Patricia Javier, wagi sa Mrs. Asia USA 2009!

PAT ON HER back: Matapos niyang maglibot sa Carlsbad Outlet at masalang sa mga nauna na niyang shows sa Sacramento, Los Angeles at iba pa, dinalaw ng singer-actress na si Ara Mina ang kanyang very good friend na si Patricia Javier sa tahanan nito sa Encinitas, California.

Biglaan lang ang pagdalaw ni Ara kay Patricia dahil malapit na nga sa Outlet Factory na ‘yon sa Carlsbad ang tinitirhan ng dating aktres na happily married na ngayon kay Dr. Robert Walcher III at may supling na sila, si Robert IV.

Para namang na-ESP ni Patricia na may darating sa kanilang tahanan dahil nataon naman na nagluluto ito at ang kanyang butihing ina ng mga bagong recipes na pinag-aaralan niya.

Tsinika ko si Patricia habang nagluluto.Katsika naman ni Ara ang Mommy nito.

Ang balita sa akin ni Patricia, eh ‘yung tungkol sa pagkapanalo niya as 2nd runner-up as Mrs. Asia USA 2009 noong June 13, na ginanap sa Alex Theater in Glendale, California. With matching two minor awards pa, ang Mrs. Congeniality at People’s Choice award.

Sabi ko naman kay Patricia, hindi nakapagtataka na tanghalin pa rin siyang isang beauty queen sa panahong ito dahil bombshell na bombshell pa rin ang dating niya. In fact, natalbugan nga niya ang iba pang kasali sa nasabing kontes, dahil alam na naman nating bukod sa pagiging aktres niya, sa singing at dancing eh, hindi matatawaran si Patricia.

Sa question and answer portion nga raw kung saan ang tanong sa kanya eh, kung sino kina President Barack Obama, Michelle Obama, Oprah Winfrey at Brad Pitt ang pipiliin niya para maka-dinner at kung bakit, umani ng katakut-takot na palakpak at hiyaw ang naging sagot niya.

“No disrespect to President Obama, Michelle Obama, and Oprah Winfrey but I would choose Brad Pitt. I would ask him how he plans to raise his children with different races and cultural backgrounds.”
Dahil nga sumasalang pa rin manaka-naka sa mga shows sa iba’t ibang parte ng Amerika si Patricia, roon siya nakita ng contest organizer at inanyayahan siya para sumali. At hindi naman nagkamali si Patricia na tanggapin ang nasabing invitation kung saan ang Mrs. Vietnam na si Kimberly Vodang ang itinanghal na Mrs. Asia USA 2009.

One of these days, malamang na bumalik ng Pilipinas si Patricia, kasama ang kanyang better-half na si Robert III, na isang chiropractor. Nagbabalak daw sila ng isang medical mission para sa ating mga kababayang nangangailangan nito.

SINGING A DIFFERENT tune?: Bago kami tumulak ng Las Vegas ni Ara (Mina) para sa show niya sa Palace Station Casino and Resort, nagkaroon kami ng chance na makausap sa phone ang Superstar na si Nora Aunor. Sa pamamagitan ng isa sa mga producers ng show ni Ara roon, na si Ernan Ebreo, nakatsikahan ko ang La Loba Negra.

Nakipag-set pa ito ng date sa akin sa Las Vegas, after na maghulaan portion kami sa telepono kung sino ako. Na-gets naman dahil lang sa clue na may ‘sky’ sa dulo ng nick ko.

Ang naibalita sa akin ng nag-iisang Superstar, eh, ang pagkalinga niya ngayon sa dati niyang leading man (sa The Singing Filipina) na si Sajid Khan. Ipapasyal nga raw niya ito sa Las Vegas at kaya niya kausap si Tito Ernan eh, para sa kanilang trip.

Pero natapos na ang show ni Ara sa Las Vegas, hindi namin nakita ang anino ng Superstar. Nabalitaan na lang namin from Tito Ernan na ‘nalaglag sa eroplano’ si Bulilit.

Nalaglag dahil nang susunduin na siya para ihatid sa airport, saka lang nito sinabi na the following day pa pala ang lipad niya pa-Las Vegas.
Wala pa namang ibinigay na balita ang Superstar kung this year na siya magbabakasyon uli sa ‘Pinas.

At the rate things are going, mukhang naka-concentrate siya ngayon sa lubusang pagtulong sa isang kaibigang minsan isang kahapon eh, naging magandang bahagi ng buhay niya. Ayon kasi sa balita, may iniindang sakit ngayon ang kanyang former leading man.

The same old tune, the same old ‘inay’ of mine. Dapat pa ba akong magulat? Pero ‘yan siya na minahal ko sa kanya. Ibang klase’ng maglambing. Kaya, laugh na lang ang Tito Ernan ko.

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

3 thoughts on “Patricia Javier, wagi sa Mrs. Asia USA 2009!

Leave a Reply

Your email address will not be published.