Patrick Garcia, busy with ‘OL’?

Oh My G!
by Ogie Diaz

NAGSIMULA LANG NAMAN bilang expression. ‘Pag nagulat ka, “Oh, my God! Really?!”
Sa mga text at sa pakikipag-chat, pinaiikli na lang ‘yan. Nagiging “OMG.”

Naging segment a la “POV” (point of view) ng The Buzz sa Entertainment Live! ang “OMG.” At siyempre, naging logo ng aming column dito sa Parazzi, ang “Oh, My G!”

At ngayon, pelikula na ang “OMG” starring Judy Ann Santos and Ogie Alcasid, ang Oh, My Girl!

Kung ano talaga ang uso, ‘yun talaga ang sasakyan ng mga tao, ‘no? Kung ano ang in, mainit, kontrobersiyal, intriguing at nagiging bukambibig na ng madlang people, ‘yun ang ginagamit.

Bakit namin ‘to nasabi? Wala lang. Trip lang.

Kanya-kanyang trip ‘to, ‘no!

DAPAT DITO SA babaeng nag-Facebook message sa amin at nagke-claim na naanakan siya ni Aljon Jimenez eh, tumigil na muna, dahil nagmumukha siyang “nagpapapansin” at “nagpapakontrobersiyal.”

Juice ko, i-message din ba ang mga field reporters ng mga talk show para sa kanyang claim? Maging ang ilang movie writers, mine-message niya rin.

Tinanong namin siya kung meron siyang sapat na ebidensiya, puro lang siya, “Hihintayin ko munang magsalita sina Aljon at Manilyn. Kapag hindi niya in-accept ang anak ko, du’n ako magsasalita.”

Ano ‘yon?

NAKAUSAP NAMIN SI Aljon Jimenez. Natawa lang ito. ‘Yung girl daw, in-accept lang niya as friend sa Facebook and that’s it. “Ni hindi ko pa siya nakikilala in person, eh. Paano naman ako magkakaanak sa kanya?”

Inulit pa namin kay Aljon kung wala talaga ba siyang natatandaan?

“Wala, Ogs. There’s no truth to her claim.” ‘Wag na raw sanang gamitin nu’ng girl ang five-year old baby nito para lang manggulo ng matinong pamilya.

At ‘eto na, ang nakakalokah, sobrang “die-hard” o “head over heels” kay Aljon ang girl, dahil ginawang apelyido ng girl ang apelyido ni Aljon. Gano’n na ba kadesperada ang girl na ‘to?

“Eh, ‘di sige, maglabas siya ng ebidensiya na me anak nga ako sa kanya. Hindi ko maimadyin na hindi pa kami nagkikita, nabuntis ko na agad siya? Hahaha!”

MAY NAGHAHANAP SA akin kay Patrick Garcia. Honestly, hindi namin alam kung nasa’n na siya at ano na ang nangyari sa kanya. Ni hindi na rin namin alam ang number ni Patrick. Kung ano ang kanyang pinagkakaabalahan ngayon. At kung ano na ang hitsura niya ngayon.

Sana, nasa mabuti siyang kalagayan na malayo sa anumang disgrasya’t kapahamakan. (Syet, me gano’ng level of concern talaga?)

Ang nariririnig-rinig lang namin eh, wala itong ibang pinagkakaabalahan, kungdi ang “OL.” Kung ano ang “OL,” tuklasin n’yo na lang. Hehehe!

Basta ako, I never tried it even once. And I will never try it with feelings. With feelings daw, o!

MONDAY NA NAMAN! It’s Wow! Ang Showbiiiz! at 11-12nn. Sa’n pa nga ba kundi sa DWIZ 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com.

I-text n’yo rin kami kung me comments kayo, suggestions or nais iparating sa inyong fave stars o hate n’yong stars, just type OGIE ON at i-send sa 2366.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.