Patricia Javier, waley ang interbyu sa Vhong Navarro-Cedric Lee issue

Patricia-JavierNAGPA-INTERVIEW PA si Patricia Javier, dating sexy star na former girlfriend ni Cedric Lim sa TV Patrol last Monday evening.

Tulad ng ibang mga babae na minsang naging karelasyon ni Cedric like Vina Morales, hindi sinasabing isang battered woman si Patricia. In short, hindi tinalakay during the interview gayong sa mga nakaaalam at may alam sa showbiz, isang isyu ito sa sexy star noog panahon na aktibo pa siya sa pag-aartista.

Sa interview sa kanya ng ABS-CBN Hollywood correspondent na si Yong Chavez; waley naman siyang matinong statement or siguro, waley rin alam ng nag-i-interview ang tungkol sa subject niya at sa isyu na pinagpipistahan ng Philippine entertainment media. Hindi man lang tinanong ni Yong kung tulad ng mga ex-girlfriend ni Cedric ay sinaktan din siya. Nagsayang ng airtime ang TV Patrol sa interview nilang ‘yun kay Patricia who is now a successful dietician in Southern California at kasal sa isang American doctor.

Or shall I say, hindi nag-review ng kanyang assignment itong Hollywood correspondent ng Kapamilya Network para hindi niya maitanong ang tungkol sa “bugbugan” issue na naranasan din ni Patricia noon.

 

SA LUNES na pala ang simula ng A & A Tonight ( as in Aquino and Abunda) ang bagong show ng Kapamilya Network right after The Legal Wife.

Sa loob ng 15 minutes (may commercial gap pa kaya); ano kaya ang magiging laman ng palabas?

Knowing Kris and Kuya Boy, keri nilang ibitin ang manonood para lalong abangan sila sa susunod na kabanata ng show. Congrats, Kuya Boy!

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.