PATRICK GARCIA, BALIK-KAPAMILYA NA!

SA MGA NAKAKA-MISS at tagahanga pa rin hanggang ngayon ng aktor na si Patrick Garcia, muli n’yo siyang mapapanood sa telebisyon very soon! ‘Yan ang mainit-init na tsika ng aming source.

Alam n’yo ba kung saang network muling mapapanood ang ama ng anak ni Jennylyn Mercado?

Well, balik-Kapamilya via a teleserye ang guwapo at Urian awardee na aktor. As of this wri-ting, wala pang confirmation kung anong teleserye ang kabi-bilangan ni Patrick sa ABS-CBN as his TV comeback after over a year of absence in showbiz.

Bago si Patrick, nauna na ngang nakumpirma ang pagba-balik-Kapamilya rin ni Ariel Rivera at Eula Valdez na parehong pasok sa cast ng isa na namang soap opera remake na Mula Sa Puso.

Balita namin ay nag-pictorial na ang dating ‘crush ng bayan’ na singer-actor (as Don Fernando) at Eula (as Selena) kasama ang mga bagong cast ng nasabing teleserye na sina Lauren Young (as Via), JM de Guzman (as Gabriel), Enrique Gil (as Michael) at Dawn Zulueta (as Magda).

Wala raw sa photo shoot si DJ Durano (as Ysmael). Hindi rin daw nakarating ang direktor na si Wenn Deramas dahil nagkaroon ito ng emergency.

Although nakapag-pictorial na si Ariel for Mula Sa Puso at alam na nito ang kanyang role, hindi pa lang daw alam nito ang character ni Don Fernando na ama ni Via na dating ginampanan ni Juan Rodrigo.

Ang nakakatuwa, may pinagtanungan pa raw si Ariel kung umeere pa ang huling show na nilabasan nito sa TV5 na Inday Wanda opposite Eugene Domingo.

HOW TRUE NA nagsuplada raw si Kim Chiu sa isang babaeng teenager fan niya nang finally ay makilala nito ang aktres sa isang event?

Sa sobrang excitement daw ay niyakap ng bagets na fan si Kim na ikinagulat naman siguro nito, kaya napaismid ang young actress. Nakita raw ‘yon ng mga tao sa paligid.

Nakita raw muli ng batang fan na maykaya sa buhay ang pamilya ang kanyang idol sa concert ni Taylor Swift sa Araneta Coliseum kasama si Maja Salvador, pero hindi na raw ito nagpa-picture pa kay Kim kung hindi kay Maja na lang.

Maging ang ibang mga bagets na nagpa-picture daw kay Kim after the concert ay nagbubulungan na ang suplada naman.

Hindi kaya dahil nawala ang cellphone ni Kim sa concert na ‘yon kaya medyo wala siya sa mood nung mga oras na ‘yon?

NAKITA NAMIN LAST Saturday sa The 2nd Philippine International Pyromusical Competition sa SM Mall of Asia Seaside Boulevard ang bagong kasal at napakagandang si Priscilla Meirelles minus her husband John Estrada.

Kasama ng Brazilian beauty queen and model that night ang kanyang mga magulang yata na magkakasamang tumayo sa kanilang kinauupuan matapos ang fireworks display ng bansang Japan bago ang Canada at lumipat yata sila ng ibang puwesto o tuluyan nang umalis ng event, dahil sa ulan.

FINALLY, GINANAP KAHAPON ang unveiling ng rebulto ni former senator at showbiz  icon na si Ramon Revilla, Sr. sa Cavite Coliseum na handog ng kanyang mga mabubuting anak sa pangunguna ni Sen. Bong Revilla Jr., Marlon Bautista, Rowena Bautista-Mendiola, Princess Revilla, Diane Bautista-Paterno, at Andrea Bautista-Ynares.

Maligayang-maligaya si Senyor Ramon sa ginawa ng kanyang mga anak habang nabubuhay pa siya na nagsilbing isang napakagandang regalo para sa kanyang 84th birthday kahapon din.

Bukod sa magkakapatid na Bautista/Revilla at kani-kanilang mga pamilya at mga kamag-anak at malalapit na mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz, present din ang lahat ng half-siblings nila sa kanilang buti-hing ama.

Natupad din ang kahilingan ni Senyor Ramon na ilagay sa kanyang rebulto ang mga pangalan ng lahat ng mga anak niya na higit-kumulang 40.

Ugaliin n’yo pa rin pong makinig ng Wow! Ang Showbiz! with Ogie Diaz, Ms. F as in Fernan de Guzman, Mimi, Friend Rommel Placente and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday to Friday, from 11 AM to 12 NN or log onto www.DWIZ882.com. Follow me on Twitter, too, at francissimeon. Maraming salamat po!


Franz 2 U
by Francis Simeon

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.