Patrick dela Rosa, ididiin ng iba pang biktima umano ng rape?!

TRUE BA ITONG nabalitaan namin? Na marami raw na mga diumano’y biktimang girls ang sumagot sa panawagan ng isang friend ng attempted rape victim ng isang model-turned-actor na magsama-sama ang lahat ng nabiktima nito?

Na pagkatapos maposasan at makulong sa Kyusi police station 7 ay nagtipon-tipon daw ang iba pang mga nabiktima ng suspect para sabay-sabay silang magdemanda laban sa character actor na ito?

Na ang ibang girls na nabiktima raw nito ay minor at nagkaroon na rin daw ng lakas ng loob ngayon na kalabanin at idemanda ang aktor?

Na nagpa-plano na raw ang ibang bokal sa Mindoro na maghain ng expulsion case sa actor-politician na ito kapag napatunayang guilty siya sa mga kasong isasampa laban sa kanya?

Naku, sana naman, e, ‘wag muna natin siyang husgahan agad dahil may proseso ang lahat at sana, e, mabigyan ng fair trial si Patrick de la Rosa.

PERO SALUDO KAMI sa ex-wife ni Patrick na isa ring professional singer, si Cocoo Gonzales.

Aba, ang balita namin, e, binantayan niya ang aktor sa police station hanggang alas-singko ng madaling araw ng Sabado.

Malas nga lang daw kasi pinosasan ang aktor nu’ng last Friday afternoon at weekend na kaya walang opisina para magkaroon ng inquest proceeding kaya hayun, du’n na natuloy ang “weekend vacation” ng aktor sa selda.

Para sa mga nagtatanong kung bakit daw siya nandu’n samantalang matagal na silang hiwalay, nandu’n daw siya bilang ina ng kanilang mga anak at hindi raw siya present du’n to romantically console the actor.

Ilang bagyo and to overstress, lindol ang pinagdaanan ni Cocoo nu’ng sila pa ng kanyang ex kaya nakabibilib ang mga babaeng tulad niya na hindi na inisip ang kanyang mga heartaches and despair noon sa piling ni Patrick na talagang nagtitiyaga ngayon para tulungan ang kanyang ex.

Marami pa kayang mga babaeng tulad niya sa panahon ngayon? Just asking lang naman…

SIGURADO, BABANTAYAN BUKAS ng mga kapatid sa hanapbuhay ang bawat kilos at galaw nina Gerald Anderson at Kim Chiu sa presscon ng kanilang pelikulang ‘Till My Heartaches End.

On the part of Gerald and Kim naman, feeling namin, e, mape-pressure ang dalawa sa kung ano ang dapat nilang ikilos sa harap ng mga press people.

Kumbaga, e, magiging extra sweet ba sila to prove na mali ang mga speculations ng iba na wala nang Kimerald tandem in real life? Or magpapakatotoo lang ang dalawa? Or magde-deadmahan dahil sabi nga ni Gerald minsan sa isang interview, e, meron silang tampuhan?

Kung magpapatuloy ang pagiging cold and frigid ni Gerald, naku, e, baka magtugma nga ang title sa mararamdaman ni Kim na tipong, hanggang kelan siya magkakaroon ng heartache.

O kaya, baka naman ang mga Kimerald fans ang magkaroon ng heartache kung sakali, je,je,je!!!

Kahit na ano kasi ang ikilos nina Gerald and Kim, e, siguradong malalagyan ng kulay lalo na’t pinag-uusapan hanggang ngayon kung sila pa ba o hindi na (kahit hindi nila diretsahang inaamin na naging sila).

A, basta, abangan na lang natin bukas ang kanilang mga drama.

For reaction, please e-mail: mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

4 thoughts on “Patrick dela Rosa, ididiin ng iba pang biktima umano ng rape?!

  1. maganda ipadala si patrick dun sa munti sa may maximum penitentiary maraming lalaki gagahasa sa kanya lalo na taon na di nakakakita ng babae mga yun..wag lang nya pupulutin ang sabon pag naligo sya..hahahha..yari tumbong nyan..

  2. @cristy vermin: ano ka ba? pagbigyan mo na. kaya nga coocoo gonzales ang namesung ng girl eh. coocoo, meaning wang-bu…hahaha! noon ko pa talaga nababalitaan na manyakis yang patrick na yan. meron nang incident na ganito dati pero parang naglaho bigla…

  3. Tanga ang tawag doon sa asawa. Hindi na nga siya iginalang at nirespeto noong lalaki na si Patrick…eh naroon pa din siya. Kuno ka pa na naroon ka bilang ina ng inyong mga anak eh…dapat iyong mga bata ang iyong binantayan at inalo at pinuntahan……kasi malaking kahihiyan ng mga bata iyan!!! Tutuksuhin ng mga kaibigan iyan. Sila ang dapat na inasikaso mo.

    Samahan pa kaya sa kahihiyan ang iresponsableng asawa…..o di ba katangahan na iyan. Kabobohan at kawalang pagmamahal sa sarili mo iyang ginagawa mo..Coco Gonzales.

Leave a Reply

Your email address will not be published.