Patrick Garcia and Jennylyn Mercado are in good terms for their son

SA NGAYON DAW, ayaw isipin ni Patrick Garcia, isa sa main cast ng pinakabagong primetime fantaserye ng GMA-7 na Iglot (kasama sina Claudine Barretto, Marvin Agustin at Jolina Magdangal) ang posibilidad na magkabalikan sila ni Jennylyn Mercado, lalo na’t  in good terms na naman sila.

Ayon kay Patrick, maganda ang samahan nila ngayon ni Jennylyn dahil na rin sa kanilang anak na si Alex Jazz. Pinag-uusapan daw kasi nilang dalawa kung ano ang makabubuti at mga plano nila sa kanilang supling.

Pero hindi na raw nila napag-uusapan ‘yung tungkol sa kanila, dahil ang pagiging magulang na lang kay AJ ang kanilang role sa bata. May kanya-kanya na raw silang buhay at ang tanging nagdudugtong sa kanila ay si AJ.

Pero hindi naman daw nito sinasarado ang pagkakataon na baka sa tamang panahon ay sila rin ang magkatuluyan, lalo na’t may anak na sila. Pero sa ngayon daw, mas click sila as friends at magulang ni AJ.

 

JULY 31, 2011 ang eksaktong date ng dating ng nag-iisang Superstar kung masusunod ang pinag-usapan. Ayon kasi sa aming source, tapos na ang negosasyon between Kuya Germs at Suzette Ranillo at isang malaking TV network para sa magiging trabaho ni Nora Aunor sa bansa. Kung saan balitang isang weekly drama show ang nakatakdang gawin ni Ate Guy.

Bukod pa rito ang ilang guesting niya sa iba’t ibang shows sa naturang istasyon. Hindi lang nasabi sa amin ng aming source kung exclusive ang magiging kontrata ni Ate Guy sa big station o para sa nasabing programa lang, at puwede pa itong makita at mapanood sa ibang TV Networks.

Pero dagdag ng aming source sa mga solid Noranians na ‘wag munang umasa na sure na sure nang darating si Ate Guy sa nasabing petsa, dahil hangga’t hindi raw nakikita ng harap-harapan ang Superstar, para walang aasa at sasama ang loob. ‘Yun na!

 

LUMIPAD NA PATUNGONG New York last July 21 ang magaling na singer/actor na si Jericho Rosales para mag-aral ng Directing at Acting sa nasabing bansa. Matagal na raw itong plano ni Jericho at kumuha lang ng tamang tiyempo para magawa ito.

Dream daw kasi ni Jericho na maging mahusay na direktor balang-araw, kaya naman daw puspusan ang paghahanda niya kaya naman nag-aral ito ng Directing sa ibang bansa. Eight weeks or two months daw na mamamalagi sa Amerika si Jericho para sa kanyang gagawing pag-aaral.

Bukod sa isa rin sa pangarap ni Jericho ang maka-penetrate sa international scene, kaya naman kahit medyo matagal-tagal itong mawawala sa bansa at hindi makakapagtrabaho, talaga namang nag-sacrifice ito para sa katuparan ng kanyang pangarap.

 

SALUDO RAW ANG Tween Hearts at Walang Tulugan with the Master Showman mainstay at isa sa pambato sa hatawan sa dance Floor sa pinakabago at kauna-unahang dance-serye, ang Time of My Life, na si Teejay Marquez sa kanyang mga co-actors na sina Mark Herras at Kris Bernal na kung ilarawan niya ay sobrang professional pagdating sa trabaho.

Tsika nga ni Teejay, nakita raw nito ang sobra-sobrang pagmamahal sa trabaho ng dalawa sa maraming aspeto, kaya naman daw bilib na bi-lib siya sa mga ito. First time daw na nakatrabaho ni Teejay si Kris at Mark at bukod daw sa sobrang professio-nal katrabaho ay sobrang bait daw ng mga ito sa lahat ng kanilang mga nakakatrabaho mula sa kanilang mga baguhan at sa lahat ng bumubuo ng kanilang soap.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

3 thoughts on “Patrick Garcia and Jennylyn Mercado are in good terms for their son

  1. Dapat lang naman na magkaibigan ang mga magulang maski separated na ito for the sake of the children, IYON ANG DAPAT!!!! Hindi fair na papiliin ang mga anak kong sino ang mas mahal nila. Both parents created those children together so kailangan din magtulungan silang palakihin ito sa mabuting pagpalaki.

Leave a Reply

Your email address will not be published.