang oras.

Iyun na lang sana ang mabuting gagawin ng babaeng ito, manahimik, ipagpatuloy ang kung ano mang trabaho meron siya, alagaan ang iba pa niyang apo at magsilbing mabuting halimbawa sa mga apo niya.

Ang sabi pa ng babaeng ito, natututo na raw manipa si Gab dahil puro action stars ang nakakasama nito ngayon. Sino naman ang naniniwala diyan?

Ang sabihin mo, maaring matututong tumaya sa karera ang apo niya dahil pinalaki niya ito noon sa karerahan! Bakit ba nagkahilig sa kabayo si Gab?

Si Jennylyn Mercado naman ay bonggang-bongga na ang pag-iwas kapag si Patrick Garcia na ang pinag-uusapan. Iisa lang ang linya niya kapag tinatanong siya tungkol kay Patrick, “Ayoko na siyang pag-usapan!”

Sobrang pangungulit sa kanya ang mga tanong tungkol kay Patrick dahil malapit na ang first birthday ng anak nila, pero iyun lang ang sagot niya, “Ayoko na siyang pag-usapan!”

Malapit na ang kaarawan ng anak niyang si Alex Jazz at ngayon pa lang ay pinaghahandaan na niya ito.

Gusto naman daw niya bongga ang selebrasyon ng first birthday ni Alex Jazz pero obviously, hindi kabilang dito si Patrick.

Bago daw mag-birthday ang anak niya, mailalabas na rin ang coffetable book na matagal na nilang pinaghandaan. Detalyado raw sa librong iyun ang tungkol sa anak niya kaya dapat bumili nu’n si Patrick para doon na lang niya malalaman kung paano nailuwal hanggang sa pinalaki na ito ni Jennylyn.

Tingin ko naman diyan, magkakaayos din sila, pero siguro mas mabuting tahimik na lang muna sila, kaya ayaw na mag-comment ni Jennylyn.

Si Jennylyn pala ang isa sa mga huling endorser ngayon ng Belo Medical Group, at nag-pictorial na nga ito nung Lunes kasama si Valerie Concepcion bilang mga hot mommas. Bongga di ba?

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “Patrick Garcia, etsa-puwera sa birthday ng anak

  1. hindi lang sugarol baka maging callboy pa, sus naman anong klaseng lola yan, tama si lolit nakikinabang nga naman si rosanna roces kapag nandun sa kanya si gab, libre yaya, katulong at kotse siya. tsk tsk

    • In fairness, totoo naman ang sinabi ni lolit tungkol kay osang. Walang maituturong mabuti ang lola kung siya ang magpapalaki sa bata at baka nga lumaki pa ang apo niya na sugarol.

Leave a Reply

Your email address will not be published.