Patrick Garcia, ayaw pag-usapan ang anak kay Jennylyn Mercado

EXCITED SI Patrick Garcia sa kanyang bagong project sa ABS-CBN. Ito ay ang remake ng Annaliza na before ay tinampukan ng yumaong young actress na si Julie Vega, at ngayon ay pagbibidahan naman ng baguhang child star na si Andrea Brillantes.

Gagampanan ni Patrick ang character ni Lazaro, ama ni Annaliza. Nakare-relate daw siya sa nasabing role dahil in real life ay isa rin siyang ama.

Kumusta na nga ba sila ng kanyang anak kay Jennylyn Mercado na si Jazz? “Okey naman. Pero I’d rather not talk about Jazz. No comment muna ako tungkol sa kanya.”

Magpa-five years old na si Jazz? Nagkikita ba o nagkakasama sila lately? “As of now, hindi.”

Hangga’t maaari raw, ayaw niyang natatanong o nagku-comment about Jazz.  Dahil hindi pa rin pala naaayos ang problema sa pagitan nila ni Jennylyn? “Oo. Kaya ayokong pag-usapan. Baka ano, eh… Gusto ko kasing maayos ang problema namin. Kaya I want to stay quiet lang.”

Kapansin-pansin na fresh ang aura ni Patrick sa ngayon. Bagets na bagets ang kanyang dating. “Ano… wala. Think positive lang in life!” sabay tawa niyang sabi.

Kapapanganak lang daw ng baby nila ng kanyang non- showbiz partner kaya masaya siya. “Iyon in siguro ang isang dahilan kung bakit maganda ang aura ko. Oo.”

Wala pa silang planong pakasal ngayong may anak na sila? “As of now, wala pa. Because… nag-iipon pa ako, eh. Three months old  pa lang ‘yong baby namin. Girl siya. And… pantay lang naman ang pagmamahal ko sa kanilang dalawa ni Jazz.”

Hindi pa raw alam ni Jazz na may baby sister na ito? “Hindi pa. Pero darating ang panahon na magkakakilala sila. Kumbaga, iyon ang magiging happiest day ko siguro. Kapag nag-meet na silang dalawa.”

Malaking factor daw kung bakit masaya at tahimik ang relasyon nila ng kanyang partner ngayon ay hindi ito artista. Siguro. Kaya tahimik. Wala kaming nagiging problema.”

Hindi naman daw sa ayaw na niya ng karelasyong taga-showbiz din. Nagkataon lang daw na hindi artista ang sunod na naugnay sa kanya. “Hindi mo naman kasi pinipili ang taong mamahalin mo, eh. Nangyari lang na… siya ang sunod na naging karelasyon ko.”

Sa ngayon, kuntento naman daw siya sa takbo ng kanyang career. “Happy na ako sa ganito… one step at a time. Sana may dumating pang magagandang offers. Happy naman ako sa buhay ko ngayon.”

At ‘yong naggu-glow na aura niya ngayon, siguro ay dahil din sa masaya siya sa piling ng karelasyon nila ngayon at sa kanilang baby.

“Oo. At mas tahimik nga kasi ang buhay ko ngayon. Mahalaga rin kasi ang peace of mind para makumpleto ang pagiging happy mo. Oo naman. Siyempre,” nangiti ulit na sabi pa ni Patrick.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.